Chapter 3 " NEW CHAPTER "

32 3 2
                                    


LIZA's POV:

" Palibhasa di ka pa naiinlove kaya ganyan ka! Mas gusto mong kasama mga books mo kisa makipag date. Pwes ,wag mo kaming idamay sa gusto mo! Wag mo ring maging hobby ang pakikialam kasi hindi ikaw si mommy! yan ang mabibigat na salitang sinabi ng nakababata kong kapatid na si Cristine. Hanggang ngayon ay di pa rin ako makapaniwalang nasabi nya yun sa akin sa kabila ng lahat ng ginawa ko para sa kanya. Mula nung magkaroon na ng sarili pamilya si ate Cecille ako na ang tumayong ate/ nanay at tatay kina Cristine , Yvone at Martin. Hindi naman sa iresponsable ang parents namin, kaya lang mas malaking ang panahon nila para sa business . Isa pa ay malalaki na naman kami. Kapag naman kailangan namin sila gumagawa sila nag way para magkausap at magkasama kami.

" Ganon ba talaga kapag naiinlove ? Puro puso lang wala ng utak. Hay, bakit ba kasi nagiging reckless kapag nagmamahal? , Naiiyak kong sabi sa bestfriend kong si Claire na kanina pa ako pinapatahan.

" Girl, misunderstanding lang yan. sabi nya habang hinaplos ang likod ko. " Saka wag nyong idamay ang love sa away nyo, sarap kayang mainlove, try mo na kasi , pang aasar pa nito.

Humarap ako sa kanya at sinamaan sya ng tingin sabay sabi " Talaga ba? sabay irap. " kung magiging reckless lang ako , wag na lang! Isa pa di naman ako mamamatay ng walang lalake sa buhay ko. I can live on my own, mariin kong sabi.

" Hala sya! Ano ka ba? hindi lahat ng lalake kagaya ng brother in law mong babaero. Kaya tigilan mo yang pagiging " man hater mo jan gurl " nakapamewang na sabi nito sa akin
" May matitino pa sa mundo no! Gaya na lang ni Reggie baby hehe.. kinikilig na dagdag ni Claire.

" Pano naman nasali sa usapan si Reggie ? Saka hindi naman ako " man hater ". My point is, pwede kang maging masaya on your own. Nakakainis lang kasi . Laging nyang pinapamukha na wala akong lovelife kaya hindi ako masaya. Bakit mukha ba akong bitter? Tanong ko s kanya.

" We'll di ka naman bitter,! you're just happy and contented with beloved books kaya di mo na kailangang ng boyfriend haha, natatawang tugon niya sa akin. " Anyways, tinawagan ko na si Reggie baby para naman gumaan ang loob mo. Mag movie date muna kayo , hehe "

" Ano? gulat kung sabi sa kanya " Ba.. bakit mo tinawagan si Reggie? Saka anong movie date ka jan? Mag aaral pa ko no, sunud-sunod kong sabi sa kanya.

Pero di na siya umimik. As usual, pumili na naman sya ng damit ko na isususot para sa set upnyang lakad namin ni Reggie. Ganon kasi si Claire kapag alam nyang upset ako. Lagi nyang tinatawagan si Reggie kasi naniniwala syang si Reggie ang forever ko , haha. Naalala ko tuloy 7 years ago.

FLASH BACK ....... ...

May natanggap akong text galing sa lalaking ainasabi ni ate Cecille na may Crush daw sa akin. Siya si Reggie Puno, malayo kamag anak ni kuya Dan. Galing sya sa angkan nga mga lawyer . Nung una ay ayoko syang kausapin pero naalala ko ang sinabi ni ate. Gusto nyang maranasan kong mahalin at magmahal. Kaya mula noon ay naging bukas ang communication naming dalawa.

Madali ko naman syang nakasundo at nakapalagayan ng loob. Isang malaking factor ang pareho naming pangarap , ang maging lawyer. Naging malapit kami sa isa't isa lalo na't schoolmate ko sya.

After 6 months ng friendship na nabuo namin. Kinausap nya ako at nag paalam na manliligaw. Ang totoo ay crush ko rin ya pero nung time na yun ay 17 yrs .old lang ako. Pakiramdam ko ay hindi pa ako handa sa ganon. Kaya sinabi kong kung maari ay friends na lng muna kami dahil hindi pa ako handa s ganong aspect . Naunawaan nya naman ako. Mas pinili muna namin ang friendship kisa walang kasiguraduhang relationship. Pero nangako syang hihintayin nyang maging ready na ako.

...... ...... ...... END OF FLASH BACK .....

REGGIE 's POV:

Kakatapos lang naming manuod ng movie ni Liza. Masaya ako at nakangiti na muli si Liza. Napakaganda nya talaga kapag nag smile .

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon