THIRD PERSON'S POV:Mabilis kumalas sa pagkakayakap kay Liza si Helen at pinunasan ang kanyang mukha. Pagkatapos ay agad n'yang nilapitan ang kanyang anak. Si Liza naman ay sandaling tinitigan ang bata bago tuluyang ibinaling ang paningin sa kaibigan na tila ba nagtatanong.
Ngumiti lang ng bahagya si Helen saka ito tumango pagkatapos ay ibinaling ang paningin sa kanyang anak at sinabi " Baby, sorry kung bigla na lang nawala sa tabi mo si mommy ha! Kailangan kasi ng tulong ni tita Liza eh.
"Tita Liza?? sabi ng bata sabay baling kay Liza.
Bigla namang dumating ang tita niya na humahangos at nagmamadaling lumapit sa kanila. Natakasan kasi sya ni Hannah. Alam nya kasing itinatago ni Helen ang anak sa mga kakilala n'ya dito sa Maynila para maprotektahan ang bata. Kaya nga nataranta ng s'ya ng makatakas ito sa pangangalaga nya.
" Ha... Hannah, halika nga ditong bata ka! Akala ko natutulog ka pa don, yun pala tinakasan mo na ako, wika ni Tita Girlie sabay lapit sa mag ina.
Alam ni Helen na nag aalala ang tita nya dahil nakita ni Liza ang anak n'ya. Kaya naman kinalma nya ang loob ng tita nya para di na ito mag alala pa. Agad namang ngumiti si Helen at pinawi ang pag aalala mito sa pamamagitan ng kanyang sinabi " Okey lang po tita! Kaibigan ko po sya.
Nang marinig naman iyon ng tita nya ay nawala ang pag aalala nito. Agad niyang niyaya si Hannah para tulungan s'yang magluto ng hapunan at upang di na rin ito makaistorbo sa pag-uusap ng dalawa.
HELEN'S POV:
Nang makaalis na sina tita Girlie at Hannah ay muli kong nilapitan si Liza at kinausap," I'm sorry kung naglihim ako sa'yo! Wag mo sanang masamain ang ginawa ko. Ginawa ko lang yun para sa proteksiyon ng anak ko.
Huminga ng malalim si Liza, pinunasan ang mga luha sa kanyang mga mata saka tiningnan ako ng diretso sa mga mata ko at sinabi sa malumanay na tono " Wala naman ako sa posisyon para humusga ka o magalit sa'yo. Ginawa mo lang ang inakala mong tama para sa anak mo, dagdag pa n'yang sabi.
Ngumiti ako at agad na nagpasalamat. Para akong nabunutan ng tinik sa mga sinabi n'yang iyon. Mabuti na lamang at bukas ang kanyang isip sa ganoong mga bagay.
" Thank you! sabi ko sabay hinga ng malalim saka muling nagsalita. "Ang totoo gusto ko talagang sabihin sa'yo ang lahat kaso nahihiya ako. Pa'no kasi ang lakas ng loob kong magsabing wag kang papayag na makuha ka nya! Pero ako pala naman itong disgrasyada.
Ngumiti naman s'ya bilang pagtugon sa akin saka muling nag wika. " Honestly, ngayon kita mas naintindihan. And thank you so much for the concern! Sobra ko yung na -appreciate !!!
" Ang totoo naalala ko sa'yo ang sarili ko noon. Ganyan din kasi ako sa ex ko eh, Lahat gagawin!, buntong hininga ko pang sabi. " Ang pagkakaiba lang natin alam mo yung limitasyon mo. At kahit nagpumilit pa sya di ka talaga nagpatinag kasi yun ang gusto mo . Ako kasi bigay agad lahat eh. But unlike Reggie, di naman s'ya nagpumilit. Ako yung nag kusa kasi akala ko ganon nga talaga kapag nagmamahal. Hay... Ayan tuloy nabuntis ng maaga. Ang rupok ko kasi eh! dagdag ko pang sabi.
" Ahm... If you don't mind, Asan na yung tatay nya? tanong naman ni Liza.
Muli akong napabuntong hininga sabay sabi. " Wala na sya eh! Bigla na lang s'yang umalis . Hindi n'ya nga alam na buntis ako eh. At wala na rin akong balak ipaalam sa kanya. Okey na kami ng anak ko eh.
Matapos kong magsalita ay napansin ko na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Liza .Muling syang nabalot ng lungkot at tila bumalik ang emosyong nagpahina sa kanya kanina.
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
FanfictionThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...