Chapter Forty Five

3.1K 111 33
                                    


Masama ang tingin na pinukol sa akin ni Tita Alea nang sundan ni Renz si Isabel.

"T-tita.."

"Don't you dare call me Tita! How could you do this to my family!" galit na galit na sigaw nito sa akin. Wala na ang baka ng matamis nitong ngiti at maalalahaning mata. Galit nalang ang nakikita ko sa mga mata niya. Namumula na ang kanyang muka dahil sa galit.

Napalunok ako.

"Tita.." I tried to call her again, kasi wala akong masabi.

"Wala akong kilalang, hudas!" puno nang panggunguyam ang tingin nito sa akin at parang diring diri pang kaharap ako ngayon.

Dun bigla tumulo ang pinipigil kong mga luha ko. I betrayed them. Totoo naman. Sa kabutihan na pinakita nila sa akin ay ganto pa ang sinukli ko.

Naglakad na palayo ito sa akin. Hinarap naman ako ng kaibigan ni Isabel. Galit na galit din ito sa akin.

Nagulat pa ako nang sampalin ako nito. Rinig ang lakas kamay nitong tumama sa pisngi ko. Pati si Tita Alea ay napalingon at nagulat sa nangyari.

"That's for whoring yourself to my bestfriend's husband." She was about to slap me again pero pinigil ito ni Jonas.

"Enough, Monica." Napatingin ako kay Jonas na may hindi din mabasang ekspresyon sa muka.

"I-I deserve that." I cried.

"No! You deserve more than that!" angil ni Monica sa akin pero nakaharang lang si Jonas nakaabang sa muling pagsugod nito sa akin.

Narinig ko ang inis na ungol ni Renz, napalingon ako at nakita kong pabalik na ito at sinasabunutan ang kanyang buhok.

Hinarang ito nang kanyang ina tila may sasabihin. 'Mom, not now. Susundan ko si Isabel." nagmamadali itong lagpasan ang ina pero hinarang din ito ni Monica.

"Wag mo siyang sundan. Let her rest, let her think." Isang matalim na tingin ang ginawad niya sa akin bago ito tuluyang umalis, kasabay nito ang ina ni Renz.

Muling napasabunot si Renz sa kanyang buhok.

Hindi ko alam ang gagawin ko iyak lang ako ng iyak.

"Jo?" tawag ni Tita Alea kay Jonas na nanatili sa harapan ko. Tinignan ko siya pero iniwas niya ang tingin sa akin.

"I'll stay here, Tita." bahagyang nagulat ito sa sinabi ni Jonas.

"Fine! Now, come with us Renz."

Umiling naman si Renz. "No, I'll stay with Apple." at mabilis na lumapit ito sa akin pero hinarang naman ito ni Jonas.

Nagbabanta ang tingin na binigay ni Renz kay Jonas na nakaharang ngayon sa harapan ko. Nagsukatan ng tingin ang dalawa.

"Step away, Jo." Lalo namang hinarang ni Jonas ang kanyang sarili sa akin na halos matakpan na ako at di ko na siya makita.

"Ako na bahala kay Apple. Ayusin mo ang buhay mo." Sabay tulak nito kay Renz. "Gawin mo Renz, habang nakakapagpigil pa kong sapakin ka." Nagtitigan ang dalawa.

"Wag mo nang dagdagan ang kasalanan mo, Renz!" Tuluyan na itong hinila ng kanyang ina, hindi na ito nanlaban at nagpahila nalang sa ina. Nagkatinginan nalang kami hanggang sa tuluyan na itong makaalis at di na inalintana ang kanyang suot.

Hindi ko alam kung ano ibig sabihin nang mga tingin niya. Is he asking me to wait for him?

Napahugot ako sa akin hininga ng bigla akong harapin ni Jonas. Madilim parin ang anyo nito, no more the happy and playful Jonas. Disappointment is written all over his face.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon