Chapter 23 " IMEE'S WEDDING "

48 3 1
                                    


IMEE'S POV:

" Bakit kasi hindi mo pa tinuloy ang una nyong plano? Pumayag na naman ako ah, Ayan tuloy halatang halata na yang baby bump mo? saad ni daddy ng makita akong nakatitig sa aking sarili sa salamin at hinihimas ang aking tyan.

" Naging pasaway kasi akong anak dad, saka ayoko ng biguin ka ulit. Gusto kong ibigay ang pangarap mo. Makatapos ako na Marcos pa rin ang apelyido, paliwanag ko sa kanya.

" Oo nga, pero pa'no ang image mo bilang modelo? tanong pa nya sa akin.

" Wala na akong pakialam don dad. Ang mahalaga sa akin. Kung ano ako sa'yo. Saka hindi kami duwag ginusto namin ito eh. Kung yung iba takot at ayaw magpakatotoo sa pagbubuntis nila, pwes ako hindi! Kung meron man akong ikinahihiya ay ang di ko pagtupad ng pangako ko sa inyo. Pero itong pagbubuntis ko, hindi ko kailan man ikakahiya, pahayag ko kay Daddy.

Niyakap naman ako ni Daddy at binulungan " That's my girl "

Pagkatapos ng usapang iyon ay sinundo na kami ni mommy at sinabing dumating na ang bridal car na sasakyan ko.

Naging masaya at matiwasay ang aming kasal ni Tommy. Bagamat muntik na akong mahilo ay nairaos rin namin ang lahat.

Masaya ako sa kasal ko kahit halata na ang baby bump ko. Natupad ko ang pangarap kong maikasal at natupad ko rin ang pangakong maka-graduate na apelyido ni daddy ang gamit ko.

THIRD PERSON'S POV:

Papunta na sa reception ang mag asawang Manuel at Mila Araneta ng biglang tumirik ang kotseng sinasakyan nila. Agad bumaba ang driver nila na si Alex para
i-check ang makina ng sasakyan.

" Anong nangyari Alex ? tanong ni Manuel sa kanya.

" Sir mukhang makina po ang problema eh, ayaw pong mag start eh, tugon ng driver nila.

" Pa'no kaya yan? Hindi tayo pwedeng mahuli, inaasahan tayong dumating pamangkin mo. Ano kaya kung magtaxi na lang tayo?
aligagang sabi Mila.

" Naku ma'am wala pong taxing dumadaan dito, tugon ni Alex sa amo nya.

" Naku pa'no na yan mahal? nag aalalang sabi nya.

" Subukan kong tumawag sa bahay . Baka nakauwi na ang mga anak mo, pagpapakalma ni Manuel sa asawa.

BONG BONG' S POV:

Binabagtas namin ni Claudia
ang daan papuntang reception ng kasal ni ate Imee nang may natanaw kaming kotse na nakahinto sa gilid ng kalsada.

Nang malapit na kami sa tapat ng kotse natanaw namin ang isang babae na kaedad ng mommy ko. Nakatayo ito sa may gilid ng kotse . Naka formal attire at mukhang may event na pupuntahan.

Nagdesisyon kami ni Claudia na tumigil at alamin kung may maitutulong ba kami sa kanila.
Bumaba kami ng kotse at nakita namin ang dalawang lalake sa unahan bahagi ng kotse.

Sa pananamit at edad ng isa ay mukhang sya ang asawa ng babaeng nasa gilid ng kotse
at yung isa malamang ay ang driver nila.

Samantala, nang makalapit na kami sa babae ay napaisip ako dahil parang pamilyar sya sa akin. " Saan ko nga sya nakita? Pamilyar ang mukha nya ah "

" Excuse ma'am ! Is there any problem? malumanay na bungad ni Claudia.

Nagulat pa ang babae dahil mukhang di nya kami napansin. Halata kasing aligaga na sya dahil sa sitwasyon nila.

" Ah hi hija! Yes, Kasi..itong --- naputol nyang sabi ng makita ako. Gulat na gulat sya ng makita ako. " Wait , di ako pwedeng magkamali, ikaw yun! aniya sabay turo sa akin.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon