Chapter 10 " FIRST LOVE "

33 2 2
                                    


LIZA'S POV:

Mag aalas dose na ng tanghali.
Nagising ako na mabigat ang pakiramdam . Masakit ang ulo ko maging ang buo kong katawan. Hindi ko malaman kung dahil ba ito sa nainom kong alak o dahil sa naulanan kami kahapon. Pinipilit kong bumangon pero parang babagsak lang ako.

Maya maya ay may ingay akong narinig sa pinto ng kwarto ko sabi pagbukas nito at iniluwa nito si ate Cecille at Cristine. May dala silang pagkain at gamot para sa akin.

" Goodmorning ate, nakangiting bati ni Christine.

" Goodmorning!, matamlay ko namang bati sa kanya.

" Hay, nagka-boyfriend lang nagkasakit na agad ,mukhang may gusto magpaalaga ah, ayiiee, pang aasar ni ate Cecille habang inilalapag ang pagkain sa bed ko.

" Boyfriend?? naguguluhan kong tanong sa isip ko. Pagkatapos ay sinimulan kong alalahanin ang mga naganap kagabi....

(= FLASHBACK

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala akong ibang naririnig kundi ang pag cheer kay Reggie.

" AM I READY TO SAY YES ???

Nilibot ko ang paningain ko sa lahat ng nandon sa party . Lahat sila ay nag cheer kay Reggie maliban lang kay Helen na blanko ang ekspresyon ng mukha.

" Anong gagawin ko? Kapag sinabi kong NO! mapapahiya si Reggie ! Hay, bahala na " . Yan ang laman ng isip ko habang pinapakalma ang sarili ko.

" Am... Ano... Ah.... nauutal kong sabi habang nanginginig ang mga kamay ko sa sobrang kaba.

Lahat sila ay nakatitig sa akin kaya lalo akong na-pressure.
Tumango na lang ako at sumagot ng mahina " YES "

(= END OF FLASHBACK =)

Mukhang alam ko na. Napilitan nga pala akong mag Yes kagabi .

" Hay, buti na lang nakinig si Reggie sa akin , sabi ni ate Cecille na pumukaw ng atensyon ko.

" What do you mean? nagtataka kong tanong.

" I told Reggie kung ano ang dapat nyang gawin para mapasagot ka. Sabi ko if he will ask you in front of many people for sure mag Yes ka , saad ni ate Cecille na may pagmamalaki.

" So idea mo yun? Ate naman bakit mo ginawa yun? naiinis kong tanong sa kanila.

" Tumigil ka nga! Ang bagal bagal mo kasi. Saka sasagutin mo rin nama eh, pahayag nya habang inaayos ang pagkain sa harapan ko. " Believe me magpapasalamat ka pa sa kin. Heto kumain kana "

Wala na akong naisagot. Planado pala nila ang lahat. Kumain na lang ako at uminom ng gamot.
Pagkatapos ay iniwan na nila ako para magpahinga.

Di ko alam ang mararamdaman ko. Mukhang wala akong choice kundi panindigan na ang lahat ng sinabi ko.

Ilang saglit pa ay nag ring ang cellphone ko. Agad ko itong sinagot nung makita kong si Helen ang tumawag.

" Hello, matamlay kong bati.

" Kunusta ka na? Sumasakit pa ba yung ulo mo, sunud sunod nitong tanong sa akin.

" Better than good. nnakainom na ako ng gamot, tugon ko sa kanya.

" Buti naman. Hay, nag alala ko sayo kagabi after mo mag yes kay Reggie, ilang minuto lang nahilo kana. He offer na ihatid ka but i refuse kasi may dumating pa syang mga kamag anak. Si Claire naman , ayun kala mo sya yung sinagot sobrang saya . Nakikipag party na sa mga boys don. Kaya ayun hinatid kita sa inyo. Nagulat nga ako kasi pagdating natin sa bahay nyo alam na nila agad eh. , Kwento pa ni Helen.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon