IMELDA'S POV:Pagbukas pa lamang ng pinto ay agad ko ng niyakap ng mahigpit ang anak kong si Bong . Miss na miss ko na kasi sya. Sa kanila magkakapatid ay sya ang pinakamalambing sa akin. Mama's boy kasi hehe.
" I miss you mom, sabi nya sabay halik sa aking pisngi habang yakap rin ako ng mahigpit.
Naalala ko pa nung bata pa sya lagi syang nakahawak at sumasama sa akin. Napansin ko na medyo mas mahinhin pa sya sya mga kapatid nyang babae kaya naisip kong lagi syang pasamahin sa daddy nya. Mahirap kasi nag iisa pa naman syang lalaki at junior pa.
" Hi dad , bati naman ni Bonget sabay yakap at halik sa kanyang ama.
Si Ferdie naman ay ngumiti lamang at niyakap ang anak. Di kasi masalita si Ferdie kadalasan ay ipinararamdam nya lang ang pagmamahal sa mga anak sa pamamagitan ng gawa. Sa akin lang yata naglalambing ito hehe.
Habang pinagmamasdan ko ang mag ama ko, napansin kong tahimik si Claudia sa isang sulok. Kanina lang ay excited syang makita ang anak ko pero bakit ngayon ay malungkot sya? Ano kayang nangyari?
THIRD PERSON'S POV:
Pagkatapos nilang maglunch sa hotel ay nagpunta sila sa isang park doon para maglakad lakad at magpahangin. Halata kasi ng mag asawa ang tensyon sa pagitan ng magkasintahan.
Sa mahigit na limang taong relasyon ng dalawa ay ni minsan ay di nagpakita ng malamig na pakikitungo ang anak nila sa girlfriend nito . Kaya siguradong malalim ang tampuhan nilang dalawa.
Nagpasya ang ng mag asawang kausapin ang dalawa ng magkahiwalay. Si Imelda kay Bong at si Ferdie naman kay Claudia.
Niyaya ni Imelda si Bong sa isang bench malayo kay Claudia. Samantalang nilapitan naman ni Ferdie si Claudia na nakaupo sa isang bench.
FERDIE'S POV:
" Okey ka lang ba hija? bungad kong tanong sa kanya.
" Ah, yes tito, tugon nya kasabay ang pilit na ngiti.
" Okey lang bang tabihan kita sandali at mag usap tayo? pagpapatuloy ko.
Tumango lang sya at ngumiti sa akin. Sa totoo lang ay malapit na ang loob ko kay Claudia. Kung sya man ang mapangasawa ni Bong Bong ay suportado ako.
Kahit ang pamilya nya ay malapit rin sa amin lalo na sa anak naminy . Pero sa huli ay sila pa rin ang mkakapagsabi kung sila talaga para sa isat isa.
Sa ngayon, ang magagawa lang namin ay payuhan at gabayan sila. Ano nga kaya ang naging away ng dalawa?
" Ah hija, di sa nanghihimasok ako pero napansin ko di ka pinapansin ng anak ko. Ang alam ko kaya ka sumama sa amin ay para surpresahin sya. Bakit mukhang iba ang kinalabasan? nagtataka kong tanong sa kanya.
" Kasi po tito kasalanan ko eh. Masyado po akong selosa. Akala ko kasi nakikipaglandian sya kanina. Kaya ayun sinugod ko yung girl. Pero mukhang nagkamali po ako, kwento nya habang nakayuko.
" Ganon ba? Hay, di ko kinakampihan ang anak ko. kilala mo yun. Mahaba ang pasensya nyan pero kung sinagad mo talagang di yun mamamansin. Hayaan mo na lang muna, saad ko sa kanya.
" Alam ko naman po yun noon pa Masyado lang po kasi akong mag isip eh. Kaya ayun. Sumasablay talaga. Mahal na mahal ko po kasi ang anak nyo. Ayoko po syang mawala sa akin, umiiyak nitong sagot sa akin.
" Hay, wag kang umiiyak hija. Alam mo ba ako noon gaya mo rin napakaseloso. Akala ko nga hihiwalayan ang ng tita Imelda mo eh. , Napapangiti ko pang sabi sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/337957579-288-k97884.jpg)
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
FanficThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...