Chapter 52 " FLASHBACK "

48 5 2
                                    

LIZA'S POV:

Nang maabot ng lalake ang kamay ko ay agad niya akong niyayang maupo para daw ma relax ako kahit pa'no. Inalalayan nya akong maglakad hanggang sa maupo kami . Pero bago ako makaupo ay agad syang nag salita.

" Wait, wear my coat first bago ka maupo, mukha kasing kanina ka pa nilalamig eh, sabi ng lalake habang dahan dahang inilalagay sa likod ko ang coat nya at naupo sa katabi ko.

Nakaramdam ako ng matinding hiya at pagkailang sa ginawang iyon ng lalake sa akin at tanging mahinang tugon na lamang ang nasabi ko " Ta..thank you!

Maliban kasi kay Daddy at Martin ay wala pang ibang lalakeng ganito ang gesture na pinapakita sa akin. Kahit nga si Reggie ay di man lang naging ganito ka gentleman sa kin. Hindi sya ganitong klase ng lalake. Bagay na hindi ko na lang pinansin noon at binalewala ko noon.

Hindi ko maiwasang humikbi at muling mapaluha dahil kung na- realize ko agad ang mga bagay na ito, sana'y hindi na umabot pa sa ganitong tagpo ang lahat.
Ilang saglit pa ay may naramdaman akong palad na dumampi sa noo ko na nakakuha ng atensyon ko.

" Miss are you okay? Masama ba ang pakiramdam mo? Ahm..don't worry .. I think their doing there job naman para matulungan na tayong makalabas dito, sabi ng lalake sa mahinahong tono.

Napaka lambing ng boses nya. Ang totoo ay isa yan sa dahilan ng unti unti kong pagkalma. Bagamat di ko masyadong maaninag ng maaayos ang mukha nito ay naging panatag ang loob ko. Isang bagay na kahit ako ay nagtataka dahil nga hindi ko naman sya lubusang kilala.

" So.. sorry! mahinang kong sabi sa kanya.

" Huh? Sorry for what? nagtataka nyang sabi.

" Ahm... with my actions earlier. Para kasi akong bata, paliwanag ko sa kanya.

" Ah..yun ba? It's okay! Normal lang naman na reaksyon yan lalo na kung may phobia ka sa mga dark places, saad nito. " It's called Nyctophobia right ? tanong pa nya sa akin.

" Ah.. yeah.. ahm.. honestly I have multiple phobias kaya siguro may pagka extreme yung reaction ko, pagtatapat ko sa kanya.

" Ganon ba? Well maybe you've been through a lot in life to have multiple phobias, saad nya.

" Yeah, something happened in the past, matipid kong sagot sa kanya.

Mabigat sa loob kong balikan ang mga pangyayaring naganap noon dahil kahit 15 yrs na ang nakalipas ay sariwa pa rin sa isipan ko ang traumatic incident na yon. Ang pangyayaring sanhi kung bakit ako takot sa dilim at kung bakit ganito ko patakbuhin ang buhay ko.

Samantala, saglit syang tumahimik bago muling nagsalita " They say strangers can be a good listener. If okey lang sa'yo at makagaan sa loob mo , I'm willing to listen.

Nagulat ako sa sinabi nya. Bibihira kasi ang handang makinig sa akin kapag iyon na ang usapan. Naalala ko pa nga nung ipinagtapat ko yun kay Claire ang lahat, natawa pa lang sya kasi akala nya pina prank ko sya. Kaya nga mula noon ay di na ako nag attempt pang ikwento ang tungkol sa bagay na iyon.

Naniwala lang sya sa sinasabi ko nung minsang makausap nya ang mommy ko. Ikinuwento kasi ni mommy ang lahat ng mga nangyari sa akin, even yung mga panic attacks ko, pano ako pakalmahin at pati yung time na kinailangan akong ipakausap sa isang Psychiatrist dahil wala akong tigil sa pag iyak noon.

Dahil sa mga pangyayaring iyon ay unti unti kong inilayo ang sarili ko sa ibang tao. I'm approachable sa lahat but iilang tao lang talaga ang ka-close ko. Siguro nga ay takot rin akong mahusgahan kaya maging kay Reggie ay di na ako nag open ng tungkol dito.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon