Chapter Thirty Five

2.4K 86 8
                                    


Dalawang buwan nalang at manganganak na ko.

Nagpapahangin ako ngayon sa veranda habang nakatanaw sa labas.

"Excited ka na din ba?" nakangiti kong tanong sa umbok nang aking tiyan habang hinahaplos ito. Bahagya itong gumalaw kaya natawa ako.

Excited nga.

Ngayon ang araw nang pagbisita niya sa akin, kaya inaantay ko siya dito sa labas. Nung mga nagdaang araw ay wala itong palya sa pagbisita sa akin kaya nagdesisyon akong antayin siya dito sa veranda.

Ilang minuto ang lumipas nang makita ko ang pamilyar na sasakyan kaya napangiti ako. Hindi niya talaga ako binigo. Andito na uli siya.

Paghinto palang ay mabilis akong bumaba para salubungin siya.

Halos patakbo akong naglalakad hanggang makalapit sa kanya. Mabilis niyang hinawakan ang mga bewang ko nang makalapit ako sa kanya.

"Wag ka tumakbo. You should be more careful." pagsaway nito sa akin pero hindi ko pinsansin.

Matamis ko siyang nginitian at di ko na napigilan na yakapin siya.

"I miss you." tumawa ito at niyakap din ako pabalik nang mas mahigit.

"I miss you too, love." saka ako ginawaran nang halik sa aking noo saka bumaba para gawaran din ng halik ang umbok nang aking tyan.


"Ako ang nagluto niyan." pagyayabang ko nang hainan ko siya nang paborito niyang ulam.

"Talaga ba?" manghang tanong nito. Tumango ako.

Matagal ko din pinag-aralan ang pagluluto nito hanggang makuha ko ang tamang timpla, na ayon kay Nanay ay gustong gusto nito.

"Aba, matikman nga nang mahatulan" kumuha ito nang kutsara saka tinikman ang luto ko.

Puno nang kaba ang dibdib ko, alam ko naman na nakuha ko ang lasa ayon sa turo ni Nanay lalo na sabi ni Nanay na parang mas masarap pa nga ang luto ko pero di ko mapigilan kabahan ngayon lalo na hahatulan ni Renz ito.

Baka hindi ito masarapan.

Ngunguya nguya pa ito na parang nilalasahang mabuti ang pagkain.

Bumibilis ang tibok nang puso ko sa kaba.

Lumingon siya sa akin na nakakunot ang noo. Laglag ang balikat kong binaba ang mangkok nang ulam.

Hindi ito nasarapan.

"Wow grabe! Ang sarap!" kunot noo akong napalingon sa kanya. Binibiro ba ako nito?

"Di ko inaasahan na makukuha mo ang luto ni Nanay Lydia, at mas higit pa." Kinuha nito ang mangkok na naglalaman nung puchero saka kumuha nang kanin.

Mabilis ang naging pagsubo nito sa pagkain.

"Totoo ba?" Alanganin ko pading tanong. Baka kasi niloloko lang niya ako at ayaw niyang madisapppoint ako, lalo na makakasama sa baby.

"Oo naman!" nag thumbs up pa ito. Napanatag na ang loob ko nang makita kong sunod-sunod pa ang pagkain niya at habos maubos na niya ang laman nang mangkok.

Natawa nalanga ko para kasi itong bata kung kumain.

Busy kami nagkukwentuhan habang nagsasalong kumakain nang magulat ako sa taong dumating.

"Mansanas?" napalingon ako sa hamba nang pintuan. Napalingon ito sa lalaking nakaupo sa kabisera. "Renz?" gulat na tanong nito. "What are you doing here?"

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon