Chapter Seven

6.5K 117 5
                                    

Napalunok ako nang makasalubong ko sa kusina ang taong dapat kong iwasan.

Si Renz. Renz Monteverde.

Bakit hindi? Nakakatakot ang mga tingin niya. Parang sa mga tingin niya gusto niya kong tunawin, gusto niya kong mawala, gusto niya ko maglaho.

Napalunok ulit ako, nakatitig lang siya sa akin habang hawak  ang baso na may lamang alak.

"Why you're here?" malamig na boses na tanong niya. Wala na yung malambing at maamong pero maawtoridad na boses nito gaya nang unang boses niya ko kausapin sa may dalampasigan, na pinagkamalan niya akong katulong.

Napalunok na naman ako bago magsalita. "Ahh-hmmm... Ano po... kukuha lang po sana ko ng--" hindi ko natapos ang sinasabi ko nang sabay kami napalingon sa bagong pasok sa kusina.

"Mansanas, bakit ang tagal mo? Sabi sayo ako nalang--" napahinto si Jonas nang makitang di ako nagiisa sa kusina. "Hey Renz! You're here."

Tinaas ni Sir Renz ang baso ng alak na dala niya bilang pagbati kay Jonas. "It's late. You're still together?" hindi ko mawari kung ano pinapahiwatig niya dahil wala pading buhay at malamig ang boses nito.

"It's late, and you're still drinking. Where's Isabel?" balik tanong ni Jonas.

"Up. Asleep. What's up?" at niguso niya ko.

"Movies." simpleng sagot ni Jonas habang isa-isa nang kinukuha ang mag dapat ako kumukuha. Drinks and junkfoods.

Ngumisi naman si Sir Renz. "Late night movies with..." he looks straight to my eyes "my babymaker" napalunok na naman ako.

May naramdaman akong humawak sa braso ko. "Shut up, Renz. Matulog ka na nga. Let's go." sabay akay niya sa akin palabas ng kusina.

Narinig ko ang mapait na tawa ni Sir Renz kaya napalingon uli ako sa kanya. Napalunok na naman ako nang makita kong nakatingin siya sa akin.

Ano ba naman ito? Bakit palagi ako nakakaramdam ng kaba sa mga tingin niya?

"Don't mind him. He was drunk. Too much--"

"Hep! Wag ka na nga mag-english. Mauubusan na ko ng dugo, kanina pa kayo english ng english e." Naiinis kong sabi. Kasi naman, lahat sila english magsalita.

Tumawa naman si Jonas.

Nakakainis tinatawanan ako kaya hinampas ko. Lalo lang tumawa.

~

Nagulat ako pagpasok ko sa dining area, kumpleto ang Monteverde. 6am palang, akala ko late gumising ang mga mayayaman? Di ba ang iba pa nga breakfast in bed?

Lalo akong nailang dahil sa mga titig nila. Si Jonas, nakangiti ganun din naman si Donya-este-Lola Celia pati din naman sila Sir Carlito at Ma'am Isabel, di ko kayang tawagin lang siyang Isabel, pero tipid na ngiti lang samatalang si Sir Renz kagaya lang nung titig niya nung gabi at ang ina niyang di ko alam kung galit sa akin.

Tumikhim ako. "A-ah. Good morning ho. Sorry po sa istorbo, puntahan ko nalang po si Nanau Lydia." akmang aalis ako nang magsalita si Don-- Lola. Lola Celia pala.

"No hija. Seat with us, have a breakfast with us." paanyaya ni Donya Celia na mukang di kinatuwa ni Sir Renz at nang ina nito.

Nakakahiya. Umiling ako. "Hindi na po, sasabay nalang po ako kay Nanay Lydia."

Nagmamadali ako pumuntang kusina. Kulang nalang madapa ako.

"Oh Apple hija, namumutla ka. May sakit ka ba?" nag aalalang tanong sa akin ni Nanay Lydia. Mabilis ako umiling. Nakakawala ng dugo ang humarap sa Monteverde.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon