Paglipas nang ilang araw ay pinayagan na kami ni Doc Jenna lumabas ng hospital. Nagdesisyon ang mga nakakatandang Monteverde na sa mansyon nila Lola Celia ako tutuloy.
Napakasakit nang maalala ko ang usapang iyon. Hindi pa kasi nila pwede ilayo sa akin ang bata dahil sa breastfeeding. Gusto nila lumaki ang batang healthy hanggang posible so instead na sa Batangas at mapapalayo pa ay dun nalang sa mansyon ng Donyang Monteverde.
May sariling bahay ang mag-asawa at ganun din si Renz at Isabel samantalang si Jonas ay may condo, naiwan din dito ang bahay ng magulang.
Nalulungkot ako habang iniisip ang mga bagay na yun, na nabibilang nalang ang araw na makakasama ko ang anak ko. Napakasakit.
"Hija, tulala ka. Okay ka lang?" pag tawag pansin sa akin ni Mam Alea, hawak ngayon ni Lola Celia si baby Ysabelle. Nasa sasakyan kami ngayon ni Lola Celia na maghahatid sa amin sa mansyon nito. Tanging kaming apat at ang driver lang ang sakay nito.
Pilit akong ngumiti. "Okay lang po, Mam." sagot ko.
Gumanti nang ngiti sa akin ito at hinaplos ang aking kamay. "Hija, just can call me Tita Alea."
"P-po?" Hindi ko alam kung dindaya lang ako nang aking pandinig. Napalingon ako sa Donya na mukang wala naman sa amin ang atensyon. Masyado itong aliw sa bata.
"Pasensya na hija, alam ko medyo naging masungit ako sayo pero masisisi mo ba ako? Isa lang naman akong Ina, I want the best for my son." sabay haplos nito sa aking buhok. Alam ko namang mabait si Mam...este Tita Alea, nakikita ko ang pagmamahal nito sa anak, sa pamilya nito.
"Naiintindihan ko naman po."
"I just want the best for my grandson also, Alea." parehas kami napalingon kay Lola Celia habang patuloy padin nito nilalaro ang baby. "Well, wala sana sa atin si Ysabelle kung hindi natin ginawa ito." biro nito saka sinabayan nang marahang tawa.
Tumango naman ang isa. "I know Mama, Ysabelle is the greatest blessing after-all." and she looked back at me, smiling.
Wala na kong nasabi kundi ibalik ang matatamis nitong ngiti dahil pati sa akin isang blessing si Ysabelle.
Napaamang ako sa laki nang mansyon pagkababa ko sa sasakyan, triple ata ito nang laki sa rest house sa batangas. Hindi pa kasama ang magarbong hardin nito.
Hawak ko si baby Ysabelle sa aking bisig nang akayin ako ni Tita Alea papasok sa mansyon.
Dalawang palapag lang ang mansyon nguniti napakalawak nito.Isang malaki at enggrandeng hagdan nito. Tila makaluma ang estilo ng mansyon ngunit moderno ang materyales. Iginaya nila ako sa taas kung saan ang magiging kwarto ko. Laking gulat ko na sobrang ayos nito, mayroon itong crib at iba't iba pang gamit pang baby.
"Excited si Mama kaya pinaayos niya agad ito." pag iimporma ni Tita Alea. Napangiti naman ako. Sa gantong mga pagkakataon kahit papaano gumagaan ang loob ko sa kaisipang kailangan ko iwan ang anak ko dahil alam kong iiwan ko siya sa tamang pamilya. Iiwan ko siya sa mga taong alam kong mamahalin at aalagaan siya nang mabuti.
"And this is Mary..." sabay sulpot nang isang babae na sa tingin ko ay halos ka-edad ko lang "If you need something just call her, ok?" tumango naman ako. "Just rest for now, Apple while Ysabelle is still asleep." may panunudyo sa kanyang salita. Alam kasi nila kung gaano kakulit ito pag gising at matakaw sa gatas.
"Thank you po Mam... Tita Alea." Tumango naman ito bilang tugon saka umalis na sa kwarto.
"Mam, nasa baba lang po ako kung kailangan niyo ako." pag iimporma ni Mary bago umalis din sa kwarto, siguro para makapagpahinga na din ako.