Chapter 44 " HARAP HARAPAN "

26 3 1
                                    


FERDINAND'S POV:

Papunta na ako sa meeting ko sa isa sa mga client namin kay Mr. De Leon, nang may muntik kaming masagasaan na mag ina. Mabuti na lang at agad na nakapag preno ang driver ko. Agad akong bumaba para tingnan ang kalagayan ng mag ina. Mabuti na lamang hindi sila nasaktan. Napag alaman kong mga dayo lamang sila sa lugar na iyon. Binigyan ko sila ng perang pambili ng pagkain at pamasahe pauwi para naman di na sila magpalaboy laboy sa kalsada.

Ilang minuto bago kami makaalis sa lugar na iyo ay napansin naming may kakaiba sa sasakyan kaya agad namin
ito sinuri.

Nagulat kami dahil butas ang gulo ng aming sasakyan. Nagkataon pa naman
na wala dumadaang taxi sa direksyon
na yun. Mabuti na lang at may extra kaming gulong na dala dala . Yun nga lang, kokonsumo kami ng mahaba habang panahon bago ito mapalitan.

Sinubukan kong tawagan ang kliyente
ko pero mahina ang signal kaya hindi ako maka contact ng maayos. Nagpasya ako magpadala na lang ng mensahe para maipaabot ang nangyari sa akin sa kanila.

Malapit na ako sa restaurant na syang meeting please namin nang biglang may nagsend ng picture sa akin. Kasama ng kliyente ko si Benigno at Boyet Araneta. Ayon sa nagpadala magkakausap sila ngayon at kinukumbinsing sa kanilang kompanya na lang makipag negosasyon ang aking kliyente na si Mr. De Leon.

Agad akong lumabas ng sasakyan
at nagmadaling pumunta sa loob.
Pagdating ko doon ay naaktuhan ko
pang pumipirma sila ng kontrata.

" Anong ibig sabihin nito? bungad kong tanong na lubhang ikinagulat ni Benigno at ng aking kliyente.

Agad namang tumayo si Boyet Araneta at serkastikong bumati. " Oh, you're late! good afternoon Mr. Marcos, I'm sorry but the client just signed up in our contract , akala nya kasi di ka na daw dadating . Sayang naman ang oras nila kaya kami na lang ang nakipag usap .

" Ah.. Mr. Marcos ... kasi... Ano eh... Sabi nila di ka na daw dadating... Tapos....kasi.. Mas.... maganda kasi ang offer nila kaya ... Pa.. pasensya na talaga, nauutal na sabi ni Mr. De Leon.

" We'll totoo namang mas maganda amg offer namin eh. Saka ang tagal
mo kasing dumating eh.. nakangisi pa nitong sabi. "Hmm... sandali lang may mag ina ka bang muntik masagasaan pagkatapos nabutas pa yung gulong ng sasakyan mo kaya ka nahuli ng dati?

Nagpuyos sa galit ang dibdib ko. Ngayon ay alam ko nang pakana nya ang lahat kaya nangyari ang lahat ng yun sa akin.
Planado ang lahat at nabiktima ako ng mga patibong nila.

" Walang hiya ka? Napaka rumi nyong talagang magtrabaho, ganyan na ba talaga ka lala ang kasakiman nyo para gamitin ang mga inosenteng tao makuha lang ang gusto nyo, sumbat ko sa kanila.

Tumawa ng malakas si Boyet sabay sabi
" Hindi sila mga inosenteng tao, mga matatalino sila kasi alam nilang mas kailangan nila kami kisa sa'yo. Kaya nga kami ang pinili nilang samahan. Look at Benigno now, sya na ang asset ng company namin. He shines nung mawala ka. He's now the star!

Napangisi na lang ako sabay sabi
" Mukha nga! Huh, ni sa hinagap hindi ko inisip na aabot ka sa ganito Benigno Sinangla mo na talaga ang kaluluwa mo sa mga halang ang bitukang gaya nya? Para sa ano? Para sa karangyaan at kapangyarihan? Nakakaawa ka!

Tumayo si Benigno at akma ito aalis ngunit bago sya lumabas ay tiningnan nya ako ng matalim saka sinabi sa akin ang mga salitang parang patalim na aumugat sa puso ko. " Wala kang karapatang pangaralan ako. Hindi
tayo magkaanu ano. Siguro nga may urang naloob ako sa'yo. Pero sa tingin ko bayad na ako sa maraming taong hinayaan kong maging anino mo lang ako. Tapos na ang mga panahong yun kaya wag mo na akong papakialaman.

 "  My Serenity  &  Happiness  "Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon