Chapter Three

7.7K 134 3
                                    

“Bye” paalam ko sa may counter nung paalis na ko sa resto bar kung saan ko nagtatrabaho

“Ingat” paalam din nung iba kong ka-trabaho.

Eleven na nang gabi, napabuntong hininga ako. Tumingin ako sa langit habang naglalakad ako pauwi sa amin. Ang daming stars. Napabuntong hininga uli ako.

“Lalim nang iniisip natin ah” mula sa taas napatingin ako sa lalaking sumabay sa akin. Napa-kunot noo ako.

“Bakit ka andito?” tanong ko at huminto sa paglalakad

Ngumiti siya sa akin, his playful grin as usual. “Bakit masama ba dumaan dito? Pag-aari mo na ba tong lugar na to Mansanas?” Umiling ako. Hindi talaga matinong kausap. Psh.

Naglakad na din ako saka ko siya iniwan. “Teka lang Mansanas” pinigilan niya ko sa braso. Sanay na kong Mansanas tawag niya sa akin kahit naiirita ako.

Tinignan ko siya ng masama, “Bakit ba?”

“Hatid na kita” sabi niya. Ngumiti ako. Daming pang arte gusto lang pala ko ihatid.

“Kanina ko pa inaantay sabihin mo yan. Asan ba yung bukbukin mong kotse?” pang-aasar ko. Magkaibigan talaga kami Jonas, may kaartehan lang sa buhay yan. Di sinabi sa akin na Monteverde siya kaya medyo naiilang ako ngayong  kausapin siya. Malay ko ba yung inaasar-asar ko ay isang Monteverde! Tsaka ang lagi niya kasing dala ay yung bukbukin niyang kotseng kuba. Pa-low profile!

May tinuro siyang itim na Toyota. Aba! Bagong buhay, nagpalit na nang kotse!

Tinaas ko ang isa kong kilay, “Asan si Yoyo?” tanong ko sa kanya. Yoyo ang pangalan ng bukbukin niyang kotse.

Ngumiti siya. “Nagpapahinga. Si Ace muna gamitin natin” Umiling na lang ako. Ayoko ngang sumakay dyan. Matetano pa ang kotse niya sa akin.

Sinimulan ko ulit maglakad kaya tinawag niya ko ulit. Ngumiti ako saka humarap sa kanya. Ngiting may halong pait.

“Alam ko bakit andito ko…” panimula ko. Kaya nahinto siya sa pagsunod sa akin. Nakatitig siya sa mga mata ko “Hindi na mababago ang isip ko, Jonas.”

Hindi ko alam kung anong iniisip niya. Nakatitig ako sa mga mata niya, blanko ang nakikita kong reaction. “May pera ko. Magkano ba ang kailangan mo?” Lalong pumait ang ngiti ko dahil sa sinabi niya.

“Hindi ko kailangan ng pera mo” Mahina pero madiin kong sabi at mabilis kong pinara yung dumaan na tricycle.

Be strong, Apple. Hindi ka iiyak. Hindi ka iiyak. No! Patuloy ko yang sinisigaw sa isip ko.

Ilang sandal pa pinara ko na yung tricycle. Kaasar! Dahil sa pagiwas ko kay Jonas, napagastos pa ako ng bente. Eh nilalakad ko lang naman ito pauwi!

Masama ang loob kong inabot ang bente pesos kay manong. Dumaan ako sa maliit na eskinita papasok para marating ko ang bahay nila Tito. Madilim, walang bukas na ilaw. Asan sila?

May spare key ako kaya pumasok na ko sa loob, may nakita akong note sa table kaya kinuha ko.

Pupunta kaming hospital ngayon para ipa-schedule ang operation ni Maya. Bukas na kami uuwi. Ikaw na bahala dyan sa bahay.

 

Binagsak ko uli yun note sa table.

Hay! Para sa operasyon ni Maya, Apple. Kayanin mo yan.

 

Ang tanong, kaya ko ba? Umupo ako sa bangko at hinilot ang aking sentido. Napaka immoral nitong pinasok ko. Gagawa ako ng bata kasama ang lalaking di ko kilala. Hindi si Jonas ang tinutukoy na apo ni Donya Celia, may isa pa raw itong apo.

Bakit kaya di na lang mag-asawa ang lalaking iyon? Bakit gusto pa niya kumuha ng babymaker? Ayaw niya sa commitment? Iyon ba ang mga problema ng mayayaman?

Kasi nung tinanong ko si Jonas noon kung bakit wala siyang girlfriend at puro ka-fling, oo alam kong playboy siya, lang ang meron siya ang sagot niya sa akin; dahil daw ayaw niya ng commitment.

Rich kid problems? Lol. Ewan.

Napahawak ako sa tiyan ko. Siyam na buwan na pagdadalang tao, tapos ipamimigay ko lang?

---

May babaguhin pala ako sa chapter one, nagkaroon kasi ng conflict dito sa chapter three baka maguluhan kayo. Basta Monteverde din last name ni Jonas yun lang. Mwah! Lol.

P.S. na-edit ko na siya. Kbye. Lol.

P.P.S I just re-read this 2 days ago and I found out it was auto-corrected in English. How come! Lol. The translation sucks to my part, ok? Kasi sobrang mali. I was aking myself first if I wrote it that way and I checked may copy. Lol. It's a no! So there it is, corrected. Sorry guys.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon