Chapter Twenty Two

4.4K 123 13
                                    

Shout out: Hi miraclemarisse63! Eto na, hindi ko na nakalimutan. Haha sana gusto mo si Jonas dahil ang chapter na ito ay para kay Jonas. Enjoy reading! :)


~

"Bakit ka napadpad dito?" tanong ko kay Jonas ng makapasok kami sa loob ng bahay. Nag paalam na din si Pepito at bumalik na ito sa kanila.

"Bakit parang di ka masayang makita ako?" tanong nito, ginulo ang tuktok ng buhok ko.

Naiinis na hinawi ko ang kanyang kamay saka inayos ang buhok ko.

"Hindi naman sa ganun." Hindi nga lang ikaw ang inaasahan kong darating. "Nagulat lang ako sa biglaan mong pagdating."

"Namiss kita e. Tumaba ka ata ah" pang aasar nito dahil sa halatang umbok ng aking tiyan.

"Pakabitan ko na nga internet dito para nakakapagchat tayo nu?"

Sinimangutan ko siya. "Puro ka kalokohan!"

"Aba Jo. Narito ka pala, kailan ka pa dumating?" gulat na tanong ni Nay Lydia ng lumabas mula sa kusina.

"Nay!"

Mabilis tumayo si Jonas na agad lumapit kay Nay Lydia, ito ay niyakap at hinagkan niya sa pisngi. Close talaga siya kay Nay Lydia. Napangiti ako sa kanyang ginawa. Napansin niya ang pagtitig ko sa kanila.

Unting unti kumalas si Jonas kay Nanay saka ito inakbayan lamang. "Lumaki kasi ako kay Nanay, actually pareho kami ni Renz. Di ba Nay?" sabay pa ng pag taas ng isang kilay nito.

"Oo. At kaya siguro ako tumanda ng dalaga dahil sa dalwang ito." pabirong hayag ni Nay Lydia.

Tumawa ako.

"Nay tumanda kayo ng dalaga dahil kay Manong Domeng." natawang hayag ni Jonas.

Napakunot noo naman ako dahil sa pagtataka. Sino si Manong Domeng?

Umiiling na himpas ni Nanay si Jonas.

Narinig ata ni Jonas ang katanungan sa isip ko.

"Hardinero namin si Mang Domeng noon." paliwanag ni Jonas sa akin. "First love ni Nay Lydia kaso pinagpalit siya dun sa bestfriend niyang katulong na kapitbahay namin." tuloy ang halakhak ni Jonas, ako din ay natatawa sa hinayag niya.

"Hay nako hija, wag kang mag papaniwala dyan kay Jo. Ito at iyang si Renz lagi nalang ako binibiro. Doon na ko sa kusina at hahanap ako ng iluluto." iniwan kami ni Nay Lydia sa sala.

Tumawa uli si Jonas. "Nay...." habol pa nitong tawa.

"Ikaw talaga, inaaway mo si Nay Lydia" nakasiring na sabi ko.

Tumatawang lumapit ito at inakbayan ako. "Naku wag kang sisimangot Mansanas baka pumanget si Baby" inangat niya ang gilid ng aking mga labi. Naiinis na tinagal ko ang kanyang kamay.

Hinawakan niya ang tiyan ko. "Nako walang panget ni Monteverde." lumingon siya sa akin saka kumindat. Pa cute.

"Ikaw!" pinandilatan ko siya.

Pumuwesto siya sa harap ko at parang siyang modelo na nagpopose. May paghawak pa siya sa kanyang baba.

"Ako panget? Malabo ata mata mo Mansanas."

Sabagay wala naman talagang panget sa kanila. Pareho silang gwapo ni Renz, si sir Carlito kahit matanda na kita mo sa muka niya napakagwaopo niya nung kanyang kabataan, maaring ganun din ang Lolo nila. Hindi ko pa kasi nakikita ang ama ni Sir Carlito.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon