THIRD PERSON'S POV:" Hija! Hija! sabi ng isang babae habang dahan dahang niyuyugyog ang walang malay na si Liza.
" Ano mahal, kumusta sya? Ang alam ko naman nakapag preno kaagad ako eh, kaya imposibleng tinamaan ko sya, sabi ng driver ng sasakyang muntik ng makabangga sa dalaga.
" Siguro nagulat lang sya, wala naman syang kahit anong galos, tugon naman nito sa asawa.
Ilang sandali pa ay unti unti ng nagising ang dalaga kasabay nito ang paghina ng mga patak ng ulan.
" Sa wakas ! Hija! Kumusta na ang pakiramdam mo? masayang sabi ng driver ng sasakyan.
Dahan dahang bumangon si Liza habang inaalalayan sya ng asawa ng driver.
" Okey ka lang ba? may masakit ba sa'yo? pag aalala pang tanong ng babae.
Nang marinig naman ni Liza ang tanong ng babae sa kanya ay mabilis na tumulo ang kanyang mga luha. Muli nya kasing naalala ang ginawang kataksilan nina Reggie at Claire sa kanya.
Natakot naman ang mag asawa na baka nga tinawaan ang katawan nya ng jeep na sinasakyan nila.
" Ah , hija. Gusto mo dalhin ka namin sa ospital? alok ng asawa ng driver.
" Oo nga hija, hindi ko naman talaga sinasadya. Sinubukan kong magpreno agad at akala ko di ka tinamaan . Pero kung may masakit sa'yo, magsabi ka lang, dagdag pa ng driver ng jeep.
Nang marinig ito ni Liza ay agad nyang pinahid ang mga luha nya at tinugon ang mag asawa upang maalis ang pag- aalala ng mga ito " Okey lang po ako. Nagulat lang po talaga ako sa mga nangyari.
" Buti naman kung gano'n! Kinabahan talaga kami sa'yo. Teka bakit ka nga ba tumatakbo? May humahabol ba sa'yo? muling tanong ng driver ng jeep.
Bahagya namang napayuko ang dalaga sa tanong ng mag asawa. Nagkatinginan na lamang sila dahil di nila maunawaan ang kinikilos ni Liza.
Huminga ng malalim ang dalaga bago unti unting iniangat ang kanyang tingin saka kalaunan ay sumagot. " Sorry po sa abala. Okey lang po ako wag po kayong mag alala. Sige po salamat po !!!
Pagkasabing pagkasabi nya ng mga katagang iyon ay sinubukan na nyang tumayo. Agad naman syang inalalayan ng mag asawa at muling tinanong ng asawa ng driver. " Sigurado ka bang okey ka talaga hija?
Pinilit namang ngumiti ni Liza para lang makampante na ang loob ng mag asawa. Muli syang nagpasalamat sa kanila saka sya tuluyang nagpaalam. Sinubukan pa syang bigyan ng malong ng mag asawa dahil basang basa na sya ng ulan pero mabilis naman syang nakalayo.
Nang makatawid sa kabilang bahagi ay muling nyang nilingon ang mag asawa para tuluyang magpaalm . Agad syang ngumiti at yumuko tanda ng pasasalamat ngunit sa muling pag angat ng kanyang paningin ay nakita nya ang dalawa nina Reggie at Claire na nakatingin sa gawing direksyon nya.
Tila mas lalong tumindi ang sakit na kanyang naramdaman. Agad na syang tumalikod at naglakad palayo. Muling tumulo ang kanyang mga luha. Takot at matinding kalungkutan ang tangi nyang nararamdaman.
Samantala, pagkatapos makita ng dalawa na maayos na ang kalagayan ni Liza ay nag desisyon na silang bumalik sa condo ni Reggie . Hindi na sila nagtangka pang habulin ang dalaga dahil sa muntikan na itong mabangga kanina. Alam kasi nila, lalo na ni Claire na mas makakabuti kay Liza ang makapag isip muna.
CLAIRE'S POV:
Pagbalik namin sa condo ni Reggie ay agad kaming dumiretso sa kusina para kumuha ng maiinom. Tumambad sa amin ang mga hinandang pagkain ni
Liza pati na ang infinity bracelet na kasama ng isang card na nakalagay sa isang plato.
BINABASA MO ANG
" My Serenity & Happiness "
Fiksi PenggemarThis story is based on creative thinking only. A fanfiction about which the protagonist is the First Couple. It's about love that is forged and strengthened by trial and circumstances where they found happiness and comfort in each other's compan...