Naramdaman ko ang bigat ng aking mga mata nang unti-unti kong itong minulat. Napangiwi ako nang tumama ang sikat ng araw sa akin. Bigla naman ako napabalikwas sa pagbangon.
Mataas na ang sikat ng araw, tumatama na ito sa akin ibig sabihin ay anong oras na. Kinukusot ko pa ang aking mga mata nang bumangon ako sa kama at tinungo ang crib.
Nagulat ako nang wala itong laman, madalas ako magising muli sa umaga sa iyak nito kaya laking gulat ko na wala ito sa crib. Nakaramdam naman ako ng takot, ilang araw palang. Ilalayo na ba nila sa akin ang bata.
Hindi ko na naisip na tignan pa ang sarili ko sa salamin at dali-dali akong lumabas ng kwarto pababa sa magarbong hagdan ng mansyon. Walang tao sa sala tatawagin ko na sana ang kasambahay na naglilinis ngunit nakarinig ako ng iyak mula sa hardin kaya mabilis ko itong tinungo.
Nakita ko madaming tao dun at tila may pinagkakaguluhan. Hawak ni Isabel ang bata at pinapalibutan sila ng mga ito. Mukang pinapaarawan ito kanina at nilalaro pero nagsimula na ito magiiyak.
"Baka nagugutom na ang apo ko." pagiimporma ni Lola Celia
Sumangayon naman ni Tita Alea.
"I'll check if Apple--" hindi na natuloy ni Renz ang sasabihin nang matanaw niya akong papalapit sa kanila. Nagmamadali akong makalapit dahil lumalakas na ang pag-iyak nito.
Nilapitan ko agad si Ysabelle at binalewala ang tingin nila. Mabilis ko itong kinuha kay Isabel. "Amin na." Binigay naman nito sa akin ang baby.
Bahagya ko silang tinalikuran para mabreastfeed si Ysabelle saka tumigil ito sa pag-iyak.
"Thanks God you're already awake, hija."
Yumuko ako. "Pasensya po kung late na ako nagising."
"No, it's ok. You're awake all night. Kaya hindi na kita nagising at kinuha ko na si Ysabelle." paliwanag ni Renz. Tumango lang ako, may karapatan din naman siya bata. Tsaka wala naman talaga kong problema dun. Nahiya lang ako at late na ako nagising.
"Kumain ka na ba, hija?" tanong sa akin ni Tita Alea
Umiling ako. "Kakain nalang po ako pagtapos ko mapa-dede si Ysabelle." sagot ko. Mabait silang lahat, hindi lang ang baby ang iniitindi nila. Pati ako ay alaga nila.
Napalingon ako kay Renz na nakamasid lang sa akin.
Masakit na isipin na isang kataksilan ang isusukli ko sa kabutihan nila.
I feel so guilty pero hindi ko naman kaya pigilan ang sarili ko. Hindi ko kaya pigilan ang nararamdaman ko. Wala naman sigurong tao na gusto mapunta sa sitwasyon ko. Minsan may mga dadamdamin lang tayong di natin basta-basta mapigilan. Nagiging mapusok.
Malungkot kong binagsak ang mga kubyertos pagtapos ko mag-agahan, naiwan muli si Ysabelle sa mga ito. Halatang mahal na mahal ng mga ito ang bata. Salitan ang pag-aalaga ni Lola Celia at Tita Alea dito. Pati si Isabel ay tinuturuan nila ng tamang pag-aalaga.
"Do you have a problem , hija?" nagulat ako sa nagsalita kaya mabilis ako napailing.
"Wala po." maagap kong sagot
Marahang hinaplos nito ang buhok ko. "You should eat more, hija. Ang payat mo para sa babaeng nanganak." ani nito pagtapos maobserbahan ang pagkain sa hapag. Unti lang kasi ang nabawas mula sa hinahain ng kasambahay.
Napanguso ako at napatingin sa katawan ko. Narinig ko ang pagtawa ni Tita Alea, hindi ko akalain na pati pagtawa niya ay nakapa-elegante. Nakakainggit.