MILA'S POV:Papalabas na kami ng kwarto ng asawa kong si Manuel nang muli ko s'yang kausapin patungkol sa anak naming si Liza. " Mahal, ano kaya kung tanungin ko na s'ya tungkol sa nangyari? Nag aalala na kasi ako sa kanya eh, paghahayag ko sa kanya ng aking balak gawin.
Hindi ko kasi maiwasang di mag alala dahil mag iisang linggo na s'yang di pumapasok simula ng mag break sila ng boyfriend n'ya.
Ayaw pa raw n'ya itong makita nga mas minabuti n'ya na muna na wag pumasok at para na rin magkapaghinga.Sa totoo lang ay walang anumang detalyeng ibinigay si Liza tungkol sa kanilang pag hihiwalay. Kaya naman nag aalala ako ng husto sa mga ikinikilos nito. Natatakot kasi akong bumalik ang trauma ng nakaraan n'ya dahil sa break up nila ni Reggie. At bilang isang ina ay ayokong mangyari iyon. Kaya naman naisipan kong.. ako na mismo ang magtatanong sa anak namin.
Kaagad naman akong kinabig palapit sa kanya ni Manuel at masuyong hinaplos ang aking mukha at saka sinabi." Mahal, wala ka bang tiwala sa anak natin? She knows what she's doing okay! Tsaka alam mo naman yun kapag ready ng magkwento di ba?
" I know, pero masisisi mo ba ako? Ayoko lang pagdaanan ulit ng anak natin yung sakit at lungkot na pinagdaanan n'ya dati, pangangatwiran ko pa.
" Kahit naman ako... ayokong masaktan o may makasakit sa mga anak natin eh.But what can we do? Bahagi ng pagtanda at pag unlad ng isang tao ang masaktan at magkamali para matuto! , pagpapaliwanag pa n'ya sa akin.
" I know pero kasi... naputol ko pang sabi nang bigla n'ya akong hinalikan sa labi kasunod ang isang matamis na ngiti.
Napabuntong hininga na lamang ako. Ang halik kasi na iyon ay hudyat n'ya sa akin na ayaw na n'ya pag usapan o pagtalunan pa ang isang bagay.
" Don't worry, everything's gonna be fine! I assure you of that! Sabi pa n'ya para pagaanin ang loob ko. " O, pa'no tara na!
Agad naman akong ngumiti sa kanya bilang tugon. Tama rin naman s'ya na magtiwala kami sa anak namin. Matapang si Liza!
Palaban ang anak namin!Tuluyan na nga kaming lumabas ng aming silid . At bago nga kami magtungo sa dinning room ay sumilip muna kami sa kwarto ni Liza. Doon ay nakita namin si Martin na patuloy na kinukulit ang ate n'ya.
" Sumama ka na kasi sa akin ate! Don't waste your time sa paghiga lang, pangungulit pa ni Martin habang inaalis ang kumot ni Liza na nakabalot sa katawan nito.
" Inaantok pa ako! Mamaya na lang! tugon nman nito habang hinihila pabalik ang kumot n'ya.
" No! This time, hindi uubra sa'kin yang ganyang palusot mo, tugon pa ni Martin habang hinihila ang ate n'ya pababa ng kama nito. Samantala, si Liza naman ay patuloy pa rin ang pagtutol at gustong bumalik sa kama n'ya.
Nagkatinginan naman kaming mag asawa at sabay napanggiti dahil sa aming nasaksihan. Buti na lang at nagkaayos na rin sila. Matagal tagal din kasi silang di nagpansinan. Kaya naman di ko mapigilang mapaluha ng makita ko silang magkasundo na ulit.
Kaagad namang pinunasan ng asawa ko ang mga luha sa mga mata ko pagkatapos ay isang halik sa noo ang iginawad sa akin sabay sabi ." If there's anything good about her break up with Reggie, it's probably the reconciliation between her and Martin.
Muli naman akong napangiti dahil sa mga sinabi n'ya. Tama naman s'ya! Ang mas mahalaga ngayon ay nagkaayos na sila ni Martin.
MARTIN'S POV:
" Let me go! Ano ba hindi na'ko natutuwa sa'yo, inis na sigaw ni ate Liza habang nagpupumiglas sa patuloy kong paghila sa kanya papasok ng banyo.
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
FanfictionThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...