Napabuntong hininga ako saka binaba ang binabasang libro. Wala na naman pumapasok sa isip ko kundi ang eksena nang paghalik ni Renz sa kanyang asawa.
Di ko naman alam kung ano pinoproblema ko, malamang ay normal lang iyon dahil sila ay mag-asawa.
Umayos ka, Apple. Umayos ka.
Napatingin ako sa bulaklak na binigay ni Jonas. Nilagay ko ito sa isang vase at nilagyan nang tubig. Isang piraso man ay ang ganda nito dahil bukang buka ang mga petals nito at sobrang tingkad pa nang kulay.
Hindi ko maiwasan mahalintulad ang magiging anak ko sa isang bulaklak. Paniguradong kay ganda nito. Sa pag dadalaga nito ay parang bulaklak na mamumukadkad.
Napangiti ako.
Ysabelle. Hindi naman masama ang magiging pangalan niya. Pwede siya mahalintulad sa isang Yellow Bell? o kaya ang isa sa magagandang disney princess, si Belle.
"Wag mo pakatitgan, mabubulok din yan." napalingon ako sa nagsalita. Nakakunot noo ito habang nakatingin din sa bulaklak na nakapatong sa center table nang salas.
"Kaya nga po tinititigan ko na po ang kagandahan bago pa po mabulok" hindi ko na napigilan ang pag sagot. Kulang nalang ay patayin nito ang bulaklak dahil sa mga titig nito.
"Kung nakakalanta po ang tingin niya ay malamang, bulok na po iyon." pagbibigay komento ko sa pag titig nito. Saka niya ako nilingon.
"Bibilhan kita niyan, marami."
"P-po?" naguguluhang ani ko.
"Mamasyal tayo sa dalampasigan." ani nito nang makalapit sa akin at parang di inalintana ang pagtataka sa muka ko. "Bibilhan nga kita niyan, a lot. A lot lot more, and more." ulit pa nito "Pero tara muna mamasyal sa tabing dagat."
At iyon nga ay namasyal kami sa tabing dagat, kinukulit niya ko na dapat na naglalakad lakad daw ako. Hindi lang nito alam na sadyang naglalakad lakad naman talag ako sa dalampasigan, sa umaga at hapon.
Ganun na kasi ang naging routine ko. Gigising ako sa umaga ay may agahan nang naihain si Nanay. Kaya mamasyal nalang ako sa dalampasigan hangga't di pa naman masakit sa balat ang sikat nang araw. Pag tapos ay tutulong ako sa gawaing bahay at pagluluto nang tanghalian dahil nga si Pepito na din ang naatasan mamili nang mga kailangan nila. Nakikisuyo ang matanda dahil palagi naman nasa palenge ang lalaki.
Hindi naman kasi pwedeng ako ang mamili , mag-aalala lang din si Nanay kung sakali at ganun din kung siya ang mamimili. Natatakot ito iwan ako mag-isa at baka daw mapano pa ko tas wala siya. Talagang napamahl na din sa akin si Nanay Lydia.
Pagkapananghalian ay nagbabasa naman ako nang libro, may ilan-ilan na din akong natapos basahin at pag nakaramdam nang antok ay sako ako matutulog. Nakahain na din ang merienda pag nagising ako, kaya muli ay maglalakad ako sa dalampasigan at papanuorin ang pag lubog nang araw.
Sobrang ganda nang sunset sa tabing dagat, hindi ata ako magsasawang panuorin ang paglubog nang araw. Kung paano nagtatalo ang dilim at liwanag, gaya nga nang sabi nang lahat sadyang nagtatagpo ang liwanag at dilim. Hindi palaging liwanag at hindi rin palaging dilim.
Sa gabi ay ako na ang nagluluto dahil gusto ko din naman ang nagluluto. Lalo na pag nagkikita kong nasasarapan si Nanay sa aking luto, minsan din ay nakakasabay namin kumain si Pepito. Niyaya namin siya bilang pasasalamat na din sa pagtulong.
Namamanghang nakatitig ako kay Renz habang nagtatampisaw ito sa dagat. Papalubog na ang araw nang maisipan nitong maligo kaya nagtimpisaw na lamang ito, niyaya nga ako nito pero tumanggi ako at nagdesisyon nalang umupo lang sa tabi habang nilalaro ang buhangin.