BONGET 'S POV:" Asan ka na ba? Andito na kaming lahat eh, ikaw na lang ang kulang eh, Singhal sa akin ni Noy sa kabilang linya dahil wala ako sa lunch party para kay Claudia.
Ngayon kasi ang birthday nya at binigyan sya ng surprise birthday bash ng agency nya. Inimbitahan kasi nila ako at maging ang mga kaibigan namin nio Claudia. At isa si Noy sa mga na-invite.
" They know that I can't be there now because I have a meeting and Claudia also knows that I'm busy right now. And besides, later pa naman talaga ang party kay chill ka lang pwede! paliwamag ko naman sa kanya.
" Hay ! Palagi ka na lang missing in action eh.. It's okay to prioritize your family business, but how about your girlfriend? inis pa nyang sabi sa akin.
" I know my priorities dude kaya wag mo na'ko sermonan. O sige na I have to go, see you later, sabi ko sabay baba ng phone.
Pasakay na ako ng kotse ng bigla akong tawagin ni Mommy.
" Bonget! humahangos na sabi ni Mommy habang papalapit sa akin.
Agad ko naman syang nilapitan at tinanong, " May problema ba Mom?
Agad naman syang umiling saka kinuha ang laman ng paper bag na dala nya saka nagsabi, " Wear this dear, isa yan sa mga bago natin sa " Imeldific Apparel" Look oh, it was really made for you, dagdag pa nya sabay pakita ng signature kong naka-print sa kanang bulsa ng suit.
Napangiti naman ako at naisipan pang asarin si mommy. " Wow Mom! Kulang na lang pala yung full name ko sa baba ah ! So that's why they asked for my signature the last time I visited there.
" Yes dear! Actually it's my idea and lahat tayo may ganyan, tugon nya sa akin. " It's like a set of collection of clothes according to the style of each of us and our signatures are printed on it.
" Ah , okey thanks Mom, sabi ko sabay halik sa kanyang noo. " I have to go na!
" Okay , make it your lucky charm ha Ingat! tugon nya sa akin sabay halik sa pisngi ko.
--------------------------------------------------------------
THIRD PERSON'S POV:
Gusto na sanang umatras at umuwi ni Liza pero tila may sariling pag iisip ang kanyang buong katawan na parang may gustong malaman. Ano nga ba talagang nangyayari sa loob ng silid na iyon.
Dahan dahan nyang binuksan ang naka awang na pintuan. Samantalang parang sasabog naman ang kanyang dibdib sa tindi ng kaba at takot na nararamdaman nya.
Pagpasok nga nya sa kwarto ng lalake ay halos mabalot ito ng dilim. Tanging ang maliit na lampshade lamang sa side table nito ang nagsisilbi nitong ilaw. Gayon pa man,malinaw na nakita ni Liza ang lahat. Ang hubad na katotohanang matagal ng tinatago nina Reggie at Claire.
Nanlaki ang mga mata ni Liza ng makita nya sina Reggie at Claire na kapwa walang saplot at nasa kalagitnaan pa ng kanilang pagniniig. Punung-puno ito ng kaligayahan at hindi man lang napansin ang pagpasok ng dalaga.
Sa puntong iyon ay parang ilog ang mga luha ni Liza na wala ng tigil sa pagdaloy. Hindi nya malaman ang gagawin dahil sa kanyang mga nasaksihan. Tanging ang pag iyak lamang ang kanyang nagawa habang nakatakip ang mga kamay sa kanyang bibig.
Nakaramdam ng panghihina at kawalan ng balanse ang dalaga. Unti unti syang napaatras at tuluyang nabuwal at aksidente nyang natabig ang flower base at tila umalingawngaw sa buong silid ang tunog ng pagbagsak nito.
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
FanficThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...