Chapter Fourteen

6.3K 114 6
                                    

Diniin ko ang pagkakapikit ng aking mata ng magising ako kinaumagahan. Inalala ko ang lahat nang nangyari kagabi, simula sa pagkain ko nang hipon, pag-atake ng allergy ko, sa pag-aalaga ni Sir Renz sa akin at sa muling nangyari sa amin.

Gusto kong sumigaw! May nangyari na naman sa amin.

Lalo kong punikit ang mata ko at hinigpitan ang hawak ko sa kumot na nakatalkbong sa buong katawan ko, nagpipigil ako sumigaw. Teka, bakit ba ako nagpipigil sumigaw panigurado ay wala na siya dito.

Kagaya nung unang beses, wala na siya kinaumagahan.

Nagdesisyon akong sumigaw ng malakas at tinanggal ang nakatalukbong sa kumot sa muka ko.

"Anong nangyayari sayo?" Halos mapatalon ako patayo sa kama nang marinig ko ang pamilyar na boses nito.

Nakatayo sa gilid ng lamesa, kung nasaan ang laptop at tasa ng kape marami ding mga papel sa ibabaw. Nanlaki ang mga mata kong nakatitig sa kanya. Nananaginip ba ko?

Pero narinig ko ang boses niya. Bumilis pa ang tibok nang puso ko nang lumapit siya.

"Anong ginagawa mo dito?" hindi ko napigilang tanong habang tinuturo siya.

Nakamaang at kunot ang noong tumigil siya sa gilid ng kama habang nakatitig sa akin. Napahawak ako sa kumunot na nakatakip sa katawan ko.

Thanks God, nakabihis na ko.

Teka. Sino nagbihis sa akin? Hindi ko maalalang nagbihis ako pagtapos nang nangyari sa amin kagabi. Nag-init ang muka ko ng maalala ang nangyari.

Napatitig ako sa kanya na mabilis kong pinasisihan dahil bilang naglaro ang mata ko sa hubad niyang itaas na parte ng katawan. Naka shorts lamang siya. Naglalaro sa isip ko ang matipuno niyang katawan, ang pakiramdam na padaanin ang aking kamay mula sa malapad niyang dibdib pababa sa matigas niyang tiyan o mas tamang tawagin na abs.

Muntik na kong malaglag sa kama nang umatras ako nang makita kong kaharap ko ang muka niya. Nakatayo siya habang nakapatong sa kama ang dalawang kamay niya bilang alalay habang napakalapit ng muka niya sa muka ko.

"You're staring. It's rude, you know." Hindi ko alam kung anong reaksyon ang dapat kong itugon, kung mahihiya ako o magtatalon sa kakaiba kong nararamdaman sa kakaibang ngiti na pinapakita siya.

Totoo ba ito o namamalik mata ako? He's smiling at me.

Gusto kong haplusin ang pisngi niya nang mga oras na iyon. Kusa na ngang umangat ang kamay ko para mahawakan ang pisngi niya nang may tumunog, napalingon ako sa pinaggalingan ng nagiingay na bagay. Cellphone.

Napakunot noo ako. May natawag kay Sir Renz.

Sa muling pagharap ko, akala ko ay nilapitan na niya ang nagiingay niyang cellphone pero nagkamali ako nasa harapan ko padin siya at nakatitig sa akin.

Napalunok ako. "M-may natawag po."

Tinitigan muna niya ko bago siya dumeretso nang tayo at sinagot ang tawag.

Nakatitig lang ako sa kanya, nakatalikod siya mula sa akin at nakatanaw sa bintana habang hawak sa kanang kamay niya ang cellphone at sa kaliwang kamay niya ang isang tasa. Tumila na ang ulan pero makulimlim at malamig parin.

Paano niya natitiis ang nakahubad baro habang ang lamig ng panahon?

Pati ang likod niya nagsusumigaw ng kakisigan.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon