Hindi ko siguro inaasahan na pag gising ko ay nandito pa siya sa bahay pero mas di ko inaasahan na pag gising ko ay nandito siya sa tabi ko at mahimbing na natutulog.
Gusto kong paniwalain ang sarili ko na nanaginip lang ako. Na panaginip lang ang naganap sa aming dalawa pero hindi. Eto ang patunay na totoo ang lahat nang iyon, ang lalaking natutulog sa tabi ko.
Hindi ko mapigilan ang sarili ko pag masdan ito habang natutulog. Mahaba ang mga pilik mata nito, kala mo babae na naka-curl pa ang mga ito at tunay na kay tangos nang pointed nitong ilong. Monteverdeng Monteverde ang mga ilong, pareho ito at si Jonas. Tanging ang ilong ata ang nagpapatunay na mag pinsan sila, na isa silang Monteverde dahil kaparehas nila nang ilong si Sir Carlito.
Nagulat ako nang mag mulat ito nang mga mata, mapupungay na nakatingin ito sa dilat kong mga mata.
"Hi" nakangiting bati pa nito samantalang ako ang natigilan. Nahuli pa kasi nitong nakatitig ako sa kanya.
"H-hello p-po." Alanganin kong sagot saka nang iwas nang tingin.
Ano ba dapat ang sabihin ko? Ano ba ang ginagawa nang tao pag tapos nang kakaibang init na naganap sa kanila. Teka, hindi pa nga ko nagtotoothbrush baka bad breath pa ko. Hindi lang baka, malamang bad breath ako.
Jusko po Lord. Kainin sana ako nang lupa at parang kahihiyan lang ang nararamdaman ko.
Mabilis ako nag iwas nang tingin at tumingala na lamang sa kisame nang kwarto. Ano ba ito?
"Hey." tawag niya. Ay naku, delikado ako sa Hey na iyan. Nagpanggap nalang akong di ko siya narinig kahit ang lapit niya lang sa akin at hindi man lang siya nilingon.
Hindi ko nga alam kung anong muka ang ihaharap ko sa kanya, sa isipin palang na nakahubad padin ako sa ilalim nang kumot na nakabalot sa amin, at oo, parehas pang kumot ang nakabalot sa aming dalwa.
Gusto ko nalang tumayo at umalis na dun pero sa pagkakaalalang nakahubad ako sa ilalim nitong kumot ay nagpabago nang isip ko.
Ni hindi ko nga alam kung paano namin nagawa iyon kagabi, teka, pwede ba iyon? Gayung buntis ako? Paano ang batang dindala ko?
Napasapo ko ang dalawang kamay ko sa aking bibig.
Muka naman nakatingin siya sa akin dahil gulat siya sa inakto ko. "Hey, what's wrong?" tanong niya.
"B-buntis ako." bukod tanging nausal ko.
I heard his soft laugh. "I know" napalingon ako sa kanya at parang nakatingin siya sa aking tiyan na sinasabing halata nama na buntis ako. Gusto ko man mainis at burahin ang ngiti sa labi niya pero puno ako nang pangamba.
"Y-yung bata... p-paano ung bata?" tanong ko.
Kumunot ang noo niya na nagtataka sa inaakto ko pero maya-maya ay parang nalinawan siya. "Oh. It's fine, it's ok." Ako naman ang puno nang pagtatakang nilingon siya.
Hinawi niya ang ilang hibla nang aking buhok na nakaharang sa aking muka. Napalunok ako. "I told you, I already asked Jenna about it. It's safe and.... it's actually healthy for the baby." Iyon ba ang ibig sabihn niya kagabi.
Nanlaki ang mata ko. "Tinanong mo si Doc Jenna?" puno nang kahihiyan kong tanong. Paano niya nagawang tanungin si Doc Jenna tungkol doon, lalo na at alam nun ang totoo.
"Of course, I asked indirectly. Don't worry about it." he assured me pero parang nakaramdaman ako nang sobrang kahihiyan lalo na't mali ito. Bakit ba siya umaakto na ganto. "And...."
"And? Ano?" tanong ko sa pambibitin niya.
"She told me pregnant woman's sex drive is kind of... wild." bahagya pa siya tumawa pagkasabi nun. Hindi naman ako tanga para hindi maintindihan ang ingles na sinabi niya.