Isabel’s POV
“Babe?” Nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Renz mula sa likuran ko. Ilang oras na ba ko nakatunganga at hindi ko napansin ang pag-tawag sa akin ng aking asawa.
Bumungad sa akin ang nakangiting muka ng aking asawa kaya binigyan ko siya ng isang pilit na ngiti. Mabilis niya kong hinalikan sa pisngi saka tinabihan sa kama. “Kamusta ang check-up mo kay Jenna?” Bigla akong nalungkot.
Jenna is my ob/gyn doctor and also his friend.
“Hey, what’s up with your face?” masuyong sabi nito habang hinahaplos ang pisngi ko, hindi ko tuloy napigilan mapaluha. His sweet gestures make me cry more. “Hey ano bang nangyari?” niyakap na niya ko, kaya sumiksik ako lalo sa kanyang dibdib.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanya ito, matatanggap kaya niya ko kahit may kulang sa akin? Anong mangyayari sa amin?
“Tell me” mahinang bulong niya saking tenga, alam ko nag-aalala na rin siya sa inaarte ko.
“Babe… I can’t…ba-bare a child” halos hirap na hirap akong sabihin sa kanya yun, naramdaman ko na lang lumuwag yung pagkakayakap niya sa akin kaya lalo akong napa-iyak.
“Wh-aat? Wa…it!” napakamot siya sa kanyang ulo “Anong ibig mong sabihin?” Hindi ko napagilin yung emosyon ko nung nakita ko yung itsura niya. Parang hindi siya makapaniwala, parang gusto niyang sabihin nagloloko lang ako. Na ginu-good time ko lang siya. Pero sana nga ganoon na lang para hindi ako nasasaktan ng ganito.
“Baog ako, Renz! Baog! Hindi ako pwede manganak!” Akala ko nung sinabi ni Doc Jenna na hindi na ko magkaka-anak, namanhid na ko pero mas masakit nung nang galing mismo sa bibig ko ang mga salitang yun. Ang sakit saklt!
“Baka nagloloko lang si Jenna o kaya nagka-mali siya… Jesus!” It hurt me so much to see him act like this, he looks helpless. No, we look so helpless. Wala akong nasabi, umiyak lang ako ng umiyak. Eto kasi yung pangarap naming dalawa, bumuo ng isang masayang pamilya. Pero mukang hindi mangyayari yun.
Hindi ko na alam kung gaano ako katagal umiyak ng umiyak, naramdaman ko na lang niyakap niya ulit ako saka hinagod ang likod ko. “Shhhh… tahan na babe. We will be fine. Everything will be fine” Kahit papano nabawasan yung sakit dahil naramdaman kong andyan siya sa tabi ko.
Pero hanggang kalian?
Renz’s POV
“You’re kidding?” gulat na tanong sa akin ni Jo, pinsan ko, pero dahil kilala ko yan alam kong natatawa siya pero nung napansin niyang seryoso ako naging seryoso na din siya “You’re not kidding” mahinang sabi nito.
“Of course not” Paano ko naman maiisipan mag-loko sa sitwasyon namin ngayon ng asawa ko? I feel so helpless, right now. Kahit nga si Jenna, inaway ko na kanina. Gusto ko i-confirm kung totoo ang sinabi sa akin ng asawa ko at totoo nga raw.
“Eh paano yan? Matagal nang hinihintay ni Lolo ang supling niyo ni Isabel?” Ayoko na mag-isip! Lalong gumugulo ang utak ko, isama pa si Lolo na malala na ang sakit na hinihiling na lamang makita ang apo sa akin dahil wala daw siyang aasahan sa babaerong si Jo.