Chapter 38 " SINFUL NIGHT "

34 3 3
                                    


LIZA'S POV:

" Kalma lang Liza, nadadala lang sya sa mga napapanuod nya. Remember mahina ang lalake sa mga ganyang bagay "Yan ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko habang nag aayos ako ng pizza na dadalhin ko sa living room kung saan kami nanunuod ng movie. Sa totoo lang ay hindi ko nagustuhan ang ginawa nya kaya lang ay ayoko namang masira ang gabing ito. Ayoko
ring isipin nya nawala akong tiwala sa kanya . Pero mahirap ding itago ang discomfort ko sa kanya.

" Trust him, he knows your limitations, bulong ko habang pabalik sa living room.

Pagdating ko doon ay may isang bote ng wine sa mesa. Agad ko syang tiningnan na animoy nagtatanong kung bakit meron nito.

" Don't worry konti lang naman eh . Para marelax lang tayo, sabi nya habang nagsasalin sa isang wine glass.

" Ah naku juice na lang yung sa akin. . Magda drive pa kasi ako pauwi eh, sabi ko naman sabay lapag ng plato ng pizza.

" Sige na konti lang naman
eh. Saluhan mo na ko please, pagpapacute pa nito sa akin.

Nag isip muna ako 0saka sumagot " Okey , pero isang shot lang ha,

Ngumiti naman sya at tumango. Ipinagpatuloy naming muli ang panunuod ng movie pero this time ay medyo dumistansya ako sa kanya. At nang muling ipakita ang maiinit na eksena ay agad ko itong sinabayan ng pagkain.

Panay din ang pag alok ko sa kanyang kumain para malihis ang atensyon nya at di madala
sa mga eksena.

Ilang sandali pa ay natapos na rin ang pelikula. Masasabi kong maganda ang pelikula maliban lang talaga sa mga maiinit nitong eksena.

Matapos namaing maunid ay agad ko nag nilinis ang mga platong ginamit namin sa pagkain. Pagkatapos nito ay nagpaalam na rin ako sa kanya.

" O pa'no I have to go. Pasado alas otso na rin kasi ng gabi eh, nakangiti kong sabi sa kanya.

" Ah wait, halika muna sandali,
aniya habang nakaupo pa rin sa may sofa.

Lumapit naman ako ay umupo sa tabi nya. Hinawakan nya naman ang kamay ko at sinabi. " I just realized how lucky i am to have you in my life. Thank you for everything Love, Madalas na hindi ako nagiging appreciative sa mga ginagawa mo but believe me . I love you and I appreciate all your efforts.

Ngumiti naman ako at tumugon,
" I love you too at hinding
hindi ako mapapagod gawin ang lahat ng yun for you

Saglit syang ngumiti saka ako tinitigan sa mga mata ko. Ilang saglit pa ay hinawakan nya ang mukha ko saka ako tuluyang hinalikan.

Gaya ng dati, hangga't maaari
ay di ko binubuka ang bibig ko. Kumbaga ako lang ang receiving end at hindi ako tumutugon dito. Ramdam ko kasi ang kapusukan nya sa bawat mga halik nya.

Natatakot akong makagawa ng hindi dapat kapag tinugunan ko ang bawat mga halik nito. Kaygaya ng nangyari sa mga kapatid ko.

Unti unti kong naramdaman
ang paggapang ng kamay nya
mula sa likod papuntang bewang ko kaya nga bahagya ko syang naitulak.

Muli nya akong kinabig palapit sa kanya pero this time ay hinalikan nya naman ang leeg ko. Agad akong nag pumiglas
at sinaway sya. " Reggie , stop! Ano ba? Ngunit di sya nakinig bagkus ay sinunggaban nyang muli ang mga labi ko .

Pilit nya akong inihiga sa sofa at siniil ng mapupusok nyang halik. Sinubukan kong magpumiglas at itulak sya ngunit halos wala na akong lakas.

Magkahalong takot at galit ang naramdaman ko ng mga oras na iyon. Nangilid ang mga luha ko, hindi ko inasahang magagawa nya sa akin iyon.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon