Chapter Thirty Two

2.6K 85 8
                                    


Simula nun wala naging palya ang pagdalaw niya dito sa Batangas tuwing weekend. Wala din palya ang pagpapadala niya ng mga bulaklak. Oo, maniwala kayo sa hindi araw-araw may nagdadala ng mga bulaklak dito kahit wala siya. Hindi lang basta mga bulaklak kundi sandamakmak na bulaklak.

"May bulaklak ka na naman hija?" tanong sa akin ni Nanay Lydia pagtapos ko tanggapin ang bulaklak. Kulay puti naman ngayon ang mga rosas, pa iba-iba ang mga pinapadala niyang bulaklak. Rosas, tulips, carnation at kung anu-ano pang hindi ko na kilalang bulaklak.

Aminin ko, kinikilig ako. May kakaibang init na humahaplos sa puso ko tuwing nakakatanggap ako nang mga bulaklak. Talagang pinatunayan niya na kaya sinabi na bibigyan ako ng bulaklak. Hindi lang madami, madaming madami. Minsan nga iniisip ko pwede na ko magtayo ng flower shop dito. Galing pa nga sa bayan ang nagdadala ng bulaklak dito.

Alam ko puno na ng pagtataka si Nanay Lydia dahil sa araw-araw na pagpapadala nito ng bulaklak, hindi din naman ako pwede magsinungaling sa kanya kung saan galing ang mga ito at higit pa sa lahat, pag nandito siya ay siya mismo nagbibgay sa akin ng mga ito at tatanungin niya pa ko kung nagustuhan ko ito at yung mga nakaraang pinadala nito.

"Naglilihi ka padin ba? Pinaglilihian mo mga bulaklak?" puno nang kuryosidad na tanong niya.

Tumawa lang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. "Nanay talaga." tas pabiro kong hinampas sa kanya ang bulaklak.

"Pero maganda hija. O siya, ayusin mo na iyan doon. Lanta na ang mga bulaklak sa library." Simula nang magpadala siya nang sandamakmak na bulaklak araw-araw e inaayos namin ito ni Nanay sa iba't ibang silid ng bahay. Baka kasi pag nilagay lang namin sa salas lahat ay mag mukang flower shop na ang bahay.

Tumango ako. "Opo Nay." at sinunod ito, pumunta ako sa library. Andun na ang mga lantang carnation, napakaganda nito nung dumating naglalaro sa pink, red at white ang kulay nang mga bulaklak.

Nakangiti ako habang inaayos ang mga bulaklak.

"Pinaglilihian ko nga siguro ang mga bulaklak, panigurado kasing ganda at kasing kulay ng mga bulaklak ang baby ko." naka ngiting bulong ko sa sarili.

"Malamang, dahil kasing ganda din ng mga bulaklak ang kanyang mommy." napalingon ako sa tinig na iyon. Nagulat ako sa pagdating niya. Matagal din siyang hindi napunta dito e.

"Jonas!" masaya kong bati at lumapit sa kanya, niyakap naman niya ko. Ganun naman siya palagi sa akin pero sabay kurot nang maalala ang kanyang sinabi. "Mommy ka jan!"

Tumawa naman ito. "O sige, Mama nalang." sabi pa niya

Nalungkot naman ako. Kahit ano pa itawag sa akin, ina, inay o nanay, ayus lang sa akin kaso alam ko namang di mangyayari iyon e.

Napahawak ako sa tiyan ko. Pero yung nangyayari sa amin ni Renz? Ano ba iyon?

Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang muka ko para makaharap siya. "Don't be sad. Magiging sad din si baby" kita ko din ang simpatya sa mga muka niya.

Pilit akong ngumiti dahil ayoko makatanggap nang awa. Kinurot ko nalang siya sa kanyang tagiliran.

"Hindi ko alam nagbubusiness ka pala ng floweshop" pag iiba nito nang usapan. Natawa naman ako, malamang napansin nito ang dami ng bulaklak na nakapaligid sa loob ng bahay. "Kanino galing to?"

"Kay Renz" walang sa isip kong nasabi.

Kunot noo siyang napaharap sa akin. Tila puno nang pagtataka at pagtatanong ang kanyang mga mata.

"K-kasi sabi ni D-doc Jenna, dahil daw babae ang baby. Maganda daw kung may bulaklak sa paligid." mabilis kong dahilan. Sana tanggapin. "Eh matatagalan kung matatanim pa kami ni Nanay, kaya eto..." Sige, galingan mo magdahilan.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon