Chapter Seventeen

6.2K 159 67
                                    

"Ano bang gusto mong kainin?" tanong sa akin ni Jonas, habang nakaupo kami sa may dining table.

Tinitigan ko siya, "Ang ganda ng ilong mo" Pareho sila ng ilong ni Renz. Matangos and pointy pero hindi ganun kalaki ang butas ng ilong nila na kala mo hihigupin ka.

Nakita ko ang pagkurba ng mga labi ni Jonas. Ay naku, alam ko na ibig sabihin nun.

"Sabi na nga ba gwapong gwapo ka sakin e." pagyayabang niya. Wala nang bago. Hambog talaga kahit kalian itong si Jonas.

Tumawa lang ako saka umiling iling.

"Gusto ko ng mangga" sagot ko sa kanina pa niyang tanong.

"Mangga na naman?" Kumakamot kamot sa ulo na tanong niya. "Tapos ang gusto mo ung maasim na walang buto, binigay kita ng ganun di mo naman kinakain." panenermon niya. Ngumuso ako.

"Ano ka ba hijo, ganun talaga mga naglilihi." Pareho kami napalingon ni Jonas sa nagsalita. Si Lola Celia pala.

"Lola" sabay naming bigkas.

Ngumiti siya sa amin.

"Aalis na kami, hija. Kaya mo nab a sarili mo?" nag aalalang tanong niya sa akin.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo namin sa verand ng rest house. "Opo, nabigla lang din po ako."

Tumango si Lola Celia, "Mabuti naman. Andito naman si Lydia para bantayan ka."

"Lola, ako din." singit naman ni Jonas. Siniko ko siya. Kanina pa nangungulit yan na dito muna. Naku.

"Mag tigil ka Jonas, madami ka pang trabaho sa Manila." Napayuko na lamang siya ng nakisamangot, parang bata. Pinasimple akong dumila para maasar siya. Lalo pa sumimangot.

Lumabas na din sila Sir Carlito at kanyang asawa. Nagulat ako ng nakangiting lumapit sa akin si Mam Alea.

Hinawakan niya ang buhok ko at hinaplos. "Alagaan mo ang sarili mo, ha, hija."

Alanganin akong napatango. Hindi ko alam sasabihin ko, kasunod din nila lumabas si Renz at Isabel.

Alanganin ang ngiti niya at halos hindi makatingin si Isabel. Yumuko nalang ako. Naiitindihan ko naman siya e. Kahit gusto at pumayag siya dito, masakit parin para sa kanya.

Tumikhim si Renz. "Alis na tayo?"

Tumango si Sir Carlito. "Apple, hija, alagaan mo sarili mo ah." Tumango ako kay Sir Carlito.

Naunang naglakad si Sir Carlito, kasunod ni Mam Alea at Lola Celia.

"Babalik ako ditto pag luwag na ulit schedule ko ah." Kinurot ni Jonas ang ilong ko. "Wag masyadong matakaw. Baka pag balik ko dito doble kana." Pang aasar niya. Kinurot ko nga sa tagaliran.

"Aray. Aray." Tatawa tawa niyang angal.

Napatingin ako kay Renz habang naka-akbay sa asawa kaya napatingin ako kay Isabel na nakatingin naman sa akin, sa tiyan ko mas dapat sabihin.

Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya at nag angat siya ng tingin at alanganing ngumiti.

"You take care of yourself." Saka siya sumunod kaila Lola.

"I will check on you, on our baby." Kakaiba ang mga huling tingin sa akin ni Renz bago siya sumunod sa asawa niya at kakaiba ang pakiramdam ko ng sinabi niyang 'our baby'.

Bakit ganito nararamdaman ko? Parang gusto sumabog ng puso ko sa tuwa.

Malayo na sa aking tanaw ng maramdaman kong may nakatitig sa akin, si Jonas.

"Oh, bakit andito ka pa?" Pabiro kong sabi.

Ngumisi siya saka umiling. "Mag-iingat ka."

Sa huling sinabi ni Jonas. Kakaiba ang pakiramdam ko. Nanlamig ako.

Hindi bakas sa muka niya ang pabiro niyang imahe.

Kailangan ko na ata talaga mag-ingat. Ibang iba na ang pakiramdam ko.

Humawak ako sa tiyan ko.

Kaya ko pa ba?

~

Naalampungtan ako na parang gusto ko magpapak ng milo.

Alas 12 na ng gabi pasado. Malamang tulog na si Nanay Lydia.

Sinuot ko ang aking tsinelas saka bumaba sa may kusina. Hindi ko na binuksan ang ilaw.

"Saan nga ba nakalagay ang milo?"

Kumuha ako ng baso saka hinanap ang milo sa itaas ng cabinet.

"Ito!" Kukunin ko na sana ng biglang may nagbukas ng ilaw.

Napalingon ako at nahulog ko ang basong hawak-hawak ko.

"You really like sneaking at night, huh?"


Note: SORRY. VERY SHORT UPDATE PO. Ito lang kinaya ng powers ko. :( Anyway, hahaha alam ko ang sabi ko before september ends, anyare? hahaha before october ends pala. Thank you po sa lahat ng nagaabang nito. Meron pa kaya? Lol. Thank you sa votes and comments. Sa uulitin po :) :*


The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon