Chapter Thirty Three

2.7K 104 15
                                    


"Wow ang sarap! Ang galing mo pala magluto." nahiya naman ako sa pagpuri na binigay sa akin ni Isabel.

"H-hindi naman po. Magaling lang po magturo si Nanay." Sabay lingon ko kay Nay Lydia. Maalam naman ako magluto pero madalas ay prito lang ang kaya ko. Kaya nagpaturo ako kay Nanay Lydia nang iba't ibang putahe pa. Isa na din kasi iyon sa nakahiligan ko gawin.

"Ang humble ng Mansanas oh." pang aalaska sa akin ni Jonas. Masaya kaming tatlo sa hapag, bahagya kami nagkukwentuhan pwera dun sa isa.

Kanina pa siya parang bagot at inis. Hindi siya nakikisali sa kwentuhan namin.

"You know how to cook Puchero?" tanong niya sa akin. "Paborito iyon ni Renz e. I tried to cook that pero favorite parin niya ang puchero ni Nanay" pagbibiro nito na akala mo ay nagtatampo.

Tumawa naman si Nanay. "Masarap ang luto mo hija"

"The best lang talaga ang puchero ni nanay." kontra padin ni Isabel at pinaikot ang mga mata. Bihira ko makita ang ganitong reaksyon mula kay Isabel.

Puchero pala ang paborito niya.

"Don't make me choose between your Puchero and Nanay's." pagbibiro nito. Dun lang siya nakisali sa amin at bahagyang tumawa.

"Basta ako paborito ko lahat nang luto ni Mansanas." pagyayabang ni Jonas. Sinamaan ko naman siya nang tingin. Pero patuloy lang ito sa pagsubo nang pagkain.

"Ay oo hijo, lalo ngayon mas gumaling pa nga iyan." nahiya naman ako sa sinabi ni Nanay, siya padin naman talaga ung may pinakamasarap na luto.

Sa pagyuko ko ay nakita ko nakasimangot na naman si Renz.

Nagsimula ang kainan na nakasimangot siya at natapos din ang kainan na nakasimangot padin siya.

Bawal sumimangot, papanget si baby. Ngalinagali kong sabihin sa kanya.


Sadyang dumalaw lang sila Isabel dahil nung maghahapon na ay nagdesisyon na din silang umalis. Pinuri lang naman nito ang mga bulaklak na nakapaligid at hindi binigyan atensyon pa iyon.

"Hindi ka pa ba uuwi Jo?" tanong ni Isabel sa lalaking nakatayo sa tabi ko.

Umiling naman si Jonas biglang sagot,

"No, Jo. You need to go home with us. Marami tayong pag-uusapan para sa pending natin." singit ni Renz

Nakakunot naman ang noo ni Jonas. "Ano? Hindi ba pwede ipagpabukas iyan?"

"No." ang pagkakasabi nito ay puno nang awtoridad na parang bawal kontrahin at walang magpapabago nang isip nito. "I have business trip tomorrow."

Ngumiwi si Jonas saka humarap sa akin. "Paano ba yan Mansanas, wala tayong movie marathon ngayon." Tumango lang ako. Balak kasi namin mag movie marathong gaya nang pangako niya nung nakaraang bisita niya. Nagdala pa nga siya nang kopya nung mga bagong palabas na papanuorin namin.

"Sa susunod nalang." excited pa naman ako, kaso wala naman magagawa.

"Iiwan ko na ang mga yun dito para di na puro pagbabasa ang ginagawa mo." yun na kasi naging libangan ko. "Baka sa susunod kung anu-ano na binabasa mo." pang aasar niya.

Bigla naman ako namula at naalala ung librong may di kaaya-ayang nilalaman. Napabaling ako kay Renz nang di sinasadya ay nakita ko ang pag ngisi niya sa akin. Malamang ay namumula na ang muka ko. Mukang pareho kami nang iniisip.

Nanlaki ang mga mata ni Jonas, na parang di inaasahan ang magiging reakyson ko sa biro niya.

"Ano ka ba Jo, nasa tamang edad na din naman si Apple." pagtatanggol niya sa akin para mabawasan ang kahihiyan ko.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon