------- Continuation of Flashback --------" Liza!!! What have you done???
patakbong sigaw ni Monique habang papalapit sa kinaroroonan ni Liza.Natigalgal ang dalagita sa kanyang nakita. Nakahandusay sa kosahig si Lola Rosy na puno ng dugo ang ulo at mukha nito.
" No.. Lola .. what happen to you? Lola!!! , tumatangis na pahayag ni Monique habang sinusubukang gisingin ang kanilang lola.
Samantala, si Liza nama'y natulala at nanatili lamang nakaupo sa sahig malapit sa kanilang Lola Rosy.. Nanginginig ang katawan ng bata dala marahil ng matinding pagkabigla at matinding takot. Tila isang masamang panaginip ang lahat.
Ang tanging natatandaan lamang niya ay may sumalo at yumakap sa kanya ng tuluyan na syang nahulog at mabuwal sa napaka tarik na hagdanan matapos nyang ipikit ang kanyang mga mata.
Ang buong pag aakala ng bata ay guardian angel nya ang nagprotekta sa kanya. Hindi nya akalain na ang Lola Rosy niya pala ang sumalo sa kanya at nagtamo ng paulit ulit na paghampas ng katawan sa mga bahagi ng hagdanan para lamang maprotektahan sya.
Nang unti unti ng naging malinaw sa isipan ni Liza ang mga nangyari ay hindi niya na napigilang umiyak ng malakas.
Mas malinaw pa nilang nakita ang sinapit ng kanilang lola ng bumalik na ang supply ng kuryente sa buong mansyon. Kasabay nito ang pagbukas ng malaking pintuan at iniluwa sina Lolo Manny at ang kanilang mga pinsan.
Nang makita ni Lolo Manny ang kalagayan ng asawa ay agad itong tumakbo at nilapitan ang asawa.
Agad nyang niyakap ang asawa at hinaplos ang duguang mukha nito.
" Mahal! anong nangyari sa'yo?? umiiyak na sigaw nito habang sinusuri ang kalagayan ng asawa..Humahagulgol namang tumugon si Monique " I really don't know Lo. All I know is tumakbo si Liza then sinundan sya ni Lola...
Nang marinig iyon ni Lolo Manny ay agad nitong ibinaling ang tingin kay Liza. Nanghilakbot ang bata dahil kitang kita nya sa mata ng lolo nya ang matinding pagkagalit. Kasabay nito ay binuhat nya ang kanyang asawa at sinabi " Ihanda nyo ang sasakyan dadalhin ko ang asawa ko sa ospital.
Habang palabas ng mansyon si Lolo Manny ay sinundan sya ng kanilang mga apo na umiiyak. Si Liza naman ay napuno ng takot ang puso dahil sa galit na nakita nya sa mga mata ng lolo nila. Agad naman nyang sinisi ang kanyang sarili sa sinapit ng kanilang lola. Kung sana'y nakinig lamang sya at hinintay si Monique, marahil ay di na napahamak ang lola nila.
Sinubukan pang tumayo ni Liza para sundan sila at makita ang kanyang lola ngunit marahil sa tindi ng trauma ay bigla itong nahimatay at nawalan ng malay.
Madaling araw na nang magising si Liza. Agad siyang bumangon at doon ay nakita niya si Greggy na nakaupo sa silya malapit sa may pintuan ng silid. Kapansin pansin ang lungkot sa mga mata nito kaya unti unting nakaramdam ng takot ang bata. .
" Kuya Greggy, where is Lola? Is she okay? , bulalas nya pang sabi sa kuya Greggy nya.
Umangat ang mukha ni Greggy at dito ay tuluyan ng bumuhos ang kanyang mga luha. Nilapitan nya ang nakababatang pinsan at niyakap ng mahigpit.
------ END OF FLASHBACK ----
Sa puntong iyon ay hindi na napigilan ni Liza ang mapahagulgol. Iyon na kasi ang pinakamalungkot na parte ng buhay nya na pinaka ayaw nyang balikan.
" All I...I want is... to..save her. Hindi ko ginustong mapahamak sya! But for them, especially for Lolo, Lola's death was my fault. Because I..I didn't listen & obey my cousin.( dito na unti unting bumigat ang paghinga ni Liza.) They did not accept my explanations. They just immediately judged me & hated me for what happened to her. But God knows, God knows how much I tried to save her. Mahal ko si Lola! Mahal na mahal ko ang Lola ko... Mahal na mahal .....
![](https://img.wattpad.com/cover/337957579-288-k97884.jpg)
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
Fiksi PenggemarThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...