Chapter Nineteen

5.2K 158 31
                                    



Luminga muna ako bago tuluyang lumabas. Mag hapon ko na ata talaga siyang iniiwasan.

Bakit ba kasi andito pa siya? Hindi ba dapat nasa Maynila na siya? Ano pa ginagawa niya dito?

Hay.

Napatingin ako sa karagatan, masyadong maganda ang dagat at panahon para mag-isip pa ako ng kung anu-anong bagay. Ma-stress lang din ang baby ko.

Napahawak ako sa tiyan ko.


Ang baby namin.


Ayy naku Apple, clear your thoughts.

Sinimulan ko na maglakad patungo sa dagat na hindi kalayuan sa bahay.

Napatingin ako sa may mangga sa di kalayuan. Nakaramam agad ako ng pangangasim. Namimiss ko na si Jonas, siya palagi ang kumukuha ng mangga para sa akin. Kahit kulit na kulit na siya sa akin ay kinukuha niya parin naman.

Ngumuso ako.

"Gusto mo ga ng mangga?" Napalingon ako at napangiti sa pamilyar na tinig. Si Pepito.

Tumango ako.

"Halata na iyong tiyan mo." Puna niya. Natawa ako sa sinabi niya. Noon ay nagtataka siya bakit ang hilig ko sa mangga. Unti-unti siyang lumapit sa puno saka inikyat ito.

"Wala ata ang iyong asawa." Ang tinutukoy niya ay si Jonas.

Natawa naman ako.

"Hindi ko yun asawa" Sagot ko.

"Ano?" muli niyang tanong dahil hindi niya ko marinig. Nasa taas na kasi siya ng puno at nangunguha ng mangga.

Tiningala ko siya saka nilakas ko ang boses ko.

"Hindi ko kako asawa yun!" Nilingon niya ko sa baba. Nagtataka ang muka niya.

Hindi na ko nagsalita.

Bumaba siya mula puno ng makakuha na siya ng sapat na mangga.

"Kung hindi siya, sino?" nagtataka niyang tanong.

Ngumiti lang ako at nag kibit ng balikat.

Umiling siya sa akin saka napakamot sa kanya noo. "Napaka-misteryosa mo naman pala." Natatawang sabi niya. Alam ko gusto niya pa magtanong pero mas pinili na lang niyang di maki-alam.

Kukunin ko na sana ung mga mangga, "Hatid na kita. Baka mabigatan ka pa, buntis."

Pabiro ko siyang hinampas dahil sa pang aasar niya. Di naman kalayuan ang bahay ng mga Monteverde doon pero gusto padin niya siya na magbibitbit. Wala din kasi akong dalang basket o kahit anong lalagyan para sa mangga. Madami-dami din kasi siyang kinuha.

Nagkwentuhan kami habang naglalakad kami pabalik.

Ngayon ko lang nalaman na nag-aaral pa pala siya ngunit tumutulong-tulong siya sa kanyang magulang pag wala siyang pasok. Kaya pala nitong mga nakaraang araw ay bihira ko na siyang makita dahil malapit na pala magsimula ang kanilang klase.

Nakakamiss naman mag-aral.

Nang makarating na kami sa harap ng bahay huminto ako.

"Iwan mo nalang dyan, Pepito." Turo ko sa lamesa sa loob ng balkonahe.

Sinunod naman niya ang gusto ko.

"Maraming Salamat." Ani ko saka may nagbukas ng front door. Sabay kami napatingin ni Pepito doon, si Sir Renz.

Mukang di siya good mood, kasi masama ang tingin niya sa amin ni Pepito. Ano ba bago doon? Ganun naman lagi siya.

Tumikhim si Pepito. "Paano Apple, mauuna na ko."

Tumango ako. "Maraming salamat ulit." Kumaway ako hanggang makalayo na si Pepito.

"Who's that?" napalingon uli ako kay Sir Renz. Napaka dilim talaga ng aura niya.

"Si Pe-" napalunok ako dahil deretsong deretso ang mata niya sa akin. "Pepito po."

"You're talking with strangers?" kunot noong tanong niya.

Mabilis akong umiling. "Siya po natulong samin ni Nay Lydia mamalengke."

Lalong kumunot naman ang noo niya. "Who told you to shop at wet market?"

Ano daw? Bakit ba ang hilig nito mag English?

Napalunok nalang ako dahil hindi ko alam isasagot ko.

Tama siya. Takot talaga ko sa kanya.

Tinignan niya ang mga mangga sa lamesa. "If you want mangoes, you should have told me." Naiinis na sabi niya. "I will peel these mangoes."

Nanlaki ang mata ko. "A-ako na po."

Maglalakad na sana ko paloob ng tinitigan niya ko kaya bigla ako napahinto. "You seat here and wait for me." Madiin niya sabi kaya bigla nalang ako napa upo sa upuan na tinuro niya katabi ng lamesa at mga mangga.

Ngumisi siya saka pumasok sa loob.

Napayuko ako.

Ano ba naman yun? Nakakatakot talaga mga titig niya. Wala akong nagawa kundi sundin mga sinabi niya.

Saglit lang at nakabalik na siya, may bitbit na siyang maliit na kutsilyo, plato at alamang.

"Nay told me you like mangoes with this." Napalunok ako.

Umupo siya sa katapat kong upuan. Saka kumuha ng isang mangga at sinimulan na niyang balatan ito. N

"Si-Sir, ako na po." Mahinang tinig kong sinabi, nakakahiya naman kasing siya pa nagbabalat ng mga mangga.

Tinignan niya ko. Wala siyang sinabi pero parang nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin. Napalunok ako saka pinagpatuloy niya ang pagbabalat.

Wala akong ginawa kundi panuorin siya magbalat at hiwain ang mga ito.

Tinignan niya ko. "I thought you want mangoes, why you're not eating them?" Kanina pa naman ako natatakam, nahihiya lang ako.

Mabagal at unti-unti ako kumuha saka sinawsaw sa alamang.

Ang sarap! Nagtatalo yung asim at anghang nung alamang. Pati yung baby ko parang natuwa kasi gumalaw siya.

Napangiti ako at pag angat ko ng tingin kay Sir Renz nakangiti din siya. Napaka dalisay ng kanyang ngiti. Lalo ko ginanahan kumain.

Nang matapos na niya balatan lahat, hindi ko siya nakita kumain. Nakatingin lang siya sa akin. Na ilang tuloy ako bigla.

"Si-Sir, kain po." Nahihiya kong pag anyaya. Nakakahiya, baka pala hindi siya nakain ng ganto.

"Feed me." Halos mabilaukan ako sa sinabi niya.

Tinignan ko siya kung seryoso ba siya. Nagulat ako ng nilapit pa niya ang kanyang inuupuan sa akin tapos saka siya ngumanga.

Napalunok ako.

Unti-unti kong inangat ang kamay ko saka sinubo sa kanya ang mangga.

Nakangiti niyang nginuyo ito. Napangiti nadin ako.

Halos mapatalon ako ng maramdaman kong may humaplos sa tiyan ko. It is Renz's hand.

Hinahaplos niya ang tiyan. "I'll ask Jenna to visit you, you need a monthly check up."

Tinititigan niya ko habang sinasabi niya yun.

Hindi ko alam kung anong pagtutuunan ko ng pansin, ang mga mata ba ni Renz, ang baby sa loob ng tiyan ko na gumalaw, narang naramdaman niyang ang kanyang ama ang humawak sa kanya o ang kakaibang damdamin na humaplos sa puso ko.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon