Chapter Forty Three

2.7K 121 46
                                    


Nanunuod ako nang isang romantic comedy na movie nang marinig ko ang pagbukas nang pinto. Napalaki ang ngiti sa muka ko nang makita ko siyang pumasok.

"Hi!" I greeted as he entered and walked to me.

"How are you?" then he gave me a quick kiss in my lips. Mabilis ko naman kinuha sa kanya si Ysabelle.

"Ok naman." I answered him. "Hi baby, namiss mo ba si Mama?" Tanong ko habang nilalaro ang kanyang pisngi. Nakakagigil siya. Humagikgik naman siya. Mukang namiss din naman ako.

"Ako hindi mo ba tatanungin?" I smile and ignore him. Wala lang, gusto ko lang siya inisin.

"Miss na miss ka ni Mama" patuloy kong paglalaro sa kanya. Inaabot naman niya ang kamay ko at nilalaro ang daliri ko.

Naramdaman ko ang paglapit niya sa akin at niyakap ako patagilid. Nakapatong ang kanyang baba sa aking balikat. "I miss Mama too."

Almost a month na ata ako nakatira dito sa condo niya. Instead na ibalik ako sa probinsya ay dito ako hinatid ni Kuya Benjo, na ayon sa napag-usapan namij ni Renz. Si Kuya Benjo daw ang pinagkakatiwalaan niya, he's been his driver-slash-bodyguard during his younger years.

Sinabi niya sa akin babalik na ang kanyang Lolo, si Don Carlo, na discharge na kasi ito sa hospital kailangan nalang magpalakas. Kaya kinailangan na nila i-ayon sa naging plano. But I guess Renz has different plan kaya eto, nasa condo niya ko. He's trying his best na makita ko si baby Ysabelle, na everytime na may pagkakataon ay dinadala niya dito si Ysabelle.

I can't be more happy than that.

Nilingon ko na siya.

"Namiss din kita kahit nagkita naman tayo kahapon" pagbibiro ko. Tumawa ko pero sumimangot lang siya kaya kinurot ko ang matangos niyang ilong. Buti namana ni Ysabelle ang ilong niya.... no, scratch that. Lahat namana niya kay Renz. Feeling ko paglaki ni Ysabelle, female version siya nito.

"Ganda talaga ng ilong niyo."

Kumunot naman ang noo nito. "Niyo? Ilong ko lang." Napa-ikot naman ang aking mata dahil doon. Alam ko na ang ibig nitong sabihin.

"Seloso ba." pangaasar ko, lagi nalang nagagawa nitong isingit ang pagseselos niya kay Jonas. Speaking of Jonas, ang tagal ko na siyang di nakikita. Nung umalis ang sa mansyon ng Monteverde ay hindi manlang kami nagkita. Honestly, namimiss ko din iyon.

Humigpit naman ang yakap nito sa bewang ko. "Oo kaya wag mo ko pinagseselos." Tinawanan ko lang siya at nilaro si baby Belle na tuwang tuwa naman.

"Tsaka mat girlfriend na yun, ang tagal nang di nagpapakita sa opisina nun" Napakunot naman noo ko. Si Jonas may girlfriend? Wow. Masaya ako para sa kanya kung totoo, baka isa na naman sa mga babae niya yun. Kinurot niya ang ilong ko.

Tinapik ko naman ang kamay niya. "Aray ko naman." Angal ko.

Nakasimangot siya. "Pag ikaw nangungurot ng ilong talaga. Bakit muka kang disappointed na may girlfriend na si Jo hah!" pang aakusa niya.

Tinawanan ko lang siya.

"Napag-isipan mo na ba yung sinabi ko sayo?" biglang tanong niya.

Bahagya akong napa-isip, maganda yung plano niya pero hindi ko pa alam e. Napagusapan namin ang plano ni Donya Celia na pag-aralin ako at gusto niya ay dito na ko sa Manila mag-aral at siya na bahala sa lahat ng kailangan ko.

Napa-nguso ako. Para naman akong may sugar daddy. "Pag-iisipan ko pa." saka ako tumayo "Nagluto ako Puchero, kain tayo?" nakangiti kong pag-aya sa kanya.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon