Chapter Twenty Five

2.7K 78 8
                                    

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko sa buong biyahe.

Hawak ko ang tiyan ko. It's a baby girl.

Magkakaroon ako nang baby girl. Hindi ko mapigilan isipin kung gaano siya ka-cute pag lumabas na siya. Sana makuha niya ang mata ni Renz. Itim na itim kasi ang mga mata nito. Itim din naman ang mga mata ko pero kakaiba ang intensity nang mga itim niyang mata. Deep black almond shape eyes. Pero maganda din ang mga mata ni Jonas. Ang mata ng mga Monteverde. Almond shape din ngunit kulay brown ang mga ito.

She will be beautiful.

Naramdaman ko ang paghinto nang sasakyan, hindi ko na namalayan ang paligid. Masyado mabilis para makarating kami sa bahay bakasyunan ng Monteverde. Tumingin ako sa paligid, nasa bayan padin kami. Pero nasa tapat na kami nang simbahan.

Napalingon ako sa kanya na puno nang pagtataka.

Parang nahihiya pa siyang magsalita, napakamot siya sa kanyang batok. Pareho sila Jonas pag nahihiya. I found that mannerism very cute. "Okay lang ba dumaan tayo sa simbahan saglit? I just want to thank God for this."

Ngumiti ako at mabilis ako tumango. Gusto ko din magpasalamat.

Una siyang lumabas. Inayos ko muna ang buhok ko pati ang suot kong damit. Saka ko kinalas ang seatbelt. Bubuksan ko nasa ang pinto ngunit naunahan niya ko. Mabilis pala siyang nakaikot sa pwesto ko at pinagbuksan niya na ko nang pinto.

Hala! Ang bagal ko siguro.

"Pasensya po." paghingi ko nang tawad sa kabagalan ko pero di niya ko pinansin. Inalalayan niya ko makababa sa kotse niya. Napalunok ako, wala naman siyang reaksyon pero bakit apektadong apektado ako.

Please Apple, umayos ka nga!

Nagsimula na kami maglakad papasok sa simbahan. Malaki at kilala itonghi simbahan, marami na din kinasal na mga artista dito. Yung mga gusto na tago ang wedding dahil malapit din ito sa karagatan. Yun ang kwento sa akin ni Pepito.

Binasa ko ang aking daliri nang holy water saka nag sign of the cross. Sumunod ako kung saan banda umupo si Renz, lumuhod siya at ganun din ako.

Hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaligon muna sa kanya. Nakapikit ang kanyang mata at nakapatong ang kanyang ulo sa magkasakloob niyang kamay.

Nakangiti kong ginaya siya.

Lord.

Alam ko po parang ewan na magpasalamat para sa bagay na hindi tama. Humihingi po ako nang kapatawaran sa aking pagkakamali pero naniniwala po ko ang mga bata or baby ang blessing mula sa Inyo. Lubos po akong nagpapasalamat sa Inyo. Bunga man ito nang maling paraan pero alam niyo naman pong hindi bunga ito nang masama.

Alam ko pong isang kasalanan na naman ang gagawin ko pag sinilang ang batang nasa sinapupunan ko pero alam ko pong iyon ang tama. Alam ko pong nasa mabuting kaligayan ang batang isisilang ko. Hindi ko po alam kung ginawa niyo po akong instrumento upang mabuo ang pamilya ni Renz at Isabel, maaring sa bandang huli ay magsisi ako sa mga naging desisyon ko ngayon pero sa ngayon alam ko pong ito ang tama.

Kahit mapalayo man po ako sa anak ko, mahal na mahal ko po siya. Kahit nasa sinapupunan ko palang po siya, mahal na mahal ko na po siya. Hindi ko po talaga alam ang gagawin ko pag dumating ang araw na malalayo siya sa akin.

Lord, Ikaw na po ang bahala sa akin, sa amin. Patawarin Mo po kami kung may nagawa man kaming mali.


Hindi ko namalayan na naiyak na pala ko. Pag mulat ko nang mga mata ko ay nakatitig ako sa altar nang simbahan. Pinahid ko ang mga luha ko saka napalingon sa bandang likuran. Nakatitig siya sa akin, inalalayan niya ko maka-upo mula sa pagkakaluhod.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon