Pagkauwi namin nun e masaya naming binalita kay Nanay na babae ang dinadala ko. Tsaka nagulat din siya sa dami nang dali naming pagkain at hindi lang iyon pati mga damit. Nakakahiya man e binilhan niya ko nang mga damit.
Todo tanggi pa nga ako dahil gusto pa niya pumunta kami sa mall sa kabilang bayan pa pero ayaw niya magpaawat kaya sabi ko kahit diyan nalang sa palengke. Ayaw niya nung una pero sumangayon na din. Binilhan niya ko nang mga dress kasi lalaki pa daw ung tiyan ko. Ayaw niya na magsusuot ako nang pants or kahit leggings baka daw maipit pa ang tiyan ko.
Natutuwa ako kasi sobrang maalaga niya. Hindi man sa akin pero para sa baby. Alam ko, I'm doing the right thing. Iiwan ko ang anak ko sa mabuting tao. Masakit man sa akin.
Kinabukasan, hindi ko na inaasahan na makikita ko padin siya sa bahay pero andun padin siya. Sabay kami kumain nang agahan pag tapos ay nagpaalam siya na kailangan niya magtrabaho. Tumango lang naman ako at akala ko ay papunta na siyang Manila pero sa library siya nagtrabaho.
Ganun ba talaga pag nagmamay-ari ka nang isang kompanya kahit wala ka dun e nakakapagtrabaho ka. Hindi ko nga alam kung anong business nila e, alam ko lang may malaking kompanya sila sa Manila. Samantalang, may hacienda sila doon sa probinsya.
"Nay, ano ang negosyo nang Monteverde sa Manila?" puno nang kuryosidad kong tanong habang nagpupunas kami nang mga muwebles nang mansyon.
"Pag iimport at export nang mga kargamento hija." Tumango tango nalang ako habang patuloy na nagkukwento si Nanay tungkol sa negosyo nila. Kung paano nakikipagdeal ang mga ito sa malalaking kompanya, matagal na din kilala ang Monteverde Freight Forwarding.
Patuloy lang ang pagkukwentuhan namin tungkol sa pamilya ng Monteverde. Nagsimula ang small business na pinalakad ni Don Carlo hanggang sa lumaki at nakilala ito. Bukod kasi sa business nito sa Manila, malaki din kasi ang lupain ng Monteverde sa norte kung saan ako galing. Sa malawak nitong lupain ay mga pananim na palay, mais at kunga anu-ano pa. Si Sir Carlito ang tumatayong presidente ng kompanya ngayon, iniwan ni Don Carlo ang pamamahala sa anak nito bago pa lumala ang sakit nito. Ginusto na daw ni Don Carlo may enjoy sa buhay kasama si Lola Celia at pinagkatiwala na ito sa anak.
Kasama noon ni Sir Carlito mamahala ang ama ni Jonas ngunit kagaya ko ay maaga din kinuha kay Jonas ang magulang niya. Sila Sir Carlito at Mam Alea na rin ang tumayong magulang ni Jonas nang ito ay naulila sa mga magulang.
Kaya tunay na naging magaan ang loob nila ni Jonas sa isa't isa dahil sa parehong kwento nang buhay namin. Nagkataon lamang na ito ay pinanganak na mayaman at ako ay hindi.
Naputol nang aming kwentuhan nang makarinig kami nang pamilyar na busina mula sa labas. Ang tricycle ito ni Pepito, mukang inutos na lamang ni Nanay Lydia ang pamamalengke dito. Parehas kami lumabas ni nanay, madaming mga supot na nilalabas si Pepito mula sa kanyang tricycyle.
"Magandang umaga" maligayang bati nito sa kanila habang may hawak na dalawang plastik at nilapag sa balkonahe. "At siyempre, ang paborito." Ngumiti ako nang inilabas nito ang plastik ng mansanas. Iyon ata ang hindi nakakalimutan pag namamalengke.
"Salamat Pepito."
Binuhat ko ang mansanas at iba pang prutas samantalang si Nanay ang nag buhat sa mga gulay. Ang mabibigat na pinamalengke ay si Pepito ang nagbuhat at dinala na namin sa kusina.
"Salamat din nga pala sa pasalubong niyong pagkain kahapon." Ang tinutukoy nito ay ang Jollibee. Hindi na ako ang nakapag abot nito sa kanya dahil sa pagod ay nakatulog na ko pagkabalik namin. "At totoo ba? Babae daw yang dinadala mo?" tanong nito sa akin.
"Aba Pepito, hindi ka pala naniniwala sa akin." Pagbibiro ni Nanay na akala mo ay may hinanakit. Parehas kami natawa rito.
Napakamot sa ulo si Pepito. "Hindi naman sa ganun Nay. Tingin ko naman talaga ay babae ang dinadala ni Apol dahil paganda nang paganda ito." Ngumiti ito sa akin, nakaramdam naman ako nang hiya sa sinabi nito.