Maraming tanong sa mundo na mahirap sagutin.
Mga tanong na tila ba walang tama o walang tumpak na sagot.
Minsang nga pati ang Diyos kimukwestyon natin eh,
Bakit kailangang mangyari ito?
Bakit mo Sya kinuha agad?
Pa'no na kami?Pero anong magagawa natin.
Sa mundong tanging ang permanente ay ang pagbabago,
Dito nabiilang ang isang tulad mo at isang tulad ko.
Bagamat mahirap tamggapin o unawain,
Kailangang matutuhan nating sabayan ang daloy ng panahon.May pagsilang at kamatayan.
May simula at katapusan.
May pagbagsak at pagbangon.
May kasiyahan at may kalungkutan.
Lahat ng ito'y hinayaan ng Diyos.
Ang tanong ay BAKIT?
Dahil " MAHAL N'ya Tayo "MAHAL N'YA TAYO kaya tayo isinilang.
MAHAL N'YA TAYO kaya may lungkot at kapighatian
MAHAL N'YA TAYO kaya may kamatayan.
Ang tanong , Anong klaseng pagmamahal yan?
Di ba pwedeng maging perpekto ang lahat?
Ang Diyos naman ay perpekto hindi ba?O perpekto ang Diyos pero wala syang nilikhang perpekto gaya Nya.
Bakit? Kasi, nilikha man tayo ayon sa wangis Nya,
Ang gusto naman Nya ay matuto at umunlad tayo at hindi parang tau tauhang pinapasubod lamang Nya.May pagsilang dahil nais Nya maramasan natin ang ganda ng buhay at lahat mg nilikha Nya.
May kalungkutan at pighati dahil nais Nya tumatag tayo.
May tiwala Syang kaya natin ang mga pagsubok kaya binibigay sa atin.
May kamatayan dahil ibig sabihin nito tapos na ang misyon o purpose nayin sa mundo .
Wala ng sakit at paghihirap.
Pagkabigo at lungkot.
Malaya na sila sa anuman.Masakit man sa tulad kong nawalan,
Pero sabi nga may maga taong kailangan pang pahalagahan at pangalagaan.
Di naman ibig sabihin ng pagpapatuloy sa buhay ay paglimot.
Ito'y tanda lamang ng pagtupad sa ibinilin ng buong puso.Kaya nga sa tatay ko , sa tatay naming magkakapatid.
Magpapatuloy kaming mabuhay .
Para sa'yo at sa aming nanay.
Pero wag kang mag alala,
Lagi kang nasa puso at sa aming isipan.
At umasa kang lagi ,sa tulong ng Diyos kami ay tutupad sa pangakong binitiwan.
Di ka makakalimutan, at ang aming nanay ay iingatan.We Loye you Tatay ,!!
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
FanfictionThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...