Lumabas ako ng kwarto ni Maya, mamaya nang alas tres ang kanyang operasyon. Magiging ok nadin si Maya. Napabuntong hininga muna ko at naglakad-lakad sa corridor ng hospital.
Nagulat ako sa nakasalubong kong lalaki, nakasandal siya sa pader at parang may iniintay. Nag angat siya ng tingin, naramdaman siguro niya na may nakatingin sa kanya. Isang pilit na ngiti ang pinakita niya sa akin.
Lumunok ako. “Ano ginagawa mo dito?” tanong ko.
Umalis siya sa pagkakasandal sa pader, umayos siya nang tayo saka humarap sa akin. Nakapamulsa siya.
“Pinapasundo kana ni Lola” napakunot noo ako. Agad? Ang bilis naman ata.
Nahihiyang tumango ako saka ko pinaglaruan ang mga daliri ko. Paano ko ba sasabihin to?
“Hindi mo itutuloy to?” nabigla ako sa tanong niya kaya napaangat ako saka sinalubong ang mga mata niya. Hindi ko parin mabakas sa muka niya yung masayahing Jonas.
Mabilis akong umiling. “Hindi” Hindi na pwede… Hindi matutuloy ang operasyon ni Maya yung bigla akong magbaback out at hindi maari yun. “Kasi operasyon ni Maya, mamayang alas tres baka pwedeng bukas o pagtapos nalang ng operasyon ako aalis” Sana pwede! Cross-finger! Madalas ko gawin yun nung estudyante ako, minsan naman effective sana ngayon din.
Tumango siya. “Ok. I’ll talk to Lola”
Pilit na ngiti ang tugon ko sa kanya, saka nagpasalamat. Bakit ang awkward na nang sitwasyon naming ni Jonas? Kung tutuusin siya ang pinaka closefriend ko, kahit minsan lang siya pumunta dito dahil nasa Manila ang buhay niya, sa kanya padin ako nakakapag-open nang lahat ng bagay. Yung mga hinanakit ko sa buhay siya nakakaalam.
Sa kanya ko din plano sabihin itong pinasok ko, pero hindi ko akalain ganun pala kalapit ang sitwasyon ko sa kanya. Konektado siya sa pinasok ko.
~
Para akong nabunutan ng malaking tinik nang sabihin na matagumpay ang naging operasyon ni Maya. She’s same. Hindi sayang ang gusot na pinasok ko.
Parang gusto ko nang tumakbo at hindi ituloy ang plano ko. Maya is safe already, na-operahan na siya. Pero alam ko hindi pwede. May utang pa kong dapat bayaran.
Sa sitwasyong ito, parang ang nagyari. Buhay sa buhay.
Buhay na niligtas kapalit sa isang buhay na bubuhayin.
Nakarinig ako nang pagbukas ng pintuan. Pare-pareho kami napatingin, si Tito’t Tita at Ako, sa taong pumasok. Si Jonas.
“Sir Jonas” sabay na bulaslas nila Tito saka napatayo.
“Good evening ho” pagbati ni Jonas o mas dapat ko ba siyang tawagin na Sir Jonas. Gumanti naman nang pagbati sila Tito.