Chapter 42 " EVIL PLAN "

25 3 4
                                    


BENIGNO'S POV:

" Akala mo ba hindi ko alam ang
lahat ng ginagawa nyo ni Johnny kapag nakatalikod ako. Benigno
hindi mahina ang kukote ko gaya mo,mga salitang binulong ng Byenan ko matapos nya i announce na parte na ng kompanya si Boyet Araneta. Ang mortal kong karibal kay Corazon at ang sakim na kapatid ni Manuel.

Hindi ako nakapagsalita ni makagalaw ng mga sandaling iyon. Halang ang bituka ng taong ito kaya hindi biro ang mabisto nya ang mga plano mo. Isa pang iniisip ko ay ang pangako ko kay Johnny na po- protektahan ko sya.

" Pasalamat ka mahal na mahal ka ng anak ko,kung hindi may kalalagyan ka. Kaya huwag mong ku kwestyunin ang pagpasok ni Boyet sa kompanya ko. Ngayon, Kung gusto mong wala tayong maging problema sumunod ka sa mga gusto ko at wag mo nang tangkain pang muling magtraydor sa akin., sabi nyang nanlilisik ang mga mata . " Tandaan mo, utang ko man sa'yo ang buhay ng mga magulang mo, utang mo naman sa'kin lahat ng mga tinatamasa mo ngayon.
Bawiin mo lahat ng kliyenteng pinasa mo sa Marcos na yun. O kaya sulutin mo lahat ng mga big potential clients nya para naman makabawi ka sa akin at makuha mong ang tiwala ko, dagdag pa nyang sabi na dinuro-duro pa ako bago ako tuluyang tinalikuran .

Ilang segundo bago ako nakapagsalita dahil pinag iisipan kong mabuti ang dapat kong sabihin. Higit sa lahat ay inaalala ko ang kalagayan ni Johnny
lalo na ng anak nyang si Katrina.

" Tungkol kay Johnny, alam kong... naputol kong saad sa kanya.

Muling nya akong hinarap at nagsalita....

" Huh! Walang prinsipyo ang taong yun. at mukhang pera. Isa pa, gaya mo, pasalamat sya na may Katrina sya sa buhay nya . Kung hindi burado na sya sa mundong ito, Kaya umayos kayong pareho, pahayag nyang may pagbabanta.

Pagkatapos ng pag uusap namin ay
agad rin akong bumalik sa opisina
ko. Pagpasok ko pa lamang ng pinto
ay bumungad na sa akin ang puno
ng pag aalalang si Johnny.

" Anong gagawin natin ? Alama na ni Don Gustavo ang ginawa natin. Pa'no na ang... aligaga nyang wika na pinutol ko.

" Kumalma ka! Ligtas ka at ang anak mo . Kailangan ko lang sundin ang gusto nya para manatiling buhay si Katrina, napabuntong hininga kong pang sabi.

" Pasensya ka na pare , wika nya.
" Ano na ngayon ang plano mo?

Muli akong napabuntong hininga saka sinabi ang plano ko "Ano pa eh di ang sundin sya. Mula ngayon, harapan o talikuran man kailangan ko ng syang kalabanin, ang matalik kong kaibigan. malungkot ko saad.

" Patawad! Pati kami ng anak ko naging pasanin mo pa, nahihiyang
sabi ni Johnny.

" Kung may sapat lang akong kakayahang ipa gamot ang anak
mo. Hinding hindi ko to gagawin.
Kahit pang inggit ko kay Ferdie, ni minsan di ko inisip na magtraydor
sa kanya. Pero ngayon, kailangan
kong gawin ang lahat para maisalba ang buhay ng iba, mga salita kong punung puno ng kalungkutan.

BOYET ARANETA'S POV:

" Okey lang ba talagang maging part ako ng kompanyang to? Baka biglang himatayin si Benigno, bungad kong sabi kay tito Gustavo.

Tumawa sya ng malakas at nag wika
" Hayaan mo sya, wala syang ibang magagawa kundi ang sumunod. At saka di na naman magtatagal ang pakikialam nya eh. Konting panahon lang ang kailangan ko para tuluyan
na syang mawala sa landas natin.

" Sigurado ka bang handa mong dungisan ang mga kamay mo? tanong ko sa kanya.

Muli syang tumawa saka tumugon "Ako ba ang gagawa? Hindi ba si Ferdinand?

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon