THIRD PERSON'S POV:Di maitago ni Benigno ang matinding galit nito kay Don Gustavo. Matapos nya kasing makapasok sa kompanya ay gusto naman nyang palitan ang pangalan nitong MARC-QUINO.
Pinigilan ni Ferdinand si Benigno hanggang tuluyan ng makaalis ang lahat ng nasa conference room. Nang silang tatlo na lang ang natira ay sinigurado ni Ferdinand na naka-locked ang pinto para anuman maging resulta ay manatili na lang sa kanilang tatlo.
" Anong kalokohan to papa? Nung nakaraan binago mo ang paraan ng pamamahala ng kompanya, ngayon naman pati pangalan nito gusto mong baguhin? Pinaghirapan nmain ito ni Ferdie para lang maitayo. Tapos babalewalain lang nag kung sino, galit na gali na sabi ni Benigno.
" Nang kung sino? Baka nakakalimutan mo kung sino ang kaharap mo? Akin ang perang pinuhunan mo noon sa kompanyang ito na tinayo nyo.Bunganga at utak mo lang ang ambag mo sa kompanyang ito, kaya wag kang mayabang. Kung tutuusin kung merong dapat magreklamo dito si Ferdinand yun. Utak at pera nya ang pinuhunan nya dito pero ano? Di sya kagaya mo na parang manok na putak ng putak, panenermon ni Don Gustavo.
" Kung yung pinuhunan mong pera ang ipinagmamalaki mo pwes sige babayaran ko na ang lahat ng yun pati yung shares mo. Pabayaan mo na lang kami at ang kompanya namin, tugon niya dito.
" Walang utang na loob, haha nagkapera kalang yumabang ka na agad. Kung ako sayo tumahimik ka na at pag igihin mo ang trabaho mo. Hindi ba sabi mo gagawin mo ang lahat para sa anak ko. Pwes gawin mo. Sa totoo lang kung pera lang ang nabigay ko sayo baka hayaan ko na lang eh, pero pati anak ko na sayo. At himdi ako papayag na maghirap ang anak ko . Yung perang pinuhunan mo barya lang sa'kin. Pero yung pananakit at panloloko mo sa anak ko, hinding hindi mo mababayaran. At hinding hindi ko makakalimutan. Kaya umayos ka! Baka matuwa ako ipapaskil ko jan sa labas lahat ng kalokohan mo, mahabang litanya ni Don Gustavo bago tuluyang lumabas.
Nang makaalis si Don Gustavo ay lalong naggalaiti sa galit si Benigno.
" Bwesit! Sino ba kasing siraulo ang puno't dulo ng lahat ng ito kaya nakapasok ang siraulo kong byenan? gigil pa nyang sabi.
" Hay, sino pa nga ba? Eh di yung siraulong kanina pa nang gagalaiti sa galit. Sya kasi yung nautong makipagmerge eh, hirit naman ni Ferdie sa knaya.
" Oo na! Malay ko pa na plano nya palang pasukin kompanya natin. Ang tang atanga ko kasi noon. Inuna ko pa kasi yung kakatihan ko. Ngayon tuloy hawak nya tayo sa leeg, paninisi ni Benigno sa sarili.
" Eto na ang sitwasyon natin ngayon na kailangang harapin. Mabigat man sa loob ko pero ganon talaga, di mababago ang lahat kahit magsisihan pa tayo. Ang maahalaga sa ngayon, ay ang mga taong katuwang natin mula pa noon ay di mawalan ng ikabubuhay, tugon ni Ferdie kay Benigno.
" Oo naman! Hinding hindi na ako papayag na may madamay pa ng dahil sa akin, kalmadong tugon niya.
FERDINAND'S POV:
Papauwi na ako ngayon galing sa opisina. Hanggang ngayon ay di parin ako makapaniwala sa lahat ng pagbabago sa kompanya. Ang kompanyang kami mismo ang nagsikap na mabuo at maitayo. Ang kompanyang bahagi na ng buhay namin ni Benigno.
Pagdating ko sa bahay ay agada kong napansin ang kotse mg boyfriend ni Imee. Bibihira syang bumisita sa bahay dahil diumano ay takot daw sya sa akin. " Ano naman kayang meron sa mga oras na ito? Pakiramdam ko problema naman ito " nasabi ko na lang sa isip ko pagkatapos mai parada ang kotseng minamaneho ko.
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
FanfictionThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...