Chapter 2 " MY LIFE "

51 3 0
                                    


THIRD PERSON's POV:

Dahan dahang naglalakad papasok ng bahay sina Imee at Bongbong . Pareho silang grounded pero pumuslit pa rin sila para gumimik. Nang malapit na sila sa huli pinto patungo sa kani kanilang kwarto ay may biglang nagbukas ng malaking pinto na labis nilang kinagulat.

" Tandem talaga kayo sa kalokohan ano? nakapamewang na sabi ng kanilang bunsong kapatid na si Irene.

Samantalang ang dalawa naman ay halos atakihin sa pagkabigla kay Irene.

" Ano ka ba ! , wag kang maingay baka marinig tayo ni Daddy at Mommy, sabi ni Imee habang nakasenyas ang kamay na tila sinasaway ang isang bata . " Sabi ko naman sayo sumama ka na eh. Kisa naman mabulok ka dito sa bahay haha

" Teka , natuloy ba sina Daddy at mommy sa lakad nila ? Sabat ni BongBong sa dalawa.

" Oo , kayo namang dalawa sinamantala nyo naman ang pagkakataon, sabi ng pamilyar na boses mula sa likuran ni Bong bong.

Gulat na gulat ang tatlo sa narinig na boses. Walang duda, nahuli sila ng Tatay nila . Pinagpawisan ng malamig ang tatlo dahil sa tindi ng kaba at takot.

" Anong nangyayari dito, pagtatakang sabi ni imelda na kakapasok lang sa silid na iyon.

" Kausapain mo nga itong mga anak mo ! Mukhang di na marunong makinig ! galit na sabi ni Ferdinand habang palayong naglalakad patungo sa kwarto nilamg mag asawa.

Di man sumigaw si Ferdinand, ramdam ng mga anak nya ang galit nito at pagkadismaya sa kanila.

Mukhang this time ay sumobra na sila sa pagpapasaway ,yun ang paulit ulit na siasabi sa isip nila Imee at Bongbong.

Pagkatapos ng mahabang paliwanagan pinapasok na ni Imelda sa kani kanilang silid ang magkakapatid. Nagpasya itong pasok na rin sa loob ng masters bed room at kausapin ang kanyang asawa.

Ferdinand's POV :

Pumasok na ako sa kwarto namin ni Imelda dahil baka kung ano pang masabi ko sa mga batang yun. Pakiramdam ko habang tumatagal ay hindi ko na maunawaan ang mga kabataan ngayon. Dala na rin siguro ng malaking agwat ng edad ko sa kanila. Dahil mas matanda ako sa asawa ko ng 14yrs. Mas lamang na nagkakaunawaan sila ng mga bata.

"Hay, prroblema na nga ang negosyo pasaway pa ang mga batang ito, buntong hiningang nasabi ko sa sarili ng biglang bumukas ang pinto at pumasok na ang asawa ko.

" Mahal nakausap ko na ang mga bata, malambing na sabi ni Imelda habang papalapit sa kanyang asawa.

" So ano na namang dahilan nilang ngayon? nakakunot noong sabi ko

" E, ayun nanuod daw ksi sila ng concert. Napilitan daw manuod yung dalawa kasi nga nanghihinayang sila sa mahal na ticket . Halos kalahati raw kasi ng allowance ng dalawa yung halaga ng isang ticket kaya nanghinayang sila na di panuorin, pagkukwento ni Imelda habang minamasahe ang balikat ko.

" Napilitan? nanghinayang ? Ang sabihin mo talagang gusto lang nilang maghapi hapi? Inis na kong sabi " Natutuwa naman ako, alam nilang pahalagahan ang perang pinaghihirapan ko. Natututo silang magbudget at di humingi dahil sa mga gusto nila. Kaya lang sana hindi sila tumatakas. Alam naman nila kung bakit sila grounded di ba? Sana lang seryosohin nila ang pag aaral nila. "

" Yun na nga ang sinabi ko sa kanila eh. Nangako naman na di na nila uulitin" kaya wag ka na magalit. Kahit naman mahilig magparty ang dalawa matataas naman ang grado nila sa school di ba? Tandaan mo mahabang panahon na sa England nanirahan ang mga bata. Di maiiwasang maadopt nila ang mga kaugalian doon. Pagpasensyahan mo na lang, masuyong pagpapaliwanag nito.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon