Chapter Thirteen

6.7K 115 6
                                    

Nagulat si Nay Lydia nang makita kung sino ang kasunod ko papasok sa loob ng bahay.

"Renz." pagbati ni Nay Lydia. "Kasama ka pala ni Jo." Wala naman si Jonas.

Umiling si Sir Renz. "Hindi Nay. It's only me." pagtatama niya. Kumunot naman ang noo ni Nay Lydia saka ako tinignan.

"Nang sabihin sa akin ni Pepito na isinabay kana ng amo natin ay akala ko si Jo ang kasama mo." tumingin naman siya kay Sir Renz. "Nagbilin kasi si Jo, na ngayon ang punta niya."

Tumango si Sir Renz. "Nagkaroon lang ng problema sa department na hawak niya." Wala naman ako naiintindihan sa business pero masaya ako at nagseseryoso na sa trabaho si Jonas. Kilala din kasing sunod sa layaw ang lalaking iyon.

"Ah Nay. Si Pepito hoo pala?" tanong ko. Ang lakas kasi ng ulan.

"Mabilis na umalis paglagay sa kusina ng mga pinamili dahil basang basa na ng ulan, sabi ko nga ay ditto na magpatila ng ulan at may damit naman dyan na maari niyang gamitin kaya lang ayaw naman."

Sobrang lakas na nga ng ulan. May bagyo na ata. Ala-syiete palang ay sobrang dilim na sa labas.

"Mabuti na rin ho yun, dahil lalo po atang lumakas ang ulan. May bagyo ata." Lalo kasing lumakas ang ulan. Habang tumatagal ata ay lumalakas ang ihip ng hangin.

Tumango si Nay Lydia. "Ay di ko naman napakinggan sa radyo." hindi kasi mahilig manuod sa tv si Nay Lydia. Minsan sa gabi ay nanunuod ito pampatulog raw dahil may maliit na telebisyon sa kusina. "Sige at maghahain na muna ko, Renz."

Dahil sa pagbanggit ni Nay Lydia sa pangalan ni Sir Renz saka ko naalala andito nga pala siya.

"S-sige po, sir. Akyat muna kayo, tawagin ko nalang po kayo pagnakahain na. Tutulong na muna ako kay Nay Lydia." at dali-dali akong sumunod sa kusina. Hindi ko alam kung nakatingin ba siya sa akin o kung may sasabihin pa siya basta dumiretso agad ako sa kusina.





Tumulong ako sa pagaayos ng pinamili habang inaayos na ni Nay Lydia ang hapag kainan, panay pa ang reklamo ni Nay Lydia na paoborito pa naman ni Jonas ang nilito niya. Nalalanghap ko ang di gaanong pamilyar na amoy na niluto ni Nay Lydia, parang may naamoy akong butter. Hindi ko na nilingon ito dahil nakatalikod ako at busy sa pagaayos ng mga pinamili namin. Natawa naman ako sa mga sinasabi ni Nay Lydia, ang alam kasi namin si Jonas talaga ang pupunta. Nagulat nga din ako sa biglang pagsulpot ni Sir Renz.

Hindi ko na pala kailangang umakyat sa silid ni Sir Renz dahil andito na siya sa sala. Kung kanina ay naka slocks na itim at blue na long sleeve ito ngayo'y naka white sando at shorts nalang ito, busy ang mga daliri niyang tumitipa sa laptop at mga matang nakatutok sa screen. Seryoso ang kanyang muka. Madalas...ay hindi, parati ko naman siyang nakikitang seryoso bihira siyang ngumiti, madalas ay sa mga kamaganak lamang nito siya ngumingiti pero parang kakaiba ang kaseryosohan na nakikita ko sa kanya ngayon. It's dominating, gaya ng madalas kong mabasa aa pocketbooks. Parang devil in corporate, boss na boss.

Hindi ko magawang istorbohin siya kaya nakatitig lang ako sa kanya. Hanggang sa unti-unti siyang napalingo sa akin. Halos mapatalon ako sa gulat ng masalubong ko ang itim na itim niyang mga mata, ang lakas ata ng pakiramdam niya at nalaman niyang naroroon ako kahit napakalayo ko naman. Nasa hamba ako pintuang naghahati sa sala at dining area.

Tumikhim ako ngunit hindi ko inalis ang titig ko sa kanyang mata. "K-kain na po."

Matagal siyang nakatitig sa akin hanggang sa hindi ko na kaya ang bigat ng titig ng kanyang itim na mata kaya nagiwas tingin ako.

The BabymakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon