Pupungas pungas pa akong bumangon mula sa kama nang makarinig ako nang katok mula sa pintuan. Nakita ko na mataas na ang sikat nang araw. Ang haba na naman nang naging tulog ko.
Nagunat-unat muna ko bago ko naisipan buksan ang pinto. Tuloy tuloy padin kasi ang mararahang katok sa kwarto ko.
Napangiti ako. Hindi na naman siguro mapakali si Nanay at hindi pa ko nabangon para kumain.
Kinukusot ko pa ang aking mga mata nang buksan ang pinto.
"Magandang umaga Nanay" masaya kong bati pero laking gulat ko nang walang taong tumambad sa akin kundi mga lobo. Kulay na pink na lobo.
Mula sa dalawang lobong nkaharap sa akin ay naghiwalay ito saka tumambad sa akin ang muka ni Jonas.
"Congratulations to your baby girl" sabay abot niya sa akin nang isang pink na rosas.
Gulat na gulat ako. Bakit siya andito?
"Bakit ka nandito?" sa gulat ko ay yun ang lumabas sa bibig ko kaysa magpasalamat
Tumawa naman siya. "Hindi lang ako ang nandito." saka niya hinila ang kamay ko papasok sa entertainment room. Gulong gulo akong sumama sa kanya.
Laking gulat ko na naka-ayos ang entartainment room, madaming lobo na kulay pink and gold sa piligid. May malaki din na banner na may nakasulat na "Congratulations to your Baby Girl" at sabay-sabay din ito sinabi nang tao sa loob nang kwarto.
Andun si Lola Celia, Sir Carlito, Mam Alea, Nanay Lydia, yung driver nang Monteverde, si Renz pati ang asawa nitong si Isabel at may isa ding babae na hindi ko kilalang kasama ni Doc Jenna.
Nagtataka ako. Bakit andito sila? Para saan lahat nang ito?
NIlingon ko si Jonas, alam ko puno nang pagtataka ang muka ko pero nakangiti lang siya sa akin. Nagulat ako nang may humawak sa balikat ko at pinaharap ako, si Lola Celia.
"Come on, hija. It's a baby shower for the baby girl" Ang totoo e wala akong naintindihan, sumunod nalang ako kay Lola Celia. "Baby Girl Monteverde"
"Congrats hija" sabay halik sa aking pisngi ni Mam Alea.
Nagulat ako nang halikan din ako ni Isabel. "Congrats Apple" nakangiti siya pero kita ko ang kakaibang emosyon sa kanyang mga mata. "Btw this is my friend, Monica." Sabay pakilala niya dun sa babaeng kasama niya.
"Congrats to the baby girl" Alanganin ang naging ngiti ko dahil nadin sa parang pilit niyang ngiti.
Lumapit sa akin si Doc Jenna. "It's a healthy baby girl. Congrats." saka pabulong na sinabi ang huli.
"Thank you so much Jenna" sabay lapit sa akin muli ni Lola Celia "Buti nalang anjan ka, naging busy din kasi kami kay Carlo while Renz here is very busy in business." sabay tingin kay Renz
"He's been in out of town business trip last week. Buti nalang Jenna is here to take care of the baby and Apple" napatingin ako kay Mam Alea, ngumiti siya sa akin. Last week? Out of town?
Puno nang pagtataka akong napalingon kay Renz, nakatingin lang din siya sa akin. Napalingon ako kay Doc Jenna, alanganin din ang naging ngiti.
Renz is here last week. Unti unti ko nang naiitindihan. Hindi nila alam na nandito si Renz sa Batangas last week at ang alam nila si Doc Jenna ang kasama ko para malaman ang kasarian ng baby.
Tahimik lang din si Nanay Lydia na nakikinig.
"Sabi ko nga dito kay Renz ay dumalaw mandito kahit papano." Tumingin si Lola sa mag asawa "With Isabel, of course." Ngiti lang ang naging tugon ni Isabel dito.