Tumanaw ako sa balkunahe nang kwartong tinutuluyan ko. Lumanghap ako nang sariwang hangin. Haay. Ang ganda ng lugar na ‘to. Ganto pala talaga kayaman ang mga Monteverde.
Nag-stay ako sa isang bahay-bakasyunan daw nila sa Batangas, katabi ang tabig dagat. Napaka-aliwalas ng kapaligiran. Iniwan nila ko dito, sila nalang daw ang pupunta sa Manila. Balak magpaiwan ni Jonas kaya lang kailangan siya sa opisina.
Dito daw ako, kung saan walang may kilala sa akin at malayo sa sibilisasyon.
Nalungkot ako bigla. Kahit hindi makapabago ang henerasyon namin doon sa lugar nila Tito Albert, nakakamiss padin. Namimiss ko na sila.
Naku po, Apple! Wag kang iiyak.
Lumabas ako ng kwarto. Malaki ang bahay kahit two-storey house lang kahit makaluma ang istilo ng mga gamit at kagamitan sa pag gawa ay mukang matibay. Malaki ang kwarto, kahit yung kwarto na ginagamit ko ay malaki, parang isang buong bahay na nila Tito Albert.
“Gising kana pala, hija” nakasalubong ko si Nanay Lydia, siya ang caretaker ng bahay-bakasyunan ng Monteverde kaya siya ang kasama ko ngayon dito.
Ngumiti ako saka tumango, “Good Morning po” Gumanti siya sa akin ng ngiti. Mabait siya sa akin, daig pa ang nanay kung mag-alaga simula nung dumating ako dito. Sinisiguro niya parati akong nakain.
“Hila kana sa kusina, kumain kana nang agahan.” Hindi siya laki dito sa Batangas kaya wala siyang tono magsalita pero sabi niya yung mga tubong Batangenyo raw ang kausap niya nilalagyan niya ng punto.
“Mamaya nap o, Nanay. Maglalakad lakad muna po ko sa labas” Gusto ko muna maglakad-lakad sa labas. Ang sarap kasi nang simoy ng hangin.
“Sige, parating nga pala ngayon si Sir” tumango ako saka naglakad palabas. Nakalimutan ko tanungin kung sinong Sir. Si Sir Carlito o si Jonas? Sabi naman ni Jonas, wag ko na siyang tawaging Sir. Naiilang daw siya.
Bahala siya.
Naglakad-lakad na ko sa dalampasigan. Nakatanaw ako sa malayo, ang ganda nang tanawin at ang linaw ng tubig. Habang nakatanaw ako sa malayo may dalawang muka na rumehistro sa akin.
Mama, Papa. Miss ko na po kayo.
Miss na miss ko na sila. I used to be a Princess in my parent’s heart. No scratch that. I’m still their princess. Maaga lang nila akong iniwan.
Naiyak na ko. Miss ko na sila. Miss na miss na miss. Hindi man kami mayaman nun, pero lagi silang nagtatrabaho nang mabuti para hindi ako mapabayaan. Kahit pareho silang pago d sa trabaho, hindi nila nakakalimutan ang bonding namin.
Tanda ko pa nung unang araw na namatay sila, di ako makakain at di rin makatulog. Di ko alam kung saan ko pupulutin. Sino magaalaga sa akin? Paano na ako? Wala naman kapatid si Papa.
Saka dumating si Tito Albert galing probinsya, di daw kagandahan ang samahan nila ni Mama kaya di sila nagkikita, nagkakamustahan lang daw sila pag may pagkakataon kaya nang malaman na na-aksidente sila Mama ay mabilis siyang nagpunta dito. Hindi man sila close, alam daw nilang mahal nila ang isa’t isa. Kaya si Tito Albert ang kumuha sa akin, susubukan daw niya punan ang pagkukulang niya kay Mama. Masyado daw kasi mataas ang pangarap ni Tito nun, pero eto parin daw siya bagsak. Mayabang daw kasi siya masyado noon.