Chapter Twenty Three

2.6K 70 6
                                    

Hindi na po April Fools to! :D

-----

Naging magaan ang loob ko pagtapos ko makausap ang Tito at Tita ko. Laking pasalamat ko kay Jonas Kahit maloko talaga yun, alam niya kung gaano ka-importante ang pamilya.

May pagkapilyo lang talaga pero grabe ang malasakit niya sa tao.

Bumalik na kami ni Jonas sa bahay nang magdidilim na. Napitingin si Jonas sa laptop na nakapatong sa sala. Nagtaas siya ng kilay sa akin.

"Andito si Renz?" tanong nito. Mabilis akong umiling.

"Naglalaro ako kanina jan, naiwan ko na sa lamesa nang dumating si Pepito para mangamusta." paliwanag ko. Ngunit parang hindi siya nalinawagan sa sagot ko. "Bakit?"

"Di ba may binigay ako sayong laptop?" AH!

Nahihiya akong nagkamot nang aking ulo. Hindi ko alam kung paano sasagutin ang kanyang tanong. "P-pinaltan niya." simpleng sagot ko.

Puno padin nang pagtatanong ang mga mata ni Jonas, hindi ko naman alam kung paano sasagutin iyon. Nahihiya ako, kasi hindi naman din sinabi ni Sir Renz kung bakit niya pinaltan e. Iniisip ko dahil siguro sa nakita niya pero pano ko sasabihin iyon kay Jonas. Nakakahiya!

"Namumula ka." pag puna nito. Magkasalubong ang mga kilay niya.

"E-eh kasi nakita namin ung mga bastos na naroon." sagot ko sa maliit na boses. Namumula na ang buong muka ko sa pag sagot.

Nasapo niya ang kanyang ulo. "Shit! Kaya ba.... Ah! Damn it!" wala ko maintindihan sa sinabi niya puro mura sa ingles lang naman sinasabi niya e.

Tila ang lalim nang iniisip niya parang inis na inis siya. Umiling na lamang siya.

"Well yeah, it's better anyway."

Kumunot ang noo ko. "Ineenglish mo naman ako e!" naiinis kong sabi pero tinawanan niya lang ako.

Kinurot niya ang pisngi ko. "Ang cute mo talaga!" Hinawi ko lang ang kamay niya sa inis ko.

~

Umalis na kinabukasan si Jonas, tumakas lang daw siya sa opisina at kailangan nang bumalik sa Manila. Nakakalungkot lang na maiiwan na naman kami ni Nanay Lydia pero ayos lang, alam ko naman kasing busy talaga siyang tao at masaya na kong nadadalaw niya ko kahit papano.

Nangako siya na dadalawin niya uli ako pag naging maluwag ang schedule niya. Buti pa nga siya tinupad ang pangako niya. Samantalang....

Susmaryosep Apple. Wag mo na nga pinag-iisip yung lalaking yun.


"Nay?" tawag ko pag pasok ko sa kusina pag tapos ko mag siesta sa hapong yun.

Halos tumalon ako sa gulat nang makita ko kung sino ang nasa kusina at kausap ni Nanay Lydia. Bakit siya nandito?

"Oh hija gising kana pala." nakita kong inaayos ni Nanay ang nilutong meryenda. Natatakam pa naman ako. Gusto ko kumain ng turon pero sobra-sobra ata ang kaba sa puso ko dahil sa isang taong na nandoon din sa kusina.

Andito din ba ang Lola't magulang niya? Si Isabel kaya?

Tinignan niya ko mula ulo hanggang paa, hindi makakaligtas sa akin ang matatalim niyang tingin na parang galit siya. Bakit naman siya galit pero bahagyang lumambot ang tingin niya nang tumingin sa aking tiyan. Medyo lumaki na ang akin tiyan at halata na ang aking pinagbubuntis.

Unti-unti siyang lumapit sa akin, balak ko sana umatras pero baka magtaka siya bakit ako aatras. Hindi lang talaga ako sa sanay sa presensya niya.

Nang makalapit siya sa akin ay hinaplos niya ang tiyan ko. Bahagya akong nagulat pero may kakaibang bumalot sa puso ko nang makita kong gano ka lambot ang kanyang mga mata, ang bahagya niyang pag ngiti nang mahawakan ito.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon