Chapter 48 " BISTADO "

27 3 6
                                    


BENIGNO' S POV:

" Bumalik ka na ng Amerika,bungad kong sabi kay NoyNoy pagkapasok na pagkapasok nya ng study room.

" What? Why? , nagtataka nyang tanong sa akin.

Agad ko namang nilapag sa mesa sa gawing direksyon nya ang isang folder. Agad naman nya itong kinuha at binasa samantalang ako naman ay nagpatuloy sa pagsasalita " Naglalaman yan ng mga ebidensiyang magpapatunay sa mga iligal na transaksyon sangkot ang lolo mo at si Boyet. Ayokong pati ikaw ay madamay kaya ngayon pa lang umalis ka na sa kompanya.

" Pinaiimbestigahan mo si lolo, gulat nya pang sabi sa akin.

" Oo, dahil alam kong may ginagawa silang iligal, paliwamag ko sa kanya.

" Wag kang umasta na parang ang linis mo, saka ano bang masama? Di naman sila lang ang gumagawa no'n! giit pa nya.

" Oo, pero ang sa akin lang , gusto lang kitang iiwas sa gulo. Ayokong patuloy kang sumama at tuluyang magaya sa mga halang ang bituka na mga yon, kaya nga bumalik ka na sa America para sa ikakatahimik ng loob ko, pakiusap kong sabi sa kanya.

" Tsk! you want me to come back to america? No way! I will not go back there, my life is here now. And can't you see, I'm happy w/ what I'm doing. so please don't bother me anymore, tugon nito sa akin na akmang aalis.

" I'm still your father so don't ignore me . I'm just protecting your welfare. Kaya magbalot balot ka na at bumalik
ka ng Amerika, mariing sabi ko sa kanya. " Nakaalis ka na dati sa gulo kaya wag munang hayaang madamay ka ulit.

Hinarap nya akong muli at matapang na sinabi " I'm not a kid anymore, I will stay here sa ayaw nyo man o sa gusto. And please stop acting like a concerned father, hindi bagay sa'yo,
saad nya na matatalim ang tingin.

" Iniisp ko lang ang kapakanan mo. Ayokong magaya ka sa lolo mo at sa Boyet na yun na sinusunog na ang kaluluwa sa impyerno, giit ko pang sabi.

" At sinong gusto mong gayahin ko? ikaw huh? You who are a shadow and subservient to that Marcos? If that life is okay with you, pwes, ibahin mo'ko . I will never be a coward and weak person like you, wika nyang nakasakit sa damdamin ko.

" Oo mahina ako, pero ni minsan hindi yan pinamukha sa akin ni Ferdinand . Bagkus, inalalayan nya ako para turuan, higit sa lahat hindi nya ako pinabayaang mapahamak, paglilinaw
ko sa kanya. "

" Whatever! Basta wag nyo na akong pakialaman . Matanda na ako at alam ko na ang ginagawa ko, giit ni NoyNoy at tuluyan na itong umalis.

Lalo tumindi ang pagnanais kong tapusin na ang kasamaan ng biyenan ko dahil sa mga ikinilos ng anak ko.

Hindi ako naging mabuting asawa dahil sa mga nagawang kong kasalanan kay Corazon pero ang maging mabuti ama ang pinagtutuunan ko ng pansin. At hindi ako papayag na mapariwara ang anak ko.

Pagkaalis na pagkaalis nya ay dumiretso naman agad ako sa mansyon ng biyenan ko para komprontahin sya.

THIRD PERSON'S PO:

Pagkalabas naman ni Noynoy pinuntahan nya agad ang meeting place nila ng bago nilang client nila. At habang naghihintay ay tinawagan nya ang lolo nya at ibinalita ang napag usapan nilang mag ama. ...

" Hello Lo, alam na ni Dad ang lahat. bungad nyang sabi sa pagtawag nya .
" Pinaiimbestigahan ka nya and he found out halos lahat ng mga naka- transaksyon nyo ni tito Boyet.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon