"Renz?" Gulat kong ani. Halos mabitawan ko na ng ung container na hawak ko.
"Renz huh?" Ulit niya habang naka-ngisi.
Mabilis na namula ang mukha.
Tanga, Apple! Anong Renz ka dyan!
Napalunok ako saka muling magsalita.
"S-Sir Renz." Muli siyang ngumisi.
Yumuko ako at pinaglaruan ang container na hawak ko.
"Pa-pasensya na sir. Akala ko kung sino e."
"And what are you looking for this time?" Napaangat ako ng tingin dahil hindi ko mabahid sa kanyang boses ang inis. Bagkus ito ay malumanay at parang nag-aalala.
Nakatingin siya sa hawak kong lalagyan. "Chocolate?"
"Milo po." Sagot ko naman
Tumaas ang isa niyang kilay.
Pinaglaruan niya ang kanyang ibabang labi. Mapula ito.
Muli akong napalunok.
Anu-ano ba pinagiisip mo Apple!!
"Milo huh?" Bakit parang kakaiba ung salitang milo nung siya nagsabi. "Ano ipapainom mo ba uli sakin yan?"
Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi at naalala ang gatas.
Umiling ako. "Masarap po siya sa Apple." Ani ko.
"Sayo?" Ngumisi siya. "Does it taste good on you?"
Hindi ko siya gets.
"Naubos ko na po kasi ung tsokolate na binigay ni Ms. Isabel, tinutumaw ko po kasi un tas isasawsaw ko dun ung apple." Paliwanag ko.
Bakit ba ko nagpapaliwanag?
Nailang ako ng tignan niya ko mula ulo hanggang paa.
"Damn. Chocolate on you." Bulong niya pero dahil sa nakakabinging katahimikan, rinig na rinig ko iyon.
Nanlaki ang mata ko at di ko alam kung masyado lang marumi ang isip ko at iba ang dating sa akin ng sinabi niya.
"P-po?" Di ako halos makasalita.
"Nevermind." Pumikit siya ng mariin at sa muli niyang pagdilat ay bumalik na naman ang emosyon na madalas niya ipakita sakin.
"We don't have apples anymore. I already ate it, a while ago." Muli siyang pumikit at lumunok. "I'll just buy you tomorrow. You go ahead and sleep."
Lumapit siya sa akin, hindi ko alam kung aatras ba ako o hindi dahil masyado akong tulala sa mga mata niyang nakatitig sa akin.
Naramdaman ko ang haplos niya sa aking tiyan. Napalunok ako. Iba ang init na nararamdaman ko sa aking tiyan.
Hinahaplos-haplos niya ang tiyan ko habang nagiiba ang anyo ng kanyang mata.
Nagsusumamo ito.
"Please, take care of our baby"
Wala akong naintindihan.
Our baby?
~
Tulala ako sa kisame. Hindi ko alam kung babangon na ba ko.
Hawak ko ang tiyan ko habang paulir-ulit bumabalik sa isip ko ang mga salitang sinabi niya.
"O-ur baby" mahina kong usal
"Baby na--min"
Nakaramdam ako ng kirot sa tiyan.
"Aww. Baby naman, gutom ka na ba?" pagkausap ko sa umbok ng tiyan ko
Tumingin ako sa orasan sa aking tabi. Malapit na pala mag alas otso kaya siguro nagugutom na ko.
Dahan-dahan akong tumayo.
Siguro naman wala na siya, baka bumalik na un sa Maynila.
Ehhh bakit ka nalulungkot dyan?
Ewan sayo, Apple. Umayos ka dyan.
Huminga muna ko ng malalim bago lumabas mg kwarto.
Tahimik. Hmmm.
Nang makababa ako ay nakita si Nay Lydia na nagwawalis sa malaking salas ng bahay.
"Nay" tawag ko.
Lumingon siya sa akin ng nakangiti.
"Hija, gising kana pala. Mag umagahan kana dun. May hinanda na kong tocino at suka doon."
Napangiti ako. Alam talaga ni Nay Lydia ang gusto ko.
Tumango ako. "Salamat Nay"
Masaya akong pumunta sa kusina ngunit napatigil ako ng may nakita akong nakaupo sa centro ng kanang parte ng kainan.
"You're finally awake. Let's eat." Kinuha niya ang kanyang kutsara't tinidor at nagsalin ng kanin sa kanyang plato.
Hinintay niya ko?
Ambisyosa. Kakagising lang din niya.
"Hey, Apple"
I blink my eyes. Tinawag niya ko sa pangalan ko.
Napalunok ako. Kanina pa pala ko tulala.
Tinignan niya ang bakanteng upuan sa kaliwang bahagi niya.
Dahan-dahan akong lumapit saka umupo.
Pagka-upo ko, napansin ko na hindi lang tocino ang nakahain. Pati mga mansanas.
Nakapagdala na pala si Pepito, ang aga niya pumunta sa bayan. Ayaw na kasi ako payagan ni Nay Lydia mamalengke kaya madalas nagpapabili nalang kami kay Pepito dahil madalas naman siya bayan.
"Oh yes, I already bought your some apples." napatingin ako sa kanya.
Siya bumili nito? Baka nagkamali langa ko ng dinig.
"Ah aga nga po nag-dala ni Pepito ng mga mansanas." tinignan niya ko, seryoso ang kanyang muka.
"Don't you hear me, I said I bought it." parang pinagdiinan pa niya ung salitang "I"
Nanahimik nalang ako. "I also buy you tocino, dried fish, milo, milk and bagoong. Nay Lydia told me you like to eat smelly foods."
Hala. Sinabi ni Nay Lydia yun? Nakakahiya naman.
"I also bought you vitamins, you need those. I already asked Jenna about it--- why you're not talking?" tanong niya.
Paano ba ko magsasalita e sunod-sunod siya nagsasalita, tapos nag eenglish pa siya at higit sa lahat...
"Are you scared of me?"
Yes.
Ngumisi siya. "Oh yes, you are scared of me."
Note: Hi guys!!! Everytime na nagoopen ako ng wifi, kayo ang notification ko. Sorry, wala talaga sa utak ko ung story. I tried today and I hope you like it. And thank you bigtime at nagustuhan niyo 'tong weird kong story. May ending na ko guys, sorry wala akong climax. Lol. Yun siguro ang problema ko. Pero thank you sa mga walang sawang nagcocomment, I will try to update again. Hindi ako magbibigay ng date, baka hindi na naman matuloy. I'm into fantasy right now and young love, kaya wala dito yung utak ko. HAHAHAHAHA charot! Bye guuuuys! :) Have a Blessed Day!