Ah Eh...SPG?? Lol.
----
Plano ko nang di lumabas ng kwarto, hindi na ko nagbreakfast kasi mga 10 na din ako nagising. Nakakahiya kay Nay Lydia, di ako nakakatulong sa bahay. Tapos di pa ko makalabas ng kwarto dahil nahihiya ako, hindi na nga ko nakapag-sorry kay Sir Renz nilayasan ko pa kagabi. Hayy
Leste kasi yunga nararamdaman ko. May kakaiba!
Akala ko doon na ko sa kwarto buong araw kaya lang alas-dose ay biglang kumatok si Nay Lydia, magpapanggap sana akong tulog kaya lang di ko pala na-lock ang pinto sumilip si Nay Lydia at nakita niya kong nakaupo sa kama. Katapat ko yung laptop ni Jonas at di ko alam ang gagawin ko. Nahihiya na kasi ako buksan. Di ko ba alam, pwede ko naming iwasan yung folder na may kakaibang videos.
Ngumiti ako kay Nay Lydia nang magkasalubong ang mga mata namin.
"Akala ko ay tulog ka parin, hindi kana nakapag agahan. Halika na at inaantay kana ni Sir Renz sa hapag." para naman akong nanigas. Inaantay niya ko?
Naalala ko kagabi ay nagalit pa siya sa akin, bakit inaantay pa niya ko? Bakit gusto niya kong kasabay, baka magalit lamang siya uli?
Tumango lang ako kay Nay Lydia, hindi parin talaga ko makakaiwas.
At bakit ko nga ba siya dapat iwasan? Nakakainis naman e! Napakamot ako sa ulo ko, paano ko magagawa trabaho ko kung bawat tingin ko sa kanya lalo na sa mata niya ay matatakot ako? Ugh!
Tumayo na ko. Mamaya ko na pagiisipan lahat ng problema ko, sumasabay pa 'tong laptop ni Jonas. Basta ko nalang kasi pinatay at sinarado kagabi, masyado kasi akong nagulat. Baka nasira ko. Pero parang kailangan ko yun, wala akong alam sa ganung bagay tapos ganun ung trabaho ko.
Ugh! Feeling ko namumula ko sa kahihiyan, papanuorin ko yun tapos ganun trabaho ko? Parang hindi tama pero yun ang totoo!
Kaasar!
Nagtatalon-talon ako sa harap ng kama para mawala ang maduduming iniisip ko. Sabi naman ni Jonas wag kong pilitin dahil dadating din doon. Ano yun?
Dahan-dahab akong lumabas ng kwarto at dahan-dahan ako bumababa. Ano pa ba pinagdadahan-dahan ko, e magkikita naman talaga kami sa dining area?
Sumilip muna ko sa dining area, andun na siya habang inaayos ni Nay Lydia ang pagkain. Huminga muna ko ng malalim.
Ano ba problema ko? Wala naman nangyari kagabi. Utak ko lang may problema.
Nakita ko si Nay Lydia, sumenyas siyang pumasok na ko. Napansin ata ni Sir Renz kaya lumingon siya sa akin. Seryoso na naman ako muka niya.
Napalunok ako.
Dahan-dahan akong pumasok. "Magandang uma--este ta-tanghali po pala, Sir Renz."
Umirap siya akin. Siya lang ata umiirap pero gwapo padin at di mukang bakla. "I thought you don't have plans to wake up. What time did you sleep?" tinignan niya ko.
Nakatayo lang ako malapit sa kanya. Napatanga ko. Ininsulto ba ko o nagaalala siya?
"Why you're not sitting yet?" Kasi nakakahiya? Pinandilatan ako ni Nay Lydia kaya mabilis akong umupo sa kaliwa niya. Baka kasi magalit na naman siya.
"Nay, di ka sasabay samin?" bulong ko kay Nay Lydia pero umiling lang siya. Ngumuso ako, ganun ba talaga mayayaman kahit mag-isa ka lang di ka mag-aaya ng kasama pero di naman siya mag-isa kasi andito ko.
Nakakahiya nga kasi, hindi naman ako bisita dito pero kasabay ko kumain ang amo.
Tahimik lang kami sa hapag. Tuwing kakain lang ata kami nagkikita ni Sir Renz at di pa kamo maguusap kung di siya magagalit.