Chapter Forty Four

2.6K 100 34
                                    


ISABEL MONTEVERDE

Hindi padin ako mapakali dahil kay Monica. Feeling ko Monica clouding my head porket di maligaya ang lovelife niya pero the heck! That's too much thinking for a friend.

I even asked Renz about the condo incident.

"Babe?" I called him nang matapos siya magshower at umupo na sa kama katabi ko. Hawak pa niya ang kanyang laptop tila may tinatapos pa.

"Hmmm?" he said, all attention on his laptop.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang tanong ko para hindi naman magmukang pinagdududahan ko siya. I'm over this. Nung college kami halos lahat ng madikit na babae sa kanya ay pinagseselosan ko pero I get over it lalo na nung napatunayan niyang sakin lang siya.

Pero bakit eto na naman ako, pinagdududahan ko na naman siya.

"Kanina, I dropped Monica in her condo and I saw you.... dun sa dati nating condo" I looked at him, I wanted to see what will be his reaction pero wala naman nagbago sa reaction nang muka niya nakatutok lang siya sa laptop niya na tila seryoso.

"Ah! May mga naiwan akong files dun na kinailangan ko ngayon, kaya kinuha ko" simpleng sagot niya at ang buong atensyon ay nandun padin sa laptop.

Nahihiyang nilubog ko ang sarili ko sa kama. Muka naman kasing mali ang pagdududa ko.

Pero hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon hindi padin ako mapakali puno padin nang pagdududa ang isip ko.

Huminga ako nang malalim.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko sa sofa at nagdesisyon lumabas, pupunta ako sa boutique shop at kakausapin ko muli si Monica.

"Mandy, punta lang muna ko sa boutique. Bantayan mo si Belle." Paalala ako sa tagapagalaga ni Ysabelle.

"Opo mam" nilapatin ko si Belle na nilalaro ang kanyang mga paa. Ang cute niya talaga.

I lightly brushed her cheek. "Alis muna si Mommy, pakabait ka ha." then I kissed her forehead. Hagikhik lang ang naging tugon niya na nakapag pangiti sa akin.

"Ano ang masamang hangin ang nagdala sayo dito, Isabel?" salubong na tanong sa akin ni Monica nang pumasok ako sa aming opisina.

Nagpakawala lang ako nang isang malalim na hininga pero parang alam na niya agad kung ano ang dahilan nang pagpunta ko at ung ano ang problema ko.

"Asawa mo na naman." Umiiling itong tumayo saka lumapit sa aking inuupuan at sumandal sa lamesang nasa harapan ko.

"I thought you trust your husband, huh?" Nakataas ang kilay nito at naka cross ang braso sa ilalim ng dibdib. Kontrabida talaga ang datingan nito.

"I do. Of course, I do. P-pero di ko mapigilan magduda." frustrated kong sagot.

Monica smirked. "Ano sabi nang matatanda?"

"Trust your instinct." sabay pa kami

Days passed naglalaro padin sa isip ko ang pagdududa sa aking asawa, andito kami ngayon sa mansyon nila Lolo at Lola Celia dahil miss na daw nang mga ito ang kanyang apo sa tuhod. Wala ngayon si Renz, nasa Cebu ito para sa isang business deal.

Tuwang tuwa na nilalaro nang mga nakakatanda si Belle, iba talaga pag unang apo. Spoiled na spoiled ito. Mukang nakatulong din ang apo kay Lolo Carlo para bumuti ang kalusugan nito.

"Isabel?" Renz mother called me kaya mabilis ako sumunod sa kanya papunta sa sala.

"Yes mommy?" May inabot siya sa akin na isang white envelope.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon