Chapter 55 " WHY ME??

64 5 11
                                    

YVONNE'S POV:

" What do you think you're doing?? Akin na nga yan?? naiinis na sabi ni ate Cristine sabay agaw ng phone ko.

Alam n'ya kasing kanina pa akong nag aalala kay ate Liza. Mag a alas onse na kasi ng gabi pero hanggang ngayon ay di pa rin s'ya nakakauwi. Kaya nga kanina pa rin akong nag aabang sa may hagdanan sa pagdating ni ate Liza.

" It's almost 11 o'clock, wala pa rin si ate Liza, Pa'no ako di mag aalala? paliwanag ko sa kanya.

" Chill!  girl, maybe they're just enjoy the night! Alam mo na!!   nakangisi naman n'yang tugon.

Maya maya pa'y may nakarinig kami ng kalabog ng pinto. Agad kaming tumayo ni ate Cristine at nagtago sa madilim na bahagi na malapit sa may hagdanan. Ilang saglit lang ay natanaw na namin si ate Liza na paakyat ng hagdan.

Napansin ko agad ang pagiging matamlay n'ya na tila ba mabigat ang pakiramdam. Nagtaka rin ako dahil may suot-suot s'yang coat . Kaya nga di ko maiwasang mapabulong at magtanong kay ate Cristine." What you think??

" Matamlay at mukhang pagod na pagod... Ayyy,....  mukhang  finally nakarating na sila sa langit, pabulong na sabi ni ate Cristine na halatang kinikilig.

" You think so?? naguguluhan ko pang tanong.

Makahulugang ngiti naman ang itinugon sa akin ni ate Cristine subalit tila sa pakiwari ko'y iba ang nangyari.  Nang makadaan na s'ya sa tapat namin ay naisip kong sundan s'ya at kausapin. Ngunit agad akong pinigilan ni ate Cristine. Sa puntong iyon ay wala na akong nagawa pa. Sabay na lang naming pinagmasdan si ate Liza  habang naglalakad papasok sa kanyang silid.

LIZA'S POV:

Nang makauwi na ako sa bahay namin ay nagpasya muna akong magbabad sa bathtub habang pinag-iisipan ang mga nangyari. Hanggang ngayon kasi ay hindi  ko pa rin ma-proseso sa utak ko ang lahat. Wala naman akong magawa kundi ang umiyak lang ng mga sandaling iyon. .

Ilang minuto rin akong nanatili sa ganoong kalagayan ngunit sa huli ay sinikap kong pakalmahin ang sarili ko para matigil na ang aking pag iyak. Wala rin namang mababago kahit mag iiyak pa'ko.
Kaya nga nagdesisyon na akong ayusin ang sarili ko at subukang maipahinga ang isip ko.

Pagkalabas ko nga ng banyo ay naabutan ko pang tumutunog ang cellphone ko. Dali-dali ko itong kinuha sa ibabaw ng side table pero di ko na naabutan pa ang tawag. At nang chineck ko ito ay nalaman ko na kanina pa palang tumatawag si Reggie . Nagdesisyon akong i-off muna ang cellphone ko. Hindi ko pa s'ya kayang makausap ngayon . Wala akong ibang gustong gawin ngayon kundi magpahinga.

Pilit kong ipinikit ang aking mga mata at dali daling akong nahiga. Sinubukan kong makatulog pero ilang saglit lang ang nakalipas ay  muli na namang tumulo ang mga luha sa mga mata. Kusa na itong umaagos ng di ko namamalayan. Pakiramdam ko ay unti unting bumibigat ang aking paghinga habang ramdam na ramdam ko ang kirot sa dibdib ko. Mukhang unti unti na namang nati trigger ang anxiety ko. " No ,this can't happen. I don't want to go back to the way I was before ".

Mabilis akong bumangon at agad na inilibot ang paningin sa loob ng aking silid para ma-divert ang atensyon ko. Habang naglilibot  ang aking paningin ay nakita ko ang coat na pinahiram sa akin ng mystery guy na nakasama ko sa loob ng elevator. Inilagay ko nga pala iyon sa silya malapit sa side table bago ako maligo. Kaagad kong kinuha ang coat at chineck ito sa pagbabakasakaling may makita akong pagkakilanlan ng may ari nito.

Habang sinusuri ko ang coat ay agad nakuha ang atensyon ko ng mabangong amoy nito. " Grabe! parang naligo na sa perfume ang may ari nito ah " nasabi ko na lang sa sarili ko habang dahan dahang inaamoy ang coat. Para kasing pamilyar ang amoy nito pero di ko lang maalala kung saan at kailan ko ito naamoy.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon