Chapter 18 " MANLILIGAW "

25 3 0
                                    


GREGGY'S POV:

" Anak ng? Ikaw?? Yan ang mga salitang mas lalong nagpakaba sa akin mula ng dumating ako sa bahay nina Irene.

Lahat sila ay nakatingin sa akin. Mukhang alam na nila ang lahat.
Ano kayang naghihintay sakin?

Lumapit naman agad sa akin si Irene at hinila ako palapit sa kinaroroonan nila. Hindi ko alam kung pa'no ako magsalita. Parang ayaw ng bumuka ng bibig ko.

Pero kailangan kong ipaalam ang intensyon ko. Ang malinis kong hangarin para sa kanila. Kaya nga kinalma ko ang sarili ko at muli kong sinubukang ibuka ang bibig ko at nilakasan ang loob ko.

" Ma... Magandang gabi po ... Am .. Gusto ko pong personal na ma...mag... paalam sa inyo. Pwede ko po bang li.... ligawan ang ...anak nyo? nauutal kong bungad sa kanila.

" Hindi! Hindi pwede, agad nyang tugon sa akin.

Nakita ko sa mukha ni tito Ferdie ang sobrang pagkainis at tila pagkadismaya ang reaksyon ni tita Imelda. Si Imee naman ay blanko ang reaksyon ng mukha. Habang si Bonget naman ay tila natatawa pa sa nangyari.

" Dad naman! Sabi mo sa kin-- naputol na sabi ni Irene

Tumayo si tito saka nagsalita...

" Oo,sinabi ko yun. Pero malay ko ba na ang lokong to pala ang sinasabi mo. Tsk, kung umarte akala mo kuya didiskartehan mo rin naman pala. Kaya pala sinusumbong mo pa yung mga umaali-aligid. Sabi mo pa dahil wala si Bongbong ikaw yung kuya! Ikaw muna magbabantay. Anak ka ng baka! Ikaw rin pala ang sasalakay! Ang tigas rin ng mukha mo! , galit na sabi ni tito Ferdie sa akin.

Sa puntong iyon ay hinawakan na sya ni tita dahil ramdam na nila na di lang pagkainis ang nararamdaman nito sa akin ngunit matinding pagkagalit.

" Hindi ko po sinasadyang mahalin ang anak nyo tito. Pinigilan ko naman po kaso bumigay rin po eh, paliwanag ko sa kanya.

" Pinigilan? Kung pinigilan mo wala ka sana dito loko? gihil na sabi ni tito.

" Dad, malinis po ang intensyon nya. Saka ayaw nyo ba non, dad kilala nyo yung nanliligaw sa akin. Di sya makakapagloko, pangungumbinsi ni Irene.

Si Bonget naman ay panay oa rin ang pigil sa pagtawa sa mga nangyayari . Ewan ko ba sa taong to . Nagkakagulo na ang lahat parang joke time pa rin sa kanya.

" Tigilan mo ako sa mga ganyan mo Maria Celestine ha! Ikaw naman Bonget , alam mo ba to? Kanina ka pa tawa ng tawa ah, inis na sabi ni tito kay Bongbong.

" Ah , hindi po.. wala po akong alam jan, biglang seryoso nyang sabi.

" Mabuti pa umuwi ka na muna
Ipapatawag ka na alang namin kapag nakapag usap na kami, mahinahong sabi ni tita Imelda.

" Sige na, Bonget ihatid mo na sya palabas, sabi naman ni imee

" Ano ba birthday ko ngayon? Akala ko ba gusto nyong malaman ang wiah ko ? Tapos ganyan kayo? naiiyak na sabi ni Irene.

Tinapik naman ako ni Bonget.

"Tara na, ,matipid nyang sabi

Agad naman akong sumunod kay Bonget. Pero bago ako tuluyang umalis ay ibinigay ko muna ang bulaklak at cake kay Irene.

Papalabas na kami ng pintuan nila ay narinig ko pa ang galit na boses ni Irene." Ang unfair mo dad! Ang unfair mo!!!

Habang naglalakad kami ni Bonget papalabas ng bahay nila ay patuloy oa rin sya sa pag tawa. Hindi ko maintindihan, bakit??.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon