Pakiramdam ko ang bigat nang buong katawan ko, parang may nakadagan sa akin at hirap na hirap ako kumilos. Isang kibot ko ay nakakaramdam ako nang sakit sa aking kaibuturan.
Wala akong makita kundi kadiliman at ramdaman ko din ang lamig sa paligid.
Unti unti kong binuksan ang aking mata kahit pagod at gusto lamang nito pumikit. Bumungad sa akin ang mapuing kapaligiran.
Puting kisame ang tinatanaw ko hanggang sa may sumulpot na muka sa harapan ko.
"Mansanas? Gising kana." masaya nitong bati.
Kinurap ko ang aking mga mata. Hindi ako nagkakamali si Jonas ito, biglang bumalik sa alala ko lahat nang nangyari.
Ang baby, ang baby ko.
Masakit man ang buong katawan ay pinilit kong bumangon. "J-jonas! Ang b-baby! Ang baby ko." puno nang pagaalala kong tanong. "B-buhay siya di ba? Narinig ko ang boses niya.... ang iyak niy niya."
Sa pagkakatanda ko, naisilang ko siya. Narinig ko pa nga ang kanyang mga iyak pero dala nang pagod ay naipikit ko ang aking mata.
"Hush Apple." pag pigil sa akin ni Jonas at pinipilit ako bumalik sa pagkakahiga.
Ginala ko ang mata, nasa isang puting kwarto ako. Malamang nasa isang hospital room, walang tao dun bukod sa amin dalawa ni Jonas.
Hinawakan ko ang braso niya. "Jonas. Ang baby ko?" Hindi ko mapigilan ang magalala. Asan siya? Bakit wala siya dito?
Tinignan ako ni Jonas, ngumiti ito sa akin. Parang biglang gumaan ang loob ko dahil sa pag ngiti niya. "She's fine. She's healthy. You don't have to worry."
Gumaan ang pakiramdaman ko tila nawala ang mabigat na nakadagan dito.
"Asan siya?" Hindi ko mapigilan magtanong, gusto ko makita ang baby ko. Gusto ko siya mahawakan, gusto ko siya makita at gusto ko siya maramdaman. Gusto ko siya mayakap.
Nakaramdan ako nang kakaibang takot nang may narealize ako.
Kumunot ang noo ni Jonas sa naging reaksyon ko. Puno nang pighati ang puso ko. "J-jonas. Jonas. " I cried. "Kinuha na ba nila ang anak ko? Jonas. Ang anak ko, gusto ko siya makita. Wag niyo naman kunin agad ang anak ko sakin." Hindi ko napigilan mapahagulgol. Kumapit ako sa kanyang braso at inaalog ito.
Hindi ko pa nakikita ang anak ko. Hindi ko man lang siya nakita o naramdaman. Hindi ko man lang siya nayakap. Hindi ko man lang nakita ang ngiti sa kanyang mga labi.
"J-jonas." I kept on crying. "Gusto ko makita ang anak ko."
Tila gulong gulo si Jonas at hindi alam ang gagawin o kung saan ako hahawakan dahil nagwawala na ko sa kakaiyak.
"Stop Apple. Don't cry, lis--" hindi na natapos ni Jonas ang kanyang sasabihin nang may magbukas nang pintuan at dalos dalos ang paglapit sa amin.
"Apple! What happened? Are you okay?" Nagulat ako nang makita ko si Renz na hinihingal pa, tinitigan niya ako. Napatanga lang ako sa kanya. "Why are you crying?" then he looked at Jonas. Anger is seen in his eyes.
Gusto kong tumayo mula sa kama pero pinigilan ako ni Jonas. Lumapit sa akin si Renz kasunod nang pagpasok ni Isabel at ang mga nakakatandang Monteverde, puno nang pagtataka ang kanilang mga muka.
Nang makalapit si Renz ay hinwakan ko ang kanyang kamay habang patuloy ang pagpatak nang aking mga luha, hindi ako binitawan ni Jonas.
"Ang a-anak ko po, gusto ko pong makita." tinignan ko ang ibang tao sa loob nang kwarto. "Please po." Pag mamakaawa ko. "Wag niya naman po siya ilayo agad sa akin."