Chapter Twelve

6K 112 0
                                    

"Negtive."

Halos isang buwan din ang lumipas, kaharap ko ngayon si Doc Jenny. Siya dun yung doctor na nagcheck-up sa akin nung bagong dating ako dito. Nakakahiya nga nun. May parang pinasok siya sa ano ko nun. Kahit babae siya, tuwing naalala ko yun nahihiya ko. Nakikiliti kasi ako nun, kasi malamig tapos parang may kinalikot sa loob ko.

"Ne-negative? Di po ako buntis?" tanong ko. Humawak ako sa tiyan ko. Wala pang bata sa tiyan ko. Madalas ako pag-ingatin ni Nay Lydia nung mga nakaraang linggo dahil baka raw buntis na ko.

Inayos ni Doc Jenny yung mga gamit niya saka tumango. Bumuntong hininga siya saka tumingin sa akin.

"Renz and Isabel is a good friend of mine. Hindi ako sangayon sa plano nila pero mas ok narin siguro ito. I know how much Renz want a child. Siguro mas ok nadin ito kaysa mambabae siya." Bakit niya sinasabi 'to? Bumuntong hininga siya."You're healthy, siguro di mo lang araw nang may nangyari sa inyo."

"P-po? Ibig sabihin walang bata sa tiyan ko?" Oo. Ang tanga ng tanong.

Tumawa siya. "Hindi ka buntis. Walang bata sa tiyan mo." Naaliw na sagot niya.

Ang galing Apple, ginawa mong tanga ang sarili mo.

Kinakabahan kasi ako...paano na?

"P-paano po yun? Baka po magalit sila Lola Celia sakin. P-paano po yung tulong na binigay nila, b-baka po bawiin nila kasi hindi ako buntis? Doc. Yung pinsan ko po k-kasi..." naiiyak na ko. Paano kung bigla nila bawiin yung tulong. Alam ko hindi pa tuluyang magaling si Maya kahit hindi ko sila kino-contact dahil baka lalo ko lang sila mamiss lalo na si Maya pero nung huli dalaw sa akin ni Lola Celia, ilang linggo nang lumipas ay unti-unti na naman daw nalakas si Maya pero di sapat kung puputulin ng Monteverde ang tulong nila sa pamilya ko. Lalo na at umaasa si Lola Celia sa apo nito sa tuhod.

"Woah. Don't cry, Apple. Wala naman akong sinabing may problema ka at di kana mabubuntis. Ang sabi ko lang ay hindi ka buntis." Huh? Eh paano yun?

Pinigilan ko maiyak pero hindi mawala ang lungkot sa boses ko. "P-paano po yun? Eh hindi nga ko buntis."

Seryoso siyang tumitig sa akin ngunit ilang segundo lang ay tumawa siya. Napakunot noo ako. "I don't know if you're dense, innocent or what. Tama si Jo. Nakakatuwa kang tao." Huh? Di ko maintindihan. Ang naintindihan ko lang nakakatuwa daw ako ayon kay Jonas. Kung ayon kay Jonas, duda ko. Madalas lang niya ko pagtripan e. Speaking of Jonas, bibisitahin niya daw ako sa susunod na araw. Ang tagal ko din siyang di nakita.

Napansin niya atabg gulong gulo padin ako kaya tumigil siya sa pagtawa. "Ok. Apple, hindi ka buntis. Ano ba ang ginagawa para mabuntis?"

Kumunot ang noo ko saka nanlaki ang mga mata ko nang marealize ko ang ibig niyang sabihin. Ibig sabihin....

"Yes. Kailangan niyo lang ulit gawin iyon ni.." Tikhim. "R-renz."

Ibig sabihin...  Lunok. Lunok. Gagawin namin ulit yun?

~

"Nay. Pupunta na kami ni Pepito sa bayan." paalam ko kay Nay Lydia. Nakilala ko sa Pepito nang minsan magikot-ikot ko dito. Marami din palang kabayahan sadyang malayo at malawak lang ang lupain ng Monteverde kaya walang bahayan na nakapalibot dito.

"Sige. Magiingat ka. Umuwi kayo bago magdilim at magluluto muna ko ng hapunan dahil baka dumating na si Jonas." bilin ni Nay Lydia.

Tumango ako. Ngayon ang planong pagbisita ni Jonas dito sa Batangas, may makakasama na siya bahay hindi sa hindi niya gusto kasama si Nay Lydia, iba din ang may kasamang makulit sa bahay.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon