Tulala ako sa gitna ng kama. Ano bang dapat kong isipin?
Iniisip ko bang paggising ko sa umaga makikita ko siyang nakahiga sa tabi ko? Asa pa!
Habang tumititig ako sa kawalan, bumabalik ang alaala ko sa di ko inaasahang pangyayari kagabi. Nanunuod lang kami ng movie, nakakaiyak yung movie kaya tumulo ang luha ko. Pinahid niya ang luha ko, nagkatitigan kami at boom! May nangyari na sa amin.
At para kong tanga na inaasahang paggising ko, nasa tabi ko siya. Bakit? Boyfriend ko ba siya?
Babymaker lang ako. Eto ang papel ko, eto ang trabaho ko sa Monteverde ang makipagtalik kay Renz Monteverde at bumuo ng bata.
Bakit ba nakakaramdam ako ng kakaiba sa nangyari sa amin nung nakaraang gabi? Wala naman sigurong espesyal, anong espeyal dun? Na-virgin kasi ako?
Ugh! Napasabunot ako sa buhok ko!
Napatitig ako sa pulang marka na natuyo sa kama. Tanda na may nawala sa akin kagabi. Dinampi ko ang mga daliri ko dun. Hindi na ko birhen. Ang parte ng pagkatao kong gusto ko lamang ibigay sa mapapangasawa ko ay wala na at hindi na maiibabalik pa.
Napahawak ako sa tiyan ko.
May bata na kayo sa loob ng tiyan ko? Sa sinapupunan ko? Ganun ba kabilis yon?
Nagising na lang ako kanina na masakit ang katawan ko at ang pribadong parte ko. Naging sariwa sa alaala ko ang nangyari kagabi, ang kakaibang naramdaman ko ng maging isa kami. Bakit ba kasi may kakaiba akong nararamdaman tuwing nagsasalita siya, mapapalapit sa akin, maramdaman ko lang ang presensya niya, maramdaman ko siya at nang magdampi ang aming mga labi.
Hinawakan ko ang aking labi, nararamdaman ko pa ang init ng kanya labi sa akin.
Ang labi ni Sir Renz.
Wake up, Apple!
Bumuntong hininga ako, gising na nga ko wala naman ata ang diwa ko.
Asan ba si Sir Renz? Bumalik na siya sa kwarto niya? Kailan kagabi o kanina bago ko magising? Anong oras na din naman. Nandiri ba siya sa akin?
Nakakadiri ba ako?
Nandidiri ako sa sarili ko pero nakakalimutan ko ang pandidiri sa sarili ko pagnaalala ko kung paano ako naangkin ni Sir Renz.
Marami ang di nakakakaintindi, marami ang huhusga pag may nakaalam. Paano nga pala nila mapapalabas na anak ni Sir Renz at Ma'am Isabel ang bata?
Paano mapagtatakpan ang pagkakamali?
~
Lumabas ako ng kwarto pagtapos kong maligo. Hindi ko alam kung saan ko hinigit ang lakas ng loob ko para harapin si Sir Renz. Dapat nagtatago ako ngayon dahil nakakaramdam parin ako ng kahihiyan sa nangyari kagabi. Yun man ang trabaho o papel ko sa buhay ng Monteverde ay di ko parin kayang humarap kay Sir Renz nang di naalala ang nangyari at gusto ko buhusan ako ng malamig o nagyeyelong tubig para wala akong maramdaman kung sakali. Dahil hiyang hiya ako.
Dumeretso ako sa dining area, dahil oras na nang tanghalian. Panigurado ay nasa hapag siya. Nahirapan pa nga ko maglakad at bumababa ng hagdan dahil masakit padin.
Huminga muna ako ng malalim bago sumilip pero walang tao. Wala ring nakahain na pagkain.
Tapos na ba siya kumain? O hindi pa naghahanda ng tanghalian si Nay Lydia? Imposible! Pasado alas-dose na eh.