Chapter Two
Apple’s POV
Para kaming tangang nagta-tug-of-war ng Tiyahin ko dito sa pintuan ng bahay namin.. er… o bahay nila ng Tito ko. Ano ba dapat? Bahay ko na din ba ito? E basta, dito ko nakatira.
“Tita naman!” tuloy parin ako sa pakikipaghilahan, naka-kapit na ako sa poste ng bahay, wag lang ako mahila ni Tita. Childish? Oo sobra!
“Ay tigilan mo ko sa kaartehan mo, Apple. Bago ako mainis sayo, kakaladkarin talaga kita” pagbabanta ni Tita. Hala! Hindi pa ba pagkaladkad ang tawag niya rito? Nakakapit lang ako sa poste ng bahay, alam ko once na mapabitaw ako rito para na kong manikang binitbit ng isang bata. Yung upside down. Ang sakit na ng kamay ko. Kainis! Bakit ba kasi napaka-amazona ng Tiyahin kong ito? Malapit na ko mapabitaw ng biglang dumating ang Tito ko. Oh My Savior!
“Tito! Pigilan niyo si Tita Matet!” mabilis kong sumbong bago pa ko makaladkad ni Tita. Mabilis naman lumapit sa amin si Tito.
“Matet, anong ginagaw mo kay Apple?” tinaggal ni Tita ang pagkakapit niya sa kamay ko. Ang sakit nun! Ang higpit ng hawak niya, baka na-dislocate na ang kamay ko.
“Hoy Bartolome! Tigil-tigilan mo ko sa pag kampi mo si pamangkin mo. Kailangan natin ng pera at itong si Apple ang sagot sa problema natin” Ayan na naman si Tita, iba na naman tawag kay Tito. And oopps, hindi ko savior si Tito. E isa yang under de saya, sabi sa inyo amazona si Tita Matet.
“Naman Matet, nagtatrabaho naman si Apple” pangangatwiran ni Tito, sunod-sunod ang pagtango ko. Hindi nga ko nakapag-college dahil walang pera sila Tito at sakitan pa ang kaisa-isang anak nilang si Maya kaya para makatulong, nag-trabaho na din ako. Pinasok ako ni Tito sa isang bar bilang waitress. Hindi pokpok ah! Kaya dun ako pinasok ni Tito kasi kilala niya may-ari. Safe ako dun.
“Hindi sapat ang kinikita ni Apple, kailangan na din ma-operahan ni Maya, Berting. Pag napili ito ng Monteverde, tiba-tiba tayo” Ang Monteverde ang pinakamayaman sa aming lugar. Dun nagtatrabaho ang Tiyahin ko bilang katulong at Tiyuhin ko bilang drayber pero madalas wala ang Monteverde roon dahil sa Manila nagtitigil ang mga ito. Hindi ko na rin nakilala ang mga ito dahil simula ng dumating ako sa poder ng aking Tiyuhin, tatlong taon nang nakalipas, hindi na madalas mag-punta ang mga Monteverde sa mansion nila.
“Eh Tita naman… kung gusto mo maghahanap na lang ulit ako ng isa pang trabaho, wag lang ganung klaseng trabaho” pag mamakaawa ko
“Oh Matet, maghahanap naman pala ng isa pang trabaho itong si Apple e. Wag mo nang pilitin si Apple” pag-segunda ni Tito sa sinabi ko. Kahit may pagka-wicked ang Tiyahin ko, pasalamat ako at may mabait akong Tiyuhin na tumutulong sa akin kahit under de saya siya ni Tita Matet
“Ay ewan ko sa inyong mag-tiyuhin, nagtulungan na naman kayo. Makonsensya kayo pag may nangyaring masama sa anak ko” naiinis na sabi ni Tita saka kami nilayasan. Katulong si Tita ng mga Monteverde, ilan ba katulong sa kanila? Hmmm…
Mabilis naman akong nakonsensya. Napamahal na kasi sa akin ang pinsan kong si Maya. Wala akong kapatid kaya si Maya ang tinuturing kong younger sister. Bata pa lamang si Maya may problema na sa puso. Kaya ngayong tumatanda mas lumalala kaya kailangan nang maoperahan ni Maya. Kaso wala ngang pera ang Tito ko. Kung si Tita ay katulong ng Monteverde ang Tito ko naman ay drayber nila pero dahil madalas wala ang Monteverde, nag trabaho sa construction ang Tito ko. Hindi sila makaalis sa Monteverde kasi malaki ang utang na loob nila sa mga Monteverde. Sila ang nagpahiram ng pera nung bata pa lang si Maya. Eh bakit kaya hindi na lang ulit sila mangheram? Ay naku Apple! Sympre, nakakahiya na ulit mangutang. Tss.