Chapter Twenty One

3.8K 111 15
                                    


"Magandang umaga Nay Lydia" masayang bati ko ng makita ko si Nanay Lydia na nagwawalis sa labas ng bahay.

Ngumiti siya sa akin. "Maganda ata ang gising mo hija ah." Lalong lumawak ang ngiti ko.

Iba talaga ko pakiramdam ko ngayon. Pag gising ko palang magaan na pakiramdam ko. Hinawakan ko ang aking tiyan, mukang maayos din ang gising ni baby.

"Maglalakad muna ako Nay." ani ko. Tumango siya.

"Tama yan hija. Makakabuti yan sa inyo."

Masaya akong naglalakad sa dalampasigan habang tinatanaw ang kabuuan ng dagat. Hindi nga tanaw ang kabilang dagat mula sa kinatatayuan ko.

Napakalawak ng lugar ngunit malalayo ang mga bahay. Malawak siguro ang lupa ng mga Monteverde dito. Yung sumunod na bahay dito ay kela Pepito, na medyo malayo. Napapaligiran din kasi ng mga puno ng mangga ang bahay ng mga Monteverde.

Natutuwa nga ako at minsan may nakikita akong mga batang nagtatakbuhan sa tabing dagat. Sabi ni Pepito, wala na daw ang mga bata dahil magpapasukan na. Ang mga bahay daw kasi rito ay panay bahay bakasyunan. Yung bahay nga raw na tinitirhan nila Pepito ay pinagkatiwala lang sa kanila. Nasa Maynila daw talaga ang may-ari.

Parang bahay ng mga Monteverde, si Nay Lydia lang ang naiiwan. Kaya siguro kinuha ito ng mga Monteverde dahil napakatahimik ng lugar at tunay ngang maganda. Hindi man ganun kaputi ang mga buhangin ngunit ito ay pino saka malinaw ang dagat. Ginagawa rin daw paumpahan ng mga may-ari ang bahay nila para sa gustong magbakasyon.

Mula sa malalim na pag mumuni-muni, nagulat ako sa boses na bumati sa akin ngunit di na ko nagtataka kung sino ito.

"Good morning"

Hindi ko mapigilan mapangiti.

"Maganda umaga po." bati ko at pinipilit hindi ngumiti.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" iba talaga ang dating sa akin pag nag sasalita siya ng english siya pero nagwala ata ang puso ko ng marinig siya magsalita ng tagalog. Napakalumanay.

"Maayos naman po. Magaan nga po ung pakiramdam ko ngayon kumpara nung mga nakaraang araw." nahihiyang sagot ko.

Ngumiti siya sa akin. "Good. And it's good that you're finally talking with me."

Natunaw ata ang puso ko sa pag ngiti niya. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Pero kaysa mainis ako sa sarili ko lalo pa ko napangiti. "Eh lagi po kasi kayong nag eenglish. Nahihirapan ako makipag usap sa inyo."

Tumawa ito. Hindi lang mga labi niya ang masaya, pati ang mga mata niya naka ngiti din habang natawa.

"Pinagtatawanan niyo naman po ako e." medyo naiinis kong sabi kahit tuwang tuwa ako sa kanya mga tawa.

"What? I'm not but I promise to lessen my english" sumimangot ako.

"English yun e!" angil ko

Tumawa ulit ito saka tinaas ang dalawang kamay. "Ang cute mo."

Ramdam ko ang pamumula ng muka ko pero hindi ko ito pinansin lalo ko lang sinimangot ang muka ko.

Lalo lang di siya tumawa kaya hindi ko na lamang siya pinansin.

"Biro lang Apple." napatigil ako sa pag tawag niya sa pangalan ko. Lumingon ako sa kanya, nakatingin din siya sa akin at unti-unting maglaho ang kanya mga tawa.

Napatingin ako sa kanyang mata, siya lang talaga may ibang mata sa kanilang lahat. Di niya namana ang mata ng mga Monteverde ngunit nakuha niya ang brown na mata ng kanyang ina.

Naramdaman ko ang marahang pag dampi ng kanya kamay sa aking pisngi at nararamdamam ko ang unti-unting pagpikit ng aking mga mata ng marinig ko ang tinig ni Nay Lydia.

"Kanina ko pa kayong hinahanap, tara na't mag agahan baka abutan ka pa ng trapiko papuntang Maynila Renz."

Mabilis akong lumayo saka tumingin kay Nay Lydia. "Tara na." naglakad ito pabalak sa bahay. Nakayuko akong sumunod ng di lumilingon pa kanya.

Naramdaman ko nalang ang kanyang pag sunod pagtapos magpakawala ng buntong hininga.

~

Pagtapos ng aming agahan umalis na din siya, kailangan na daw niyang bumalik ng Maynila. Ngunit ang iniwan niyang sal,ita ay tumatak hindi lang sa aking isip pati narin sa aking puso.

"Babalik ako."



"Tulala ka." puna sakin ni Pepito

Iniling ko ang aking ulo. "May naalala lang ako."

"Ano naman yun?" tanong nito.

Binato ko siya ng tinapay na aming kinakain. "Wag kana ngang matanong." pabiro kong sabi

"Siya nga pala Apple, parang ang tagal ko ng di nakikita ang ama ng iyong magiging anak ah. Di kana dinadalaw?"

Natahimik ako. Ngunit binato ko muli si Pepito. "Busy lang sa trabaho iyon."

Ngayon ay si Renz na talaga ang iniisip niyang asawa ko. Hindi ko alam bakit di ko magawang itama siya katulad ng pagtatama ko ng akala niya si Jonas ang ama ng dinadala ko.

Isang buwan nang makalipas ng huli niya kong dinalaw. Masyado ata akong umasa sa mga salitang binitawan niya.

"Naku baka may babae na yun."

Muli ko siyang binato ng tinapay. May asawa nga yun e.

"Oy nag aaksaya ka ng pagkain ah" ani nito. Ngunit binato din ako nito bilang pag ganti.

Sabay kaming nagtawanan.

"Ay naku mga bata kayo. Nag aaksaya kayo ng pagkain." rinig naming sermon ni Nay Lydia, naka tamabay kami sa harapan ng bahay ayaw na din kasi ni Nay Lydia na lumalayo ako at baka mapano daw ako. Lumalaki na din kasi ang tiyan ko. Tuwing gabi nga nararamdaman ko ang pag galaw niya.

Tinuloy namin ang kulitan at muling nagtawanan. Umiling lamang si Nay Lydia.

Habang kami ay nagtatawanan ni Pepito nakarinig kami ng paparating na sasakyan. Tanaw mula sa malayo ang magarang sasakyang papalapit sa bahay.

"Aba mukang andito na siya Apple."

Hindi ako nagsalita. Ngunit ramdam ng puso ko ang pananabik na muli siyang makita. Tinupad niya ang kanyang mga sinabi. Bumalik siya.

Umaapaw ang puso ko sa tuwa lalo ng huminto ang sasakyan sa harapan ng bahay. Kasabay ng paghinto ng sasakyan at paghinto ata ng aking hininga.

Kinakabahan ako. Ano ba dapat ang maging reaksyon ko?

Gusto ko siyang salubungin ng yakap! Ay ano ba iniisp mo Apple.

Ang ngiti sa aking muka ay unti unting naglaho ng lumabas siya mula sa magarang sasakyan.

"Bokya." Mahinang bulong ni Pepito sa akin. Gusto ko tuloy uli siya batuhin o pukpokin.

Binalot ng pagkadismaya ang puso ko. Masyado ata akong umaasa. Bakit sino ba ko?

Pinilit kong ngumiti at gumanti sa pagbati niya.

"Hi Jonas."




Note: Hi!! Gusto ko magpasalamat sa patuloy parin na nagbabasa nito at nag aabang ng update ko. Hayy~ After almost a year ata nakapag-update na din ako. *pats myself on the back* lol

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon